Chapter 11

19.4K 666 117
                                    

Ava POV

TAHIMIK akong dumighay pero may kaunting ingay pa ring lumabas. Pasimpleng tumingin ako sa paligid. Busy sa pagkain ang mga customer at mukhang di naman nila narinig ang pagdighay ko. Nagkibit balikat ako at dinampi dampian ng napkin ang bibig.

"Here's your special halo halo ma'am." Magiliw na sabi ng waitress at nilapag sa harapan ko ang special halo halo nila na nakalagay sa buko na maraming sahog. Best seller nila ito.

Tila tutulo na ang laway ko ng makita ko ang leche flan, ube halaya at ice cream na nasa ibabaw ng halo halo. Nakangiting tumingin ako sa serbidora.

"Thank you."

"You're welcome ma'am. Enjoy your dessert."

Pagkaalis ng waitress ay agad ko ng nilantakan ang halo halo. Gatas pa lang solve na solve na. Sulit talaga ang bayad pag dito sa restaurant na ito kumain kahit medyo pricey. Ito ang paboritong Filipino restaurant namin ni mommy. Kaibigan nya kasi ang may ari nito na tiyahin naman ni Kuya Matias.

"Ava?"

Nagtaas ako ng tingin habang subo subo ko pa ang kutsara. Namilog ang mata ko ng makita ang dati naming kaklase ni Ivonna noong high school at mortal ko ring kaaway, pero nagbati rin kami bago kami grumadaute. Naging friends din kami.

Niluwa ko ang kutsara. "Ikaw pala Daga -- I mean Daryl."

Ngumisi sya. "Ikaw talaga Peppa Pig, akala ko nagbango ka na." Hinila nya ang upuan na nasa tapat ko at umupo.

Sumimangot ako. "Nagbago na ko no! Nadulas lang. Ang hirap kasing baguhin ng nakasanayan."

Daga ang pang asar ko sa kanya noon dahil malaki ang dalawang ngipin nya sa harap tapos payatot pa sya na maliit. Buti nga ngayon tumangkad na sya. Peppa pig naman ang pang asar nya sa akin dahil chubby pa ako dati at may brace pa. Pero ngayon sexy na at magandang maganda.

"Oo nga di ka na Peppa Pig, sexy ka na ngayon at maganda." Natatawang sabi nya.

"Naman! Ikaw rin di ka na daga, pumogi ka na rin at di na payatot."

"Syempre may pera na eh. May pang ayos na ng ngipin at may pangkain na."

Sabay kaming tumawa pagkasabi nya nun at nag apiran pa kami. Namiss ko bigla ang high school days namin. Namiss ko ang mga kabatch namin. Hindi pa masyadong seryoso sa buhay noon at tamang chill lang. Tamang crush at tamang kire. Noong mag college na kami ay naghiwa-hiwalay na kami. Mabuti na lang at may social media na kaya kahit papaano ay updated pa rin kami sa buhay ng isa't isa. Tanging si Ivonna lang ang naging classmate ko pa rin hanggang college. Best friend ko talaga sya at di na kami mapaghiwalay.

"Saan ka pala nagwo-work ngayon?" Tanong ko habang nilalantakan ko pa rin ang halo halo ko. Sya naman ay tapos ng umorder ng pagkain at hinihintay na lang na i-serve.

"Sa AGGC ako nagwo-work. Three months na ako doon at ngayon naman ay day off ko."

"Talaga? Kilalang company yun ah."

Nginisihan lang nya ako. "Eh ikaw saan ka nagwo-work? Nakikita ko sa social media pagala gala ka lang at pakain kain. Kunsabagay di mo naman kailangan magtrabaho mayaman ka naman eh."

"Wala akong work ngayon pero may rtw business ako kasosyo ko ang hipag ko at nakisosyo rin ako sa bakeshop ni Ivonna."

"Wow. Sanaol talaga. Ako rin balak ko ring magtayo ng sariling negosyo pero mag iipon muna ako pang capital."

"Kaya mo yan. Ikaw pa. Sya nga pala, may animal shelter din ako. Baka gusto mong mag adopt. Mahilig ka sa mga hayop di ba?" Nakikita ko sya noon na mabait sa mga strays. Lagi nyang binibigyan ng pagkain ang palaboy na aso sa labas ng school namin.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon