Chapter 44

17.6K 780 104
                                    

Ava POV

SAMPUNG araw lang ang inilagi ni Matias sa hospital. Mabilis syang nakarecover. Dalawang araw pa nga lang sya sa hospital ay nakakatayo na syang mag isa at nakakapag banyo na. Mabilis ding naghihilom ang mga sugat nya at ang mga pasa nya sa mukha ay naglalaho na.  Magana syang kumain dahil gusto nyang gumaling na talaga para makalabas na ng hospital. Pang limang araw nya sa hospital ay gusto na nyang lumabas pero hindi sya pinayagan ng doctor kahit maayos na ang hitsura nya. Kaya nagdagdag pa ng limang araw ng pananatili nya sa hospital.

Sunod sunod ang subo ko ng kanin at ulam. Gutom na gutom kasi ako. Pero ang totoo nyan kumain naman ako kanina. Nitong mga nakaraang araw talaga ang bilis kong magutom. Ang sabi ni doctora normal lang daw yun sa buntis. Pero siguradong tataba naman ako nito. Heto na nga o, lumalaki na nag mga braso ko at matambok na ang pisngi ko.

Bumuntong hininga ako habang mabagal na ngumunguya.

"Are you ok?"

Tumingin ako kay Matias na nakatingin din sa akin habang ngumunguya. Nandito kami sa resto ni Tita Tessie at dito kami naglu-lunch. Kagagaling lang namin sa check up nya.

Sumimangot ako at muling sinubo ang kutsara na may kanin at karne. Mabagal ko itong nginuya.

"Ava? May masakit ba sayo?" Nag aalala ng tanong ni Matias.

Nilunok ko muna ang pagkain at tumingin sa kanya. "Walang masakit sa akin. May iniisip lang ako."

Tumaas ang kilay nya. "Ano naman ang iniisip mo?"

Umusli ang labi ko. "Tumataba ako. Lumalaki na ang braso ko o. Bumibilog na rin ang pisngi ko at may bilbil na rin ako. Tapos lagi pa akong gutom."

Ngumisi sya. "Normal lang daw sa buntis ang laging gutom. Importante huwag mong gutumin ang sarili mo. Kumain ka."

Lalong nanghaba ang nguso ko. "Tumataba naman ako."

"And so?"

Sumimangot ako. "Hindi na ako sexy."

Mahina syang tumawa. "Sexy ka pa rin."

"Talaga? Paano kapag nagsex tayo tapos sakyan kita baka di mo na ako kayanin."

Umawang ang labi nya at tumingin sa paligid. Napatingin din ako. Sumalubong sa akin ang kakaibang tingin at ngiti ng mga customer na malapit lang din sa mesa namin. Nag init ang pisngi ko. Mukhang narinig nila ang sinabi ko. Nakakahiya.

Napayuko na lang ako at muling sumubo ng pagkain.

"Kung yun ang inaalala mo siguradong kakayanin kita kahit dumoble pa ang timbang mo."

Nag angat ako ng tingin kay Matias na may pilyong ngisi sa labi.

Lalo lang nag init ang pisngi ko pati ang katawan ko ay nagiinit na rin. Ito pa ang isa sa weird na nararamdaman ko eh. Ang bilis kong mahorny. Kaunting haplos lang sa akin ni Matias nag iinit na ako. Titig pa nga lang nya tumitibok na ang kiffy ko. Bigla ko tuloy namiss si titty Tobias.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng resto para umuwi sa bahay nya. Sya ang nagmamaneho ng kotse. Sabi ko nga ay ako na lang dahil hindi pa masyadong magaling ang fracture sa ribs nya. Pero ang sabi nya ay kaya naman daw nya at hindi na raw masyadong sumasakit.

"Ang sabi ni doctora pwede daw akong mag-exercise o kahit yoga." Sabi ko habang nakayakap ako sa braso nya.

"Safe ba yun sa pagbubuntis mo?"

"Yun ang sabi ni doctora. Pwede nga daw kahit aerobics o kaya dancing. Makakatulong daw yun sa mood ko bilang buntis ako."

"Ok kung yan ang sabi ng doctor sasamahan kita magexercise."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon