Chapter 4

21.9K 689 40
                                    

Ava POV

MATAMAN kong pinapanood si Ivona na minimix ang sugar at butter habang nagkukwento sya tungkol sa bakeshop na sosyo naming dalawa pero sya talaga ang maraming ambag. Malay ko ba naman aa pagbe-bake. Ilang beses din akong sumubok magpaturo sa kanya kung paano gumawa. Pero wala eh! Di talaga para sa akin ang pagbe-bake. Baka malason ko pa ang mga customer namin.

Mag i-isang taon na rin itong bake shop at so far maganda ang kita nito at talagang malakas. Araw araw ay hindi ito nawawalan ng customer. Maganda kasi ang pwesto ng bakeshop. Malapit lang sa dati naming school kaya karamihan ng customer ay mga estudyante. Meron din namang mga office worker. Pero mas malakas kami sa delivery. Marami na rin kaming mga suki dahil masarap naman talaga magbake si Ivona. Dati nagumpisa lang sya sa pagbebenta sa school. Ako pa nga ang unang nakatikim at talagang nagustuhan ko dahil hindi sya masyadong matamis at hindi nakakaumay. At ng makagraduate kami ay nagpatayo sya ng shop galing sa sarili nyang ipon syempre nakisosyo na rin ako. Sayang din eh.

Kung tutuusin di na kailangan ni Ivonna magtayo ng sarili nyang negosyo dahil mayaman ang asawa nyang si Kuya Luigi. Buhay reyna sya dito. Pero independent ang beshie ko at ayaw nyang nakadepende lang kay Kuya Luigi na asal sanggano kung minsan pero nagaanyong anghel sa kanyang harapan.

"Ang gusto nga ni Luigi sa bahay na lang ako kasama ang kambal. Ipaubaya ko na lang daw sa mga staff natin itong bakeshop at sayo tutal naman daw ay single ka. Pero hindi ako pumayag. Napag usapan na namin ito eh."

"Eh di inaway mo sya?" Dumampot ako ng isang pirasong chocolate chip at hinagis sa bibig.

"Hindi naman. Kinausap ko lang sya at pinaliwangan."

Umusli ang labi ko. "Dapat inaway mo sya."

Tumawa sya. "Bakit kailangan ko pa syang awayin kung madadaan ko naman sya sa mabuting usapan. You know naman Luigi, madali naman nya akong maintindihan."

"Hmm madaling maintindihan.. Hindi ganun yun bes. Takot lang kasi yun sayo."

Si Kuya Luigi ay para ring si Kuya Matias, parehas silang masungit. Magkaibang level nga lang ng kasungitan. Si Kuya Matias, masungit na suplado at hindi ka kikibuin kung di sya interesado sa mga sinasabi mo. Pero nakakatakot din syang magalit. Mata pa lang nya para ka na nyang sinusunog ng buhay. Si Kuya Luigi naman ay masungit na mainitin ang ulo, maiksi ang pasensya at may pagkasanggano. Ilang beses na nga yung labas pasok sa kulungan eh. Kay Ivonna lang talaga sya tumitiklop. Wala eh! Inlove sya sa beshie ko at patay na patay.

"Bakit naman sya matatakot sa akin?"

"Dahil under sya sayo. Takot syang magalit ka sa kanya. Saka isa pa, ayaw ka lang nyang papasukin dito sa bakeshop dahil nagseselos sya. Syempre marami rin tayong mga customer na lalaki at yung iba nga ay may crush pa sayo."

"May crush din sila sayo."

Nagkibit balikat ako. "Sa akin walang problema dahil walang magagalit dahil single ako. Eh ikaw, may praning kang asawa na ubod ng seloso."

"Hindi naman ubod ng seloso si Luigi."

"Syempre di nya ipapakita sayo kung gaano sya kaseloso takot lang nyang maturn-off ka sa kanya."

Muli syang tumawa. "Nakita ko na kung paano sya magselos. Di ba nga muntik na kaming maghiwalay noon dahil kay Nick. Pero nagkaayos kami at simula nun di na sya ganun kung magselos."

Kunsabagay, may pagbabago na rin sa ugali ni Kuya Luigi mula ng maging mag asawa sila ni Ivonna at magkaanak ng kambal. Nabawasan ang angas ni Kuya Luigi at di na ganun kamainitin ang ulo nya. Bumait bait na sya ng kaunti.

Napatda ako ng tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko yun at binuksan. May notification na pumasok at namilog ang mata ko sa nabasa.

"Omg! Finollow back na ako ni Ervin sa IG! Yiih!" Tili ko at nagmamadaling binuksan ang IG para kumpirmahin kung talagang finollow back ako ng aking ultimate crush. Nagtitili ako ng makitang nakafollow na nga sya sa akin.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon