Chapter 43

17.3K 809 85
                                    

Ava POV

MATAMAN lang akong nakatingin kay Matias habang sinusuri sya ng doctor at kinakausap. Matino naman syang nakakasagot. Nasa likuran ko si Tita Tessie at pinipisil ang balikat ko na parang kinakalma ako. Kalmado naman ako mabilis lang ang tibok ng puso ko dahil sa excitement na makita kong gising na si Matias.

Matapos suriin si Matias ay hinarap kami ng doctor. "The patient is ok. Medyo mataas lang ang blood pressure nya at yun ang kailangan bantayan. But don't worry lagi naman yung itsi-tsek ng nurse. Magiging antukin pa sya sa susunod na mga oras dahil sa gamot pero hayaan nyo lang syang makatulog."

Ngumiti kami ni Tita Tessie sa butihing doctor at nagpasamalat. Nagexcuse naman ang doctor at lumabas na ng kwarto kasunod ang nurse.

Lumapit na ako kay Matias. "Mat.."

Tumaas ang kamay nyang walang swero at hinawakan ang pisngi ko at marahang hinaplos. Hinawakan ko naman ang kamay nya at di ko napigilan ang pagtulo ng aking luha.

"Why are you crying?" Tanong nya sa paos na boses.

"P-Paano akong di iiyak sobra akong nag alala sayo." Humihikbing sabi ko.

"I'm sorry babe.."

Pinahid ko ang luha sa pisngi at ngumiti. "But I'm happy now dahil gising ka na at bumubuti na ang lagay mo. Magpapagaling ka ha.."

Ngumiti sya. "I will.. I love you.."

"I love you too.." Hinalikan ko ang palad nya.

Lumapit si Tita Tessie. "Kamusta ka na iho?"

"I'm ok tita.. medyo makirot lang ang tagiliran ko at medyo nahihilo rin."

"Sa gamot daw yan na tinurok sayo. Magpalakas ka para mabilis kang gumaling."

"Yes tita."

"Ang daddy mo ang nagsalin sayo ng dugo. Umuwi lang sya sa hotel nya para magpahinga at babalik rin." Tumingin sa akin si Tita Tessie. "Anyway, maiwan ko muna kayo para makapag solo kayo at makapag usap."

"Thanks tita."

Lumabas na ng kwarto si Tita Tessie at naiwan na kami ni Matias.

Hinila ko ang upuan malapit sa kanya at umupo. Tinaas ko ang isang kamay at marahang hinaplos ang kanyang mukha.

"Puro pasa ka pero gwapo ka pa rin." Sambit ko.

Ngumiti sya at pumikit at muli ring dumilat.

"I had a dream.." Anas nya at tumitig sa akin.

"Ano yun?"

"Buntis ka raw.. I wish it's true.."

Umawang ang labi ko sa sinabi nya. Mukhang hindi nya yun panaginip. Mukhang narinig nya ang usapan namin habang nasa ilalim pa sya ng gamot.

Lumunok ako at kinakabahang ngumiti. Excited din ako na sabihin sa kanya. "Mat.. may sasabihin ako sayo."

"Spill it babe.."

"I-I'm pregnant.. hindi ka nananaginip. Totoong buntis ako." Nakangiwing sabi ko.

Bahagyang umawang ang labi nya habang nakatitig lang sya sa akin. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng halos isang minuto.

"You're pregnant?"

Marahan akong tumango.

"You're not kidding me?"

Marahan akong umiling.

Muling umawang ang labi nya. "You're pregnant? Buntis ka? Magkakababy na tayo? Magiging daddy na ako?" Sunod sunod na nyang tanong.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon