Chapter 17

19.3K 694 102
                                    

Ava POV

HININTO ko ang kotse sa tapat ng boom barrier gate dahil hindi ito tumaas. Binaba ko ang salaming bintana. Lumapit sa akin ang dalawang gwardya at tatlong lalaki na malalaki ang katawan at pare-parehas ang mga suot na itim na polo shirts. Ngayon ko lang sila nakita. Mukhang bantay din sila sa gate ng subdivision. Sabi kasi ni mommy ay humigpit ang seguridad dito.

"Ikaw pala ma'am." Sambit ng isang gwardya na nakilala ako.

"Papasok ako kuya." Nakangiting sabi ko.

"Kay Sir Maalik po ba kayo pupunta?" Tanong ng isang lalaking nakaitim na polo shirt.

"Oo kuya."

"Ano pong pangalan nyo ma'am? Saka pahiram po ng ID."

Agad ko namang kinuha ang ID sa sling bag ko at binigay sa lalaking naka itim. Tiningnan nya iyon at binigay sa gwardya. Tiningnan naman ng gwardya ang logbook na hawak.

"Naku ma'am, wala po sa visitor's list ang pangalan nyo. Inaasahan po ba kayo ni Ser Maalik na pupunta?"

"Hindi kuya."

"Pasensya na po ma'am, di po kayo makakapasok." Sabi pa ng nakaitim.

Kumunot ang noo ko. "What? Bakit hindi ako pwedeng pumasok? Nakakapasok naman ako lagi dito ah! Di ba kuya?" Baling ko kay manong guard na lagi kong kabatian kapag pumupunta ako dito sa subdivision.

Kumamot naman sa ulo ang gwardya. "Opo ma'am, pero mas naghigpit po kami sa pagtanggap ng bisita ngayon. Lahat po ng residente sa loob ay kailangan itawag sa amin ang mga papasok nilang bisita at iinpeksyunin pa po namin sila bago papasukin."

Naiintindihan ko naman dahil nag iingat si Kuya Matias. Hindi biro ang nangyari sa kanya eh. Pero gusto ko talagang makita si Kuya Matias. Hindi nga ako nakatulog kagabi sa pag iisip at pag aalala sa kanya. Tinext ko sya pero di sya nagrereply. Kaya dito muna ako dumiretso bago ako pupunta sa shelter.

"Tatawagan ko si Kuya Matias, mga kuya." Sabi ko at dinampot ang cellphone sa dashboard.

"Mabuti pa po ma'am."

Dinial ko ang number ni Kuya Matias pero ring lang ito ng ring at di sya sumasagot hanggang sa maubos ang ring. Muling kong dinial pero ganun pa rin hanggang sa makatatlong dial pa ako. Ayaw nyang sagutin o busy sya.

"Kuya, nandyan ba sa loob si Kuya Matias?"

"Yes po ma'am. Hindi pa po sya lumalabas."

"Hindi po kasi sya sumasagot sa tawag ko eh. Baka pwedeng kayo na lang ang tumawag sa kanya." Request ko.

"Sige po ma'am." Anang gwardya at pumunta sa guardhouse. Dinampot nya ang cellphone at nagdial.

Naghintay naman ako sa loob ng kotse. Pwede namang di na ako magpumilit na pumasok sa loob at pumunta na lang sa shelter. Pero sigurado rin namang di ako mapapakali maghapon kapag di ko nakita si Kuya Matias. At saka sayang tong pagkain na binili ko para sa aming dalawa. Nagugutom na nga ako pero gusto kong mag almusal kasama sya.

"Ma'am ano daw po ang kailangan nyo tanong ni Ser Maalik?" Tanong ng gwardya.

Napasimangot ako. Bakit yung tawag ng gwardya sinagot nya tapos sa akin dedma.

"Kakamustahin kamo sya." Sabi ko.

Nagsalita ang gwardya sa cellphone at muling bumaling sa akin. "Ayos lang daw po sya, ma'am."

Inis na kumamot ako sa kulo. Bakit parang ayaw akong papasukin ni Kuya Matias?

"Sabihin mo kuya papasok ako."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon