Chapter 39

19.4K 698 87
                                    

Ava POV

HINDI maampat ang luha ko sa pagtulo. Mahapdi na nga ang mata ko at namumula na rin ang ilong ko. Halos maghapon na akong umiiyak at nagkukulong lang dito sa kwarto. Masikip na masikip ang dibdib ko at parang di na ako makahinga. Parang dinudurog rin ang puso ko.

"Anak, tahan na. Kanina ka pa iyak ng iyak." Umupo si mommy sa tabi ko at hinimas ang likod ko.

Sumingha ako sa tissue na hawak at muling humikbi. Lumingon ako kay mommy. Nakaguhit sa kanyang mukha ang pag aalala.

"M-Mommy.. paano kung.. k-kung may nangyari ng masama kay Matias.."

"Shh.. huwag kang mag isip ng ganyan Ava. Think positive lang na ok si Matias."

"S-Sinusubukan ko naman pong mag isip ng positive eh. Pero sa tuwing naiisip ko yung napanood ko sa news.. n-akatagilid ang sasakyan ni Matias. T-Tapos tadtad pa ng bala at maraming d-dugo.." Muli akong napahagulhol ng maalala ang napanood sa news kanina. Kaya pala hindi sya tumawag kagabi. Kaya pala hindi sya nagrereply sa mga text ko.

Niyakap ako ni mommy at hinaplos haplos nag buhok ko. "Alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon anak. But you have to be strong. Ano man ang mangyari kay Matias kailangan mong tanggapin."

"No mommy!" Kumalas ako sa yakap ng ina at umiling iling. "H-Hindi ko matatanggap.. hindi ko matatanggap. W-Walang mangyayaring masama sa kanya. B-Babalik sya sa akin ng buhay.."

"Ipagdasal natin yan anak."

Muli akong yumakap kay mommy at sumubsob sa kanyang dibdib. Doon ko binuhos ang bigat at sakit na nararamdaman ko.

"Nagtutulong tulong na sa paghahanap ang kuya mo at mga kaibigan nila ni Matias. Pati na rin ang pinsan ni Matias at mga kaibigan nito ay tumutulong na rin." Ani mommy.

Mabigat na bumuntong hininga ako. "Ilang oras na silang naghahanap pero di pa rin nila nakikita si Matias. Pati mga pulis naghahanap na rin pero wala pa rin. Ano bang klaseng paghahanap ang ginagawa nila?" Inis na sabi ko.

Tumingin sa akin si Jolene at Ivonna na narito sa bahay para i-comfort ako. Pero kahit i-comfort nila ako ay hindi pa rin nababawasan ang bigat sa dibdib ko. Hindi pa rin nababawasan ang pag aalala ko. Mababawasan lang ito kapag may maganda ng balita tungkol kay Matias. Magiging ok lang ako kapag bumalik sya sa akin ng buhay.

"Anak, hindi naman kasi ganun kadali na maghanap sa taong kinidnap. Lalo pa at ang kumidnap ay kriminal."

"Kaya nga mommy kailangan ng mahanap agad agad si Matias dahil kriminal yung uncle nya. Kapag nakita ko yung uncle nya bebembangin ko yun."

Hindi na nagsalita si mommy o kahit si Ivonna at Jolene. Nakatingin lang sila sa akin. Nasa kanilang mukha ang pag aalala at awa.

.

.

Matias POV

NAGISING ako sa malakas na amoy. Dinilat ko ang mata. Malabo sa una pero unti unti na ring lumilinaw. May tatlong lalaking nakatayo sa harapan ko at nakatingin sa akin. Sinubukan kong igalaw ang katawan. Masakit pa rin ang buong katawan ko at hindi ko maigalaw ang mga braso na mahigpit na nakatali sa likod ng aking inuupuan. Mukhang ilang oras na rin akong nakatali dito habang tulog.

"Gising na sya bossing." Wika ng isang lalaking nakangisi.

"Mabuti naman."

Narinig ko ang pamilyar na boses. Gumilid ang tatlong lalaki at naglakad palapit sa akin ang pamilyar na mukha.

"Uncle Elijah.." Nanghihinang sambit ko.

Doon bumuhos sa alaala ko ang mga nangyari. In-ambush ako habang papauwi. Pinaulanan ng bala ang sasakyan ko at binangga ng ilang beses hanggang sa tumagilid at nawalan ako ng malay.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon