Chapter 38

17.3K 735 62
                                    

Matias POV

"HELLO Dan.. yes papunta na ako dyan." Binaba ko na ang cellphone at pinatay. Nilapitan ko ang sasakyan ko at binuksan ang pinto sa driver seat. Pumasok ako at nilapag ang cellphone sa dashboard. Nilapag ko din ang briefcase at coat sa shotgun seat. Kinalas ko ang necktie at hinagis yun sa ibabaw ng coat. Tinaas ko ang manggas ng long sleeve polo hanggang siko. Kinabit ko ang seatbelt at binuhay na ang makina. Pinausad ko na ang sasakyan palabas ng basement parking. Binusinahan ko pa ang ang tatlong security personnel na nagbabantay. Bahagya naman silang yumukod.

Papunta ako ngayon sa bahay ni Dan. May balita na tungkol sa hideout ni Uncle Elijah. Hindi na ako makapag hintay na mahuli na sya at makulong ng tumahimik na ang buhay naming magpinsan.

Pagdating sa kahabaan ng kalsada na maluwang ay pinasibad ko ang sasakyan. Pero mabilis kong kinabig ang manibela pakanan ng may magover take na bigbike. Pamilyar sa akin yung bigbike. Kinutuban ako lalo pa ng may dalawa pang bigbike ang sumulpot sa magkabilaang gilid ng sasakyan ko. Sabay sabay pa ang mga itong bumunot ng baril. Tinapakan ko ang gas at tinulinan ang takbo ng sasakyan. Sinagi ko pa ang bigbike na nasa unahan. Kinuha ko ang baril sa dashboard compartment. Binabaril na nila ang sasakyan ko. Pero dahil bulletproof din ito ay hindi basta basta tumatagos ang bala sa loob. Pero hindi pa rin ako dapat magpaka-kampante.

Hindi ako makaganti ng putok dahil pagkatapos ng isa ay ang isa naman ang magpapaputok. Sinasabayan din nila ang tulin ng sasakyan ko. Hindi ko makita ang kanilang mukha dahil naka-full helmet sila na kulay itim. Pero alam kong mga tauhan sila ni Uncle Elijah. Mukhang kanina pa nila ako inaabangan na umuwi para tambangan ako.

Humanap ako ng pagkakataon na makaganti ng putok. Bigla kong kinabig ang manibela pakaliwa at malakas na sinanggi ang katabing bigbike. Tumalsik naman sya at sumadsad sa kalsada. Ganun din ang ginawa ko sa isa na nasa kanang gilid ng aking sasakyan. Ito na ang pagkakataon kong gumanti. Binaba ko ang salamin ng bintana at nilabas ang baril at pinaputukan ang bigbike na nasa unahan. Tumulin ang takbo nya palayo at paliko liko kaya nahirapan akong tamaan sya. May bigla namang sumulpot na itim na sasakyan sa kanang gilid ng sasakyan ko at nakatutok sa akin ang mahabang baril. Mabilis akong yumuko ng magpaputok sya. Tinaas ko na rin ang salaming bintana. Sunod sunod na bala ang tumama sa salaming bintana. Nakakabingi ang tunog nito. May isa pang sasakyan ang lumitaw sa kaliwang gilid at pinapaulanan din ako ng bala.

"Shit!" Tumiim bagang ako at tinulinan ko pa ang patakbo. Nilapag ko ang baril sa dashboard at dinampot ang cellphone at tinawagan si Danon.

"Couz."

"I need your help Dan. Ina-ambush ako ng mga tauhan ni uncle."

"What?"

"I said -- ugh fuck!" Malutong na mura ko ng may bumangga sa likurang bahagi ng sasakyan ko.

Lumingon ako. Isang hummer car iyon. Naririnig ko sa kabilang linya ang sunod sunod na tanong ni Dan. Magsasalita na sana ako ng muli akong banggain ng sasakyan sa likod idagdag pa na ginigitgit na ako ng dalawang sasakyan na nasa magkabilang gilid ng aking sasakyan. Malutong na lang akong napamura. Mukhang hindi talaga ako bubuhayin ni Uncle Elijah. Nagkamali ako ng desisyon na hindi ako kumuha ng bodyguard.

"Fucking answer me Mat! Where are you?"

Sinabi ko sa kanya kung nasaang kalsada ako. "Send your men here now!"

"Alright! Panatilihin mong bukas ang gps mo papunta na kami."

Muli akong napamura at nabitawan ko ang cellphone ng malakas akong banggain ng sasakyan sa likod. Sunod sunod na putok na naman ang pinakawalan nila. Nagka-crack na ang salamin ng bintana dahil bugbog sarado na ito sa tama ng mga bala na mukhang mga high caliber. Tinapakan kong muli ang gas pero nakarinig ako ng pagputok ng gulong at bahagyang pag uga ng aking sasakyan. Kasunod nun ay ang muling pagbaga ng sasakyan sa likod at sinuro pa nito ang sasakyan ko. Dumistansya ang dalawang sasakyan sa tagiliran ko. Kasabay nun ang paggewang ng sasakyan ko. Isang malakas  na bangga at tumagilid ang sasakyan ko at sumadsad sa kalsada.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon