Chapter 25

21.2K 830 186
                                    

Ava POV

NAPAAWANG ang labi ko sa huling sinabi ni Kuya Matias. Hindi lang nya ako gustong maging girlfriend kundi maging asawa din. Hindi ko alam kung maniniwawa ba ako o ano. Pero sobrang seryoso ng mukha nya at hindi sya marunong magbiro. Kung ano ang sinabi nya ginagawa nya.

Napalunok ako. Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib dahil sa kaba at kilig.

"H-Hindi pa ako ready mag asawa Kuya Matias. Bata pa ako.."

Ngumisi sya. "Hindi ka na bata. Pwede ka na ngang gawan ng bata."

Napasinghap ako sa sinabi nya kasabay ng pagiinit ng aking mukha. "A-Ang manyak mo Kuya Matias!"

"Anong manyak sa sinabi ko? Nagsasabi lang ako ng totoo. Pwede ka ng gumawa ng bata. Magkatulong tayong gagawa."

"Ahh! Shut up Kuya Matias!" Tinakpan ko ng dalawang braso ang tenga para di na marinig ang iba pa nyang sasabihin na nakakapag panindig ng aking balahibo.

Malakas namang tumawa si Kuya Matias. Yung tawa nyang tuwang tuwa.

Nakanganga lang ako habang pinagmamasdan syang malakas na tumatawa. Ngayon ko lang syang nakitang tumawa ng ganito. Para syang bumata. Parang ang saya saya nya. Masayang masaya sya sa ginagawa nya sa akin.

Huminto na sya sa pagtawa pero may ngisi pa rin sa labi. Tinanggal ko naman ang dalawang braso sa tenga at inikutan sya ng mata.

"Hindi naman kita pipilitin na mag asawa agad. I'm willing to wait Ava." Aniya at pumunta sa sink tangay ang tupperware na wala ng karneng laman.

Naiwan naman akong nakatanga ng ilang saglit. Mukhang seryoso talaga ang lolo. Ako ang gusto nyang maging asawa wala ng iba.

'Wala eh! Maganda talaga ako. Ako lang ang nag iisang Arabella Vania Montecillo at patay na patay sa akin si Maalik Tobias Santiago. Eh di ako na! Ako na talaga!'

Sa tabi ng pool kami nagihaw. Manghang mangha din ako habang pinapanood si Kuya Matias kung paano magpabaga ng uling. Expert na expert.

"Mabuti ka pa marunong magluto. Si Kuya Atlas hindi. Pero nag aaral na syang magluto ngayon dahil inaasar sya ni Jeremiah na hindi marunong magluto." Sambit ko habang pinapaypayan ko ang iniihaw. Naaamoy ko na nga ang aroma nito. Amoy pa lang nakakagutom na.

"Sa aming anim tatlo lang kami na marunong magluto. Ako, si Jeiz at si Lorenzo. Si Jeiz at Lorenzo natuto sila noong nagtraining sila sa pagsusundalo at pagpupulis. Ako naman nagpaturo sa dati naming kasambahay dahil mag aaral ako sa New York. Walang kasambahay doon kaya kailangan matuto."

Tumango tango ako. Kapag ginusto talagang matuto, matututo talaga. Makapag aral nga ring magluto.

"Huwag mo ng paypayan malakas naman ang baga. Masusunog agad yan." Saway nya sa akin.

Tumigil naman ako. Pinanood ko na lang sya sa paghihiwa ng sibuyas para sa sawasawan. Takam na takam na ako. Masarap ang barbecue tapos masarap ang gumagawa -- ng sawsawan.

"Hindi ba half arab ka?" Tanong ko. May kaunting alam na ako tungkol sa buhay nya dahil sa kwento ni mommy at ni Kuya Atlas. Pero iba pa rin yung ako mismo ang makakaalam ng iba pang tungkol sa buhay nya. Tutal naman according to him future girlfriend at future wife nya ako. Kaya kailangan ko syang kilalanin ng mabuti.

Sumulyap sya sa akin. "Ang daddy ko ang half arab."

"Ah so bale one fourth ka na lang."

Ngumisi sya. "Parang ganun na nga."

Infairness ang lakas ng dugo ng arabo sa kanya. Pero maganda rin daw ang mommy nya noong nabubuhay pa. Dating beauty queen.

"Nasaan pala ang daddy mo?" Wala akong alam tungkol sa daddy nya. Tungkol lang sa mommy nya ang alam ko na namatay dahil sa isang aksidente.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon