Chapter 23

20.7K 770 124
                                    

Ava POV

TITIG na titig ako kay Kuya Matias at walang kurap kurap habang kumakain sya. Sinusundan ko ng tingin ang bawat subo nya ng kutsara, bawat galaw ng labi. Halatang sarap na sarap sya sa pagkain at ang sarap nyang panoorin. Lalaking lalaki sya kumain.

Sumulyap si Kuya Matias sa akin at kumunot ang noo. "Don't stare at me like that Ava." Aniya habang nililigpit na ang pinagkainan at pinupunasan ng napkin ang bibig.

Ngumuso ako. "Sungit mo naman. Tinitingnan ka lang eh.."

Ngumisi sya. "Yung tingin mo parang gusto mo kong kainin."

Namilog ang mata ko at napasinghap ako sa sinabi nya. "Bakit masarap ka ba?" Kinagat ko ang labi sa tinanong ko. Shet! Bakit yun ang nasabi ko?

Tumingin sya sa akin at nangislap ang kanyang mga mata.

"What's wrong with you huh.. bakit nagiging green minded ka ngayon?" Nakangisi nyang tanong at dinampot ang bote ng tubig at uminom habang ang mata ay nasa akin pa rin.

Bigla akong naging uncomfortable sa kinauupuan ko. Di ko alam kung ano ang isasagot ko. Baka kasi iba na naman ang masabi ko. Nakakahiya na. Di ko rin alam kung bakit nagiging green minded ako ngayon. Siguro di pa talaga ako magaling. Baka nabinat ako. Tama nga si mommy, dapat hindi muna ako maglalabas dahil baka mabinat ako.

Tumayo ako at sinukbit ang sling bag sa balikat. "A-Ano.. uwi na pala ako. P-Parang di maganda ang pakiramdam ko eh. S-Sa tingin ko may binat ako." Nauutal pang sabi ko sabay talikod at malalaki ang hakbang na tinungo ang pinto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hinawakan ko ang door knob at pinihit iyon. Pero di yun mapihit dahil naka-lock.

"Bakit nakalock?"

Lumingon ako kay Kuya Matias. Namilog ang mata ko at lalong bumilis ang pintig ng puso ko ng makita kong papalapit sya sa akin. Nataranta ako at pilit kong pinipihit ang doorknob. Bumukas ka! Bumukas ka!

"Kahit anong pihit mo dyan di mo mabubukasan yan. Nasa akin ang remote."

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok at likuran ng marinig ang malalim na boses ni Kuya Matias sa aking likuran. Kahit malamig sa loob ng opisina nya dahil sa buga ng aircon ay para pa rin akong naiinitan. Ramdam ko rin ang singaw ng mainit nyang katawan.

Para akong may stiff neck na lumingon at tumingala kay Kuya Matias. Kakaiba talaga ang kislap ng mata nya ngayon. Parang.. para nya akong kakainin.

"K-Kuya.. pabukas po.." Sambit ko sa mahinang boses.

Pero nginisihan lang nya ako ng nakakaloko ni Kuya Matias. "Bakit parang takot na takot ka sa akin?" Humakbang pa sya ng mas malapit.

Humarap naman ako sa kanya at sumandal sa pinto habang nakatingala sa kanya. Parang bigla akong kinapos ng hininga at nagwawala na ang puso ko sa loob lalo na ng ilapat nya ang isang kamay sa gilid ng ulo ko at bahagya pa syang yumuko. Isang dangkal na lang ang pagitan ng aming mukha. Dama ko ang mainit nyang hininga sa aking mukha at naamoy ko rin ito. Hindi sya amoy ulam infairness, mabango ang hininga nya.

"Ava.." Mahinang sambit nya sa pangalan ko sa magaspang at senswal na boses habang titig na titig sa mukha ko partikular sa aking labi.

Napalunok naman ako at tila biglang nanuyo ang lalamunan ko. Wala na akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso ko.

Unti unti pang bumaba ang mukha ni Kuya Matias. Hahalikan nya yata ako! Pero di pa naman kami eh. Hindi ko pa sya sinasagot kaya bawal pa nya akong halikan!

'Gaga! Pumikit ka na lang! Chance mo ng magkafirst kiss!' Sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.

Sige na nga pipikit na lang!

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon