Chapter 37

18.9K 736 101
                                    

Ava POV

NAHIHIYA akong ngumiti sa may edad na lalaking kaharap ko. Ang ama ni habibi na kamukha din nya. Ang gwapo din ng daddy nya parang older version nya. Kabaliktaran nga lang nya ng ugali. Palatawa ang daddy nya at halatang mabiro. Pero kapag hindi ito tumatawa ay syang sya ang awra. Nakakaintimidate.

"Nice to meet you iha. You are so beautiful."

"Nice to meet you too sir. You are so handsome din po."

Malakas na tumawa ang ama ni Matias. "I like you iha, very honest ka. Anyway just call me tito, wag na sir. Or just call me daddy. Tutal naman ang sabi ni Maalik malapit na raw kayong ikasal."

Suminghap ako at namilog ang matang nilingon ko si habibi. Tumingin din sya sa akin at pinisil ang kamay ko. Kahit hindi sya magsalita ay gets ko ang gusto nyang sabihin.

"Ah opo tito, malapit na po kaming ikasal ni Matias." Sabi ko kay Tito Amir.

Namilog ang mata nya. "Talaga? So kelan ang kasal nyo? May petsa na ba? May plano na ba?"

Umawang ang labi ko sa sunod sunod na tanong ni Tito Amir. Bigla akong napressure.

"Wala pa ho dad. Pag uusapan pa lang ho namin ni Ava." Si Matias ang sumagot.

"Ah, akala ko meron na. Excited na akong ikasal kayo. Lalo na excited na akong magkaapo." Ngiting ngiting sabi pa ni Tito Amir.

Nag init naman ang pisngi ko. Apo pa nga ang nais ni Tito Amir.

"Darating din tayo dyan dad." Pinisil muli ni Matias ang kamay ko. Gumanti rin ako ng pisil.

Tumango tango si Tito Amir. "Sabihin mo lang sa akin anak kung may plano na kayo. Sa susunod na uwi ko dito sa Pinas kasama ko na ang tita at kapatid mo. Gusto kong makilala ang pamilya ni Ava." Bumaling sa akin si Tito Amir at ngumiti. "Ayos lang ba iha?"

"Syempre naman po tito, ayos lang po. Siguradong magkakasundo po kayo ni mommy. Best friend po sya ni Tita Tessie." Sabi ko.

"I'm sure maganda ang mommy like you. I'm so excited to meet her." Lalong lumapad ang ngiti ni Tito Amir.

"Dad, may asawa ka na." Paalala ni Matias sa ama.

"I know, di ko nakakalimutan anak. Excited lang akong makilala ang mommy ni Ava. Byuda na sya di ba?"

"Yes po tito. Mahigit sampung taon na rin po." Mukhang chick boy ang daddy ni habibi.

"Oh.. I'm sure nakamove on na sya."

"Dad." Saway ni Matias sa nagbabantang boses.

"Oo na, ang killjoy mo talaga anak."

Ilang sandali pang nanatili sa bahay ni Matias si Tito Amir at nakipag kwentuhan sa akin. Pero hindi rin sya nagtagal dahil may flight pa sya pabalik ng Dubai.

"Bakit sinabi mo sa daddy mo na malapit na tayong ikasal?" Tanong ko kay Matias habang nakayakap ako sa bewang nya at nakatingala sa kanya.

"Dahil yun naman ang totoo." Aniya sabay dampi ng halik sa labi ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Naging mapungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Tinaas nya ang kamay at hinaplos ang buhok ko.

"Let's get married Ava."

Umawang ang labi ko sa sinabi nya kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso ko. "G-Gusto mong magpakasal na tayo?"

"Yes babe."

"Sigurado ka?"

"Siguradong sigurado."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon