Chapter 6

20.7K 696 76
                                    

Ava POV

ILANG minuto ng nakapasok sa kotse si Kuya Matias ay wala pa rin kaming imikan. Patingin tingin ako sa kanya habang nakikiramdam. Panay naman ang buga nya ng mabigat na buntong hininga habang pailing iling na patingin tingin sa akin. Di ko alam kung sa akin ba sya galit o sa lalaking nag amok kanina. Hindi naman kasi sya kagaya ni Kuya Luigi na kapag galit ay kulang na lang mag amok ng away. Sya kasi ay tahimik at kalmado pero ramdam mo ang galit nya. Pero dapat pa rin akong mag-thank you sa pag save nya sa akin. Pasalamat talaga ako na dumating sya kundi baka nasa hospital na ako ngayon. Kung paanong napunta sya sa lugar na ito yan ang di ko alam pero pinagpapasalamat ko.

Lumunok ako at tumikhim para basagin ang katahimikan. "Uhm, thank you Kuya Matias -- "

"Bakit ba ang hilig mo sa gulo Arabella Vania." Mahinahon pero mariing sabi nya.

Napakagat labi naman ako. Binanggit nya ang buong pangalan ko. Ibig sabihin di sya natutuwa sa akin at disappointed sya. Baka akala nya ako ang nag umpisa ng gulo kanina.

"Correction, di ako mahilig sa gulo. Ang gulo ang mahilig sa akin." Katwiran ko. Totoo naman yun. Ang gulo ang mahilig sa akin.

Matalim na tumingin sya sa akin. Tinikom ko naman ang aking bibig.

Sinulyapan nya ang tutang tulog na sa kandungan ko.

"Talagang dumayo ka pa sa lugar na ito para lang sumagip ng kinawawang tuta tapos sasabihin mo di ka mahilig sa gulo."

Umusli ang nguso ko. "Hindi naman ako dumayo dito para sagipin lang tong tuta."

"Eh anong ginagawa mo sa lugar na to?" Inis pa ring tanong nya.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Galing ako sa shelter at pauwi na ako. Eh matrapik kaya nagshort cut ako at dito ako dumaan. Tapos nakita ko yung lalaki bitbit sa leeg tong tuta at may hawak syang dos por dos. Kinutuban ako na papaluin nya itong tuta kaya lumapit na ako para pigilan sya. Ayaw nya ngang ibigay itong tuta eh. Nabitawan nya lang kaya agad kong dinampot." Paliwanag ko.

"Tsk! At sa ginawa mo muntik ka ng mapahamak. Kung di rin ako napadaan dito at di kita nakita -- Ugh god! I can't imagine what could happen to you." Inis na sambit nya sabay buga ng marahas na hininga. Umigting pa ang kanyang panga.

Kumagat labi naman ako. Sa loob loob ko ay may tuwa akong nararamdaman dahil ramdam kong concern sya sa akin kahit parang gusto na nya akong batukan ngayon.

Ngumiti ako. "Kaya inadya talaga ng langit na mapadaan ka dito para mailigtas ako. Ahh! You're my hero Kuya Mat. Thanks for saving my life. Aylabyu na talaga!" Malambing na sabi ko sabay hilig ng pisngi sa kanyang malaking braso. Infairness, ang bango bango talaga nya.

Piniksi naman nya ang braso at sinamaan ako ng tingin. Napanguso naman ako. Sungit sungit talaga. Daig pa ang nireregla.

Umayos na ako ng upo at hinimas na lang si Pochi.

Panay naman ang palatak nya at dinampot ang cellphone na nakapatong sa dashboard. "Tatawagan ko ang kuya mo."

Napasinghap ako at namilog ang mata sa narinig. "Huwag!" Pinigilan ko ang kamay nya.

Salubong ang kilay na tumingin sya sa kamay ko at sa akin. "Anong huwag? We need to call him."

Umiling iling ako. "Please Kuya Matias, don't call him. Lagot ako sa kanya. Siguradong pagagalitan nya ako." Nakakatakot din si Kuya Atlas kapag nagalit. Mas takot ako sa kanya kesa kay mommy. Pero ang mas ikinakatakot ko baka bawasan nya ang allowance ko kapag nalamang napa-trouble na naman ako.

"Dapat lang naman na pagalitan ka."

"Kuya Matias naman ih. Sige na huwag mo na syang tawagan. Siguradong babawasan nya ang allowance ko."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon