Chapter 3

22.4K 723 79
                                    

Matias POV

"OO na sige na. Bumitaw ka na nga." Asik ko kay Ava.

Tinanggal ko na ang mga braso nyang nakapulupot sa aking braso. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan. Lagi naman syang ganito sa akin kapag inuuto ako pero ngayon ko lang naramdaman ito. Magkakasakit yata ako.

"Really Kuya Mat? Yiih! The best ka talaga! Kaya ikaw ang pinaka-love ko sa lahat ng friends ni kuya kahit ubod ka ng moody. Pakiss nga ako!" Ngumuso sya sa akin.

Nilapat ko ang kamay kong may gloves sa nguso nya at bahagyang tinulak ang kanyang mukha. Ganyan ang lagi nyang sinasabi kapag nakakauto sya sa aming mga kaibigan ng kuya nya.

"Mag-tooth brush ka muna."

Sumimangot sya at pinunasan ng kamay ang labi. "Nag toothbrush ako no! Amuyin mo pa hininga ko eh." Tumingkayad sya at huminga sa aking mukha. Mariin ko namang pinaglapat ang labi.

Hindi naman sya bad breath at wala ding kakaibang amoy ang kanyang bibig na masakit sa ilong. Mabango ang hininga nya. Parang hininga ng baby.

"O di ba? Mabango ang hininga ko." Pagmamayabang pa nya.

"Tss. Whatever. Umuwi ka na nga. Iniistorbo mo na ko."

"Pakain muna."

"What?" Kunot noong binalingan ko sya.

"Ang sabi ko pakain. Nagugutom na ko eh." Nanghahaba ang ngusong sabi nya sabay himas sa tiyan.

Napapikit naman ako ng mariin at napailing. Parang iba kasi ang pagkakaintindi ko kanina. Magkakasakit nga yata talaga ako at kasalanan ng babaeng ito.

"Umuwi ka sa inyo at doon ka kumain."

"Hustle naman kung uuwi pa ako. Diretso na kasi ako sa store. Pakain na kasi. May pagkain ka ba dyan? Pakain ako ah."

Bago pa ako nakasagot ay tumalikod na sya at pumasok sa loob ng bahay ko.

Napabuntong hininga ako at napailing na lang. Nilapag ko ang spray bottle sa coffee table at hinubad ang gloves. Sinundan ko si Ava sa loob ng bahay. Baka magkalat lang sya doon. May pagkamagaslaw pa naman syang kumilos.

"Ay!"

Napahinto ako at bumuntong hininga ng marinig ang tili ni Ava at ng nalaglag na takip ng kaserola. Kasasabi ko lang eh.

Naglakad ako at dumiretso ng kusina. Naabutan kong dinampot nya ang takip ng kaserola.

"Makikikain ka na lang maninira ka pa ng gamit." Sita ko.

"Sorry, nabitawan ko eh." Nakangiwing sabi nya at tiningnan ang laman ng kaserola. "Paksiw na bangus na may ampalaya? Bakit may ampalaya? Eh di mapait ito. Di ako kumakain ng amapalaya." Reklamo pa nya.

"Eh di huwag kang kumain." Lumapit ako sa refrigerator at kumuha ng isang bote mineral water.

Napangisi ako ng makita ang mukha ni Ava na di halos maipinta at nakatitig lang sa laman ng kaserola. Ngayon ko lang nalaman na di pala sya kumakain ng ampalaya. Akala ko walang pagkain na di nya kinakain eh. Mahilig syang kumain. Kaya nga noong bata sya hanggang sa magdalaga ay may kalusugan ang pangangatawan nya. Pero ngayon ay medyo slim na sya kung kaya't kitang kita ang kurba ng katawan.

Iniwas ko ang mata sa katawan nya at ipinilig ang ulo. Tila bigla akong inuhaw. Binuksan ko ang takip ng bote ng mineral water at agad na tinungga. Kailangan ko na yatang uminom ng gamot bago pa ako tuluyang magkasakit.

Ng maubos ko ang laman ay hinagis ko sa trash bin ang basyo ng bote. Muli kong binalingan ng tingin si Ava na nakasandok na ng kanin at paksiw na bangus, di nga lang nya sinama ang ampalaya.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon