Chapter 13

18.9K 677 74
                                    

Ava POV

"HI!" Bati ko kay Kuya Matias ng pagbuksan nya ako ng pinto. Nakabukas ang maliit na pinto sa gate kaya pumasok na ako at iniwan na lang ang kotse sa labas.

Kunot noong pinasadahan naman ako ng tingin ni Kuya Matias mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong na-conscious at nailang. Pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili. Nakacorduroy shorts ako na brown at v-neck semi crop top na white. Sneakers naman na puti ang pampaa ko. Ayos naman ang hitsura ko, akma sa pamamasyal.

Tumikhim si Kuya Matias. "Ang aga mo naman."

Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti ng malapad. "Syempre excited na ko eh."

"Bakit ikaw ang excited? Hindi naman ikaw ang ipapasyal ko. Si Pochi."

Nanghaba ang nguso ko. Parang gusto kong magtampo sa kanya ah!

"Eh bakit pinasama mo pa ako?"

Ngumisi sya. "Para may chaperone kami. Pambawi sa donasyon ko."

Lalong nanghaba ang nguso ko. Yun pala yun. Hmp! Sige na nga. Magiging julalay ako for today's gala ng mag amo sa ngalan ng malaki nyang donasyon.

"Eh bakit nakapambahay ka pa? Magbihis ka na kaya para makaalis na tayo. Mataas na ang araw o."

"Tss, huwag mo kong utusan. Pumasok ka na nga." Masungit na sabi nya at tumalikod na.

Inikutan ko na lang sya ng mata at pumasok na sa loob ng bahay nya. Nakita naman ako ni Pochi at agad syang lumapit sa akin habang kumakawag ang buntot. Patalon talon pa sya. Umiskwat naman ako at hinimas sya. Ang taba taba na nya. Ang puti puti at pinkish pa ang mga paa.  Nagmukha tuloy syang may lahing aso. Kapag talaga naaalagaan ng tama ang aso kahit aspin pa yan ay nagmumukhang mamahalin talaga. Gaya nitong si Pochi. Mukha na syang senyorita at ang daddy nya ay ang terror na si Don Matias.

Speaking of don..

Tiningnan ko si Kuya Matias na umakyat na sa hagdan. Siguro ay maliligo na sya. Nagtagal ang tingin ko sa kanya na naglalakad paakyat. Di ko maiwasang bistahan ang likuran nya. Nakasando sya at jogger na gray. Hakab ang sando sa katawan nya kaya bakat ang mga masel nya sa likod na halatang kay titigas. Ang lapad din ng likuran nya lalo na ang bandang balikat. Bumaba naman ang mata ko sa pang ibaba nya. Bilugan at matambok din ang puwitan nya. Matigas kaya yun o malambot?

Nahigit ko ang hininga sa naisip at ipinilig pilig ang ulo kasabay ng pag iinit ng aking mukha.

Ano ba tong naiisip ko kay Kuya Matias? Para ko na syang minamanyak. Kung nakakabasa lang sya ng isip ng tao sigurado lagot ako sa kanya. At kelan pa ako nagkamalisya sa kanya?

Ng wala na sa paningin ko si Kuya Matias ay pinagtuunan ko na lang ng pansin si Pochi na nangangalabit na sa akin at nagpapahimas..

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na si Kuya Matias na bagong ligo at nakabihis na. Naka white t-shirt sya na may nakasabit pang aviator sa neckline, brown cargo pants at puting sneakers. Ang gwapo ng lolo nyo pang hollywood actor ang dating. Pero parang parehas kami ng damit.

"Luh, gaya gaya si Kuya Mat ng damit." Sambit ko ng makalapit na sya sa amin ni Pochi.

Kumunot ang noo nya. "Anong gaya gaya pinagsasabi mo dyan?"

"Tingnan mo yung suot natin o, parehas."

Pinasadahan nya ng tingin ang suot ko pati ang kanya. Hindi naman literal na parehas ang damit namin kundi magkaparehas ng kulay.

"Eh ano naman kung parehas tayo." Masungit nyang sabi.

Nanghaba naman ang nguso ko. "Gaya gaya ka."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon