Chapter 14

18.8K 611 67
                                    

Ava POV

PASULYAP sulyap ako kay Kuya Matias habang nagda-drive sya. Pupunta na kami ngayon sa bagong bukas na restaurant na sinasabi ko. Tahimik lang sya habang nagda-drive at walang imik. Salubong pa rin ang kilay nya na para syang may kaaway.

Ako naman ay naiinis sa kanya. Bigla bigla ang desisyon nyang umalis agad. Nakakahiya tuloy kay Ervin.

Huling sulyap ko sa kanya ay sumulyap din sya sa akin kaya nagsalubong ang tingin namin.

"What?" May himig na inis ang kanyang boses.

Kita mo? Parang mas inis pa sya sa akin. Pero hindi, mas inis na inis ako sa kanya. Attitude sya!

Humalukipkip ako at nagtaas ng noo. "Ang gara mo kasi.. Sandali pa lang tayo sa park gusto mo na agad umalis. Nakakahiya kaya kay Ervin.." Himutok ko sabay ikot ng mata.

Lalong sumama ang timpla ng kanyang mukha. Medyo nakakatakot na nga ang hitsura nya kundi lang sya gwapo.

"At sinabi ko rin sayo, kung gusto mo pa syang kausap maiwan ka. Kung gusto mo ibababa kita at bumalik ka doon." Naiinis na sabi nya at tinulinan ang takbo ng kotse.

Umasim ang mukha ko. Paano nya ako ibababa tinulinan nya ang takbo ng kotse. Saka ano bang problema nya? Kanina ok naman sya eh. Tapos bigla bigla nagkaganito na sya. Daig pa nya ang may saltik. Sakit na nya to eh.

"What's your problem ba Kuya Matias? Bigla bigla nagsusungit ka. Minsan di na talaga kita mainintindihan. Ok ka naman kanina. Tapos dumating lang si Ervin para ka ng sinapian ng masamang espirito -- "

"Dahil istorbo yang kaibigan mo." Putol nya sa sinasabi ko.

Kumunot naman ang noo ko. "What? Paanong istorbo?"

Hindi na sya sumagot at pumalatak na lang. Tumuon ang kanyang tingin sa kalsada. Matigas ang bukas ng kanyang mukha at napansin ko ang paghigpit ng hawak ng kanyang kamay sa manibela. Galit sya, pero di ko naman maintindihan kung ano ang ikinagagalit nya. Nagkaganyan lang naman sya ng dumating si Ervin kanina. Para syang nagseselos.

Nahigit ko ang hininga sa huling sumagi sa isip kasabay ng pagkabog ng aking dibdib.

No no no! That's impossible! Bakit naman sya magseselos kay Ervin? Sinumpong lang sya ng kasungitan kaya ganun. Pero iba ang kasungitan nya ngayon eh. Parang mambabanat na.

Narinig ko ang pagbuga nya ng mabigat na hininga. Sumulyap sya sa akin sa rearview mirror. Medyo kumalma na ang mukha nya.

"Ayoko ng istorbo kapag kasama kita. Naiintindihan mo?" Aniya sa mahinahon ng boses.

Umawang ang labi ko sa narinig.

"B-Bakit?"

Muli syang bumuntong hininga at tinuon ang mata sa kalsada.

"Basta ayoko. Kapag magkasama tayo dapat sa akin lang ang atensyon mo."

Lalong umawang ang labi ko at napakurap kurap ang aking mata. Di ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. Ang demanding ng lolo nyo.

"Ano ka special?"

Sinamaan nya ako ng tingin pero di naman nagsalita. Muli lang nyang binalik ang tingin sa kalsada.

Pinagmasdan ko naman sya at pinag aralan ang kilos nya. Para kasing may kakaiba sa kanya. Kinakabahan ako at nalilito. Madalas naman kaming magtalo dati lalo na kapag asar sya sa akin. Pero kakaiba ngayon. Basta may iba. Para kaming mag.. mag.. Ah hindi! Gutom lang to.

Humugot ako ng malalim na hininga at umayos ng upo.

Tumikhim ako. "Siguro nagugutom ka na nga kaya nagsusungit ka na naman. Malapit na yung sinasabi kong bagong bukas na restaurant. Kumain na tayo para kumalma ka na."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon