Chapter 35

21K 746 154
                                    

Matias POV

KUMUNOT ang noo ko ng magvibrate ang cellphone ko. Dinampot ko yun at binuksan. Napangiti ako ng makitang may reply na si Ava sa text ko.

Ava:
I love you too habibi ko

Ngumisi ako at nagreply ulit.

Nilapag ko ang cellphone sa tabi ng papales na pinipirmahan at pasulyap sulyap dun kung nagreply na ang nobya. Para akong na-recharge sa reply nya. Nakakaganang magtrabaho. Yun nga lang ay namimis ko na naman sya. Kung pwede nga lang ipending ang mga trabaho para puntahan ko sya ginawa ko na. Hindi naman pwede dahil magtatagal lalo ang trabaho.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Pero hindi numero ni Ava ang nakarehistro kundi numero ni Tita Tessie.

Bumuntong hininga ako at dinampot ang cellphone sabay swipe ng green button. "Hello tita."

"Mat iho, masusurpresa ka sa sasabihin ko."

Kumunot ang noo ko ng marinig ang excited na boses ni Tita Tessie sa kabilang linya.

"About what tita?"

"Dumating si Kuya Amir."

"Si daddy? Nandito sa Pilipinas?"

"Yes iho. Kararating lang daw nila kagabi at kani-kanina lang ay pumunta sila dito sa resto para kumain at surpresahin ako. Huwag ko daw sabihin sayo na dumating sila para masurpresa ka."

Kumamot ako sa noo. "Paano ho ako masusurpresa eh sinabi nyo na."

"Ay oo nga pala! Sorry naman iho. Kunwari na lang hindi ako tumawag sayo."

Humagikgik pa si Tita Tessie sa kabilang linya.

Bumuntong hininga ako. Napaaga yata ang punta ni daddy dito sa Pinas, baka namiss na ako. Kunsabagay miss ko na rin sya. Pero sabi ni tita ay 'sila' daw. Ibig sabihin ay may kasama si daddy. Ang asawa nya kaya at ang half brother ko? Pinay din ang pangalawang asawa ni daddy. Mabait din naman ito at parang si mommy din.

"Kasama ho ni daddy si Tita Rosana at Omar?" Tanong ko pa kay Tita Tessie.

Pero bago pa sumagot si Tita Tessie ay tumunog naman ang intercom. Pinindot ko ito.

"Sir, narito po si Sir Amir."

Bumuntong hininga ako at nag paalam na kay Tita Tessie na hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi. Binaba ko na ang cellphone at pinatay.

"Papasukin mo si daddy Jamil."

"Yes sir."

Niligpit ko muna ang mga papeles at nilagay sa drawer. Bumukas ang pinto at pumasok si daddy na may malawak na ngiti.

"Hello my beloved son!" Malakas ang boses na bati nya sa akin at nakabuka pa ang dalawang braso.

Tumayo naman ako. "Hello dad." Bati ko sa ama at lumapit. Pero natigilan ako ng may dalawang babaeng kasunod nyang pumasok. Isang babaeng may edad na bagama't sopistikada at mukha syang filipina. Ang isang bata bata pang babae ay mukhang arabian. Ngumiti sila ng matamis sa akin. Kinunutan ko lang sila ng noo dahil hindi sila pamilyar sa akin.

Niyakap ako ni daddy. Niyakap ko rin sya at tinapik tapik sa balikat habang hindi ko inaalis ang tingin sa dalawang babae.

Kumalas ng yakap sa akin si daddy at hinawakan ang mukha ko. "Sobrang gwapo mo pa rin anak ko. Manang mana sa akin." Sambit nya sabay tawa ng malakas.

Kumunot lang ang noo. Ganito naman si daddy. Masiyahin at palatawa. Mga katangian na nagustuhan sa kanya ni mommy.

"Sino sila dad? Don't tell me mga bago mo silang asawa? Hiwalay na ba kayo ni Tita Rosana?" Sunod sunod na tanong ko.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon