Chapter 36

18.1K 767 157
                                    

Matias POV

NAG angat ako ng tingin ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at walang kaabog abog na pumasok si Atlas na matalim ang tingin sa akin. Kasunod nya sina Kester at Luigi. Nasa likuran ni si Jamil na hindi na sila napigilan.

Kumunot ang noo ko. "Problem?"

Sinara ko ang folder na may lamang documents na nirereview ko at hinarap ang mga kaibigan na parang bagyong bigla na lang dumating. Pero mukhang si Atlas ng talagang may kailangan sa akin.

"What's the meaning of this, pare?" Nilapag ni Atlas sa desk ko ang cellphone nya.

Tiningnan ko yun at lalong nangunot ang noo ko ng makita ang picture ko at picture ni Anisyah na nasa loob kami ng coffee shop kanina. Hindi ko alam ang picture na ito at mukhang may pasikretong kumuha.

Nag angat ako ng tingin kay Atlas. Nasa couch na ang dalawa at prenteng nakaupo. Si Kester ay halatang galing din sa opisina nya base sa suot. Mukhang nag overtime din gaya ko.

"What's the problem pare?" Tanong ko sa kaibigan.

Nagsalubong ang kilay ni Atlas. "Sino tong babaeng kasama mo? Girlfriend mo na ang kapatid ko tapos nakikipagkita ka pa sa ibang babae mo. Ginagago mo ba ang kapatid ko?" Galit nyang sabi.

Sumipol si Kester na nakadekwatro habang may hawak na business magazine.

Mariing naglapat nag labi ko at hinilot ko ang sentido. "Sino may sabi sayong babae ko yan? At hindi ko ginagago ang kapatid mo."

"Then who is that woman?"

Bumuntong hininga ako. Kung makatanong si Atlas ay para bang may kakaiba sa picture namin ni Anisyah samantalang nagkakape lang naman kami. Pinagbigyan ko si daddy kanina na ilabas si Anisyah para kausapin ng masinsinan dahil umasa ito sa akin. Mabait naman ang babae at nakakaintindi.

"She's a family friend from Dubai, pare. Hindi ko sya babae ok. Teka nga, saan mo ba nakuha ang picture na yan?"

"Sinend sa akin ni Kester. Ang sabi nya kadate mo daw yang babae."

Nilingon namin parehas si Kester na painosente naman ang mukha.

"What? Hindi ba totoo? Parang ka-date mo yung babae eh. Ang sweet sweet nyo kaya." Sabi pa ni Kester.

Tinaliman ko sya ng tingin. Kahit kelan talaga malisyoso sya. Kalalaking tao tsismoso.

"Anong sweet? Wala naman kaming ibang ginawa kundi magkape lang at mag usap."

"Anong pinag usapan nyo?"

"It's none of your business."

"O kita mo pare? Sabi ko sayo may tinatago yang bayaw mong hilaw." Sulsol pa ni Kester kay Atlas na tumingin sa akin.

Kinunutan ko ng noo ang kabigan at kapatid ng aking nobya. "Huwag mong sabihing magpapauto ka dyan kay Kester. Parang di mo sya kilala."

Bumuntong hininga si Atlas at parang na-stress na hinimas himas ang batok. Naiintindihan ko naman sya dahil concern sya sa kapatid nya.

"Pero what if talaga pare ka-date ni Matias ang babaeng yun nagpapalusot lang sya." Hirit pa ni Kester.

Dinampot ko ang maliit na stapler at binato sa kanya tinamaan sya sa braso. Tumawa lang sya.

"Actually sinend din sa akin ni Kester ang picture na yan at nakita kanina ni Ava."

Natigilan ako at tumingin kay Luigi. "Nakita ni Ava?"

"Oo, pinakita ko." Nakangising sabi ni Luigi. "At mukhang nagselos sya. Tumamlay kania sa bahay hanggang sa makauwi."

Pumikit ako ng mariin at hinilot ang bridge ng ilong. Baka nag isip din ng iba si Ava.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon