Chapter 34

20.4K 679 51
                                    

Ava POV

NAG angat ako ng mukha at tumingin sa mukha ni Matias. Mapupungay pa rin ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

"Anong sabi mo?" Tanong ko. Malinaw kong narinig ang sinabi nya kanina pero gusto kong marinig ulit dahil baka guni guni ko lang yun.

Ngumiti sya. "I said I love you.." Malambing na sabi nya.

Nahigit ko ang hininga kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. "Talaga? Love mo ko?"

"Yes babe.. bakit ba parang hindi ka makapaniwala?" Pinalis nya ang ilang hibla ng buhok kong tumatabing sa aking mukha.

Lumabi ako. "Eh kasi.. ngayon mo lang sinabi."

Kumunot ang kanyang noo. "I'm sorry.. pero pinaparamdam ko naman sayo di ba? Yun ang mas importante."

Nararamdaman ko naman na mahal nya ako sa mga ginagawa nya sa akin. Pero syempre iba pa rin yung sinasabi.

"Ako ba mahal mo?" Tanong nya.

"Syempre naman! Hindi ko naman ibibigay sayo ang kiffy ko kung hindi." Madali lang naman syang mahalin. Bukod sa gwapo sya, macho at masarap. Maalaga din sya, maalalahanin at generous sa akin kahit may kasungitan.

Ngumisi sya. "Good girl."

Iniyakap kong muli ang mga braso sa batok nya at dinampian sya ng mariing halik sa labi. "I love you too habibi ko."

Ngumiti sya at siniil ako ng halik na agad ko namang tinugon.

Muli ay inangkin naman ang isa't isa sa couch..

Inaayos ko ang bra ko habang si Matias ay sinusuot sa akin ang pantalon ko. Sya ang naghubad ng damit ko kaya dapat lang na tulungan nya akong magbihis.

Zinipper na nya ang pantalon ko at binutones. Dinampot ko naman ang crop top ko at sinuot. Sunod ay sinuot ko na ang sandals ko. Si Matias naman ay inayos na nya ang kanyang polo at binalik ito sa pagkaka-tuck-in sa slacks. Kinabit na rin nya ang sinturon at necktie pagkatapos ay nagsapatos.

Dinukot ko naman ang pabango ko sa bag at nagspray sa paligid para hindi amoy torjak. Nakakahiya kay Jamil at sa magiging mga bisita. Lumiwanag pa sa buong paligid dahil binuksan na ni Matias ang mga blinds at pinatay na nya ang ilaw sa chandelier. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanyang bewang. Niyakap din nya ako ay hinalikan sa buhok.

"Hatid mo ko sa labas.." Lambing ko.

"Sure.." Malambing na sabi nya sabay dampi ng halik sa aking labi.

Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad papunta sa pinto.

Umawang ang labi ko ng mabungaran namin sa labas ang ilang empleyado na may mga hawak na folder. Mukhang kanina pa sila naghihintay kung kelan magiging available ang big boss nila. Nakatingin sila sa amin ni Matias. Nag init naman ang pisngi ko sabay yuko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Matias at bahagya kong tinago ang mukha sa kanyang braso. Malamang iba ang iniisip ng mga empleyado nya. Dalawang oras ba naman kami sa loob ng opisina na bawal ang istorbo.

Pero si Matias ay parang wala lang sa kanya ang mga tingin ng empleyado. Dire-diretso lang syang naglakad papunta sa private elevator nya akay ako. Tumingin ako kay Jamil. Nakatingin din sya sa akin na may ngiting kinikilig.

"Nakakahiya.." Sambit ko ng nasa loob na kami ng elevator.

Tumingin sya sa akin. "Anong nakakahiya?"

Ngumuso ako. "Nakatingin sa atin ang mga empleyado mo. Malamang iba ang iniisip nila."

"Pagsasabihan ko sila."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon