Chapter 29

20.5K 753 153
                                    

Ava POV

NAKAPANGALUMBABANG pinagmamasdan ko si Matias habang smooth ang bawat galaw sa paghihiwa ng malaking subuyas na puti at pula. Magluluto sya ng bistek tagalog. Siguradong masarap yun kasing sarap nya.

Kumagat labi ako at napangiti sa kapilyahang naisip. Hitsura pa lang naman ni habibi Matias mukha ng masarap. Ang gwapo nyang mukha na stoic. Sobrang lakas ng dating nya sa kanyang itim na itim na bigote at balbas na nakakakiliti kapag kumikiskis sa aking leeg. Ang tangos ng ilong nya at ang mga mata nyang nangungusap na mas mahaba pa ang pilik kesa sa akin. Bet na bet ko rin ang kanyang itim na itim na kilay na medyo makapal. Syempre pinakabet ko ang kanyang hard rock yummy body. Hehe. Parang mas gusto ko ng Matias steak.

"What are you thinking huh?"

"Ha?" Napakurap kurap ako at nagtaas ng tingin sa mukha ni Matias. Nakakunot na ang kanyang noo.

"Ang sabi ko anong iniisip mo."

"W-Wala! Wala akong iniisip." Pagdedeny ko sabay haba ng nguso.

Tumaas ang kilay nya. "Really? Pero iba ang nakikita ko sa mukha mo."

Tumaas din ang kilay ko. "Ano naman yun?"

"Nakikita ko ang pagnanasa sa mukha mo. Pinagnanasaan mo ko." Nakangising sabi nya.

Napasinghap naman ako at namilog ang mata. Nag init din ng bongga ang mukha ko. "P-Pinagnanasaan ka dyan. Hindi no! Iniisip ko lang kung alin ang masarap. Yung bistek o ikaw -- " Owh shit! Mabilis kong tinakpan ang bibig. Nadulas ako punyeta!

Lalo namang lumawak ang ngisi sa labi ni Matias. "I knew it." Dumukwang sya at hinawakan ang baba ko. "Malalaman mo rin yan babe. But I'll make sure mas masasarapan ka sa akin kesa sa bistek." Bahagya pa nyang pinisil ang baba ko bago binitawan at parang wala lang hinarap na nya ang kalan.

Ako naman ay nawalan na ng imik. Tila ako naestatwa na sa kinauupuan. Pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nagtayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan. Ramdam na ramdam ko ang pagkabuhay ng dugo ko na dumadaloy sa bawat himaymay ng aking ugat. Kinakabahan ako na excited. Shit!

Napapitlag ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si mommy. Sinagot ko yun at tumingin kay Matias na naghahalo na sa kawali.

Nagtatanong si mommy kung magkasama pa kami ni Matias. Sinabi ko naman na nandito kami sa bahay ni Matias at dito magdidinner bago nya ako ihatid sa bahay. Si mommy naman ay tuwang tuwa pang kinuwento ang tungkol sa bago nyang ampon na tuta na pinangalanan na nyang Chuckie dahil kulay tsokolate ito. Natutuwa naman ako dahil nagustuhan nya ang tuta. At least may iba na syang pagkaka abalahan ngayon at hindi puro pagmamarites na lang.

Pagkatapos magluto ni Matias ay kumain na kami. Masarap nga ang bistek nya. Malambot ang karneng baka at malinamnam.  Kasabay naming kumakain si Pochi pero iba ang pagkain nya. Dog food na may carrots, smash kalabasa at atay ng manok. Ang sosyalin na talaga ni Pochi at nagdadalaga na sya.

"May balak ka bang ipakapon si Pochi? Nagdadalaga na sya. Malapit na syang magpaligaw. Kapag naligawan sya siguradong magkakaapo ka na." Sambit ko habang sinisimot ang kanin sa plato. Gusto ko pang magkanin pero gabi na kaya bukas na lang.

"Yes. Pero ang sabi ng vet nya mga three months pa bago sya pwedeng kapunin."

Tumango tango ako. At least may plano sya.

Natigilan ako ng makarinig ng kulog. Tumingin ako sa salaming bintana ng komedor at nakita ko ang pagbuhos ng ulan. "Umuulan.."

Magkatuwang naming niligpit ni Matias ang pinagkainan namin. Sya na ang nagpresintang maghugas. Ako naman ang nagpunas ng mesa at nagrefill ng tubig ni Pochi.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon