Chapter 21

20.4K 1K 145
                                    

Ava POV

HINDI na magkandatuto sa pagtibok ng malakas ang puso habang nakatingin ako kay Kuya Matias na kapapasok lang. May dala na naman syang mga pagkain na gusto ko. Lumapit sya sa akin.

"For you." Inabot sa akin ni Kuya Matias ang dalawang box ng buko pie, ng paborito kong siomai at hindi nawawala ang avocado ice cream.

Kinuha ko naman yun. "S-Salamat Kuya Matias."

Nagsipulan naman ang mga kaibigan nya at nagkomento ng panunukso sa pangunguna ni Kuya Kester. Si Kuya Atlas ay nakahalukipkip lang habang matiim na nakatingin lang sa amin. Mukhang alam na nya na nililigawan ako ni Kuya Matias kaya narito sya. Kinabahan ako.

"Para kayong mga tanga." Ani Kuya Matias sa mga kaibigan nya.

"You're so sweet talaga iho, halatang ayaw mong magutom si Ava." Saad naman ni mommy na ngiting ngiti na tila kinikilig pa.

"Bakit pagkain lang ang dala mo dapat may bulaklak." Wika ni Luigi.

"Bakit, makakain ba ni Ava ang bulaklak?" Masungit na sambit ni Kuya Matias kay Kuya Luigi.

"Hindi nga, pero kasama sa panliligaw ang bulaklak." Sabat naman ni Kuya Lorenzo na sinang ayunan pa ng magkakaibigan.

Ngumisi si Kuya Matias. "Kung magsalita kayo parang nanligaw kayo sa mga asawa nyo at nagbigay ng bulaklak ah."

"Hey, nanligaw ako. Tanong mo pa kay Crizel." Nakangising sabi naman ni Kuya Kester.

"Me too." Segunda ni Kuya Lorenzo.

Si Kuya Jeiz, Kuya Luigi at Kuya Atlas naman ay natahimik. Halatang mga hindi nanligaw at mukhang dinaan sa santong paspasan ang mga asawa nila.

"Atlas anak, huwag mong sabihing di ka na nanligaw kay Jolene?" Akusa ni mommy kay Kuya Atlas.

"Nanligaw ako mommy. Tanungin nyo pa si Jolene. Pero hindi na ito tungkol sa panliligaw namin. Tungkol na ito sa panliligaw ni Matias kay Ava." Seryosong sabi ni Kuya Atlas na nakatingin sa amin ni Kuya Matias. "Dapat talaga may dala kang bulaklak. Part yun ng panliligaw."

"Bakit binigyan mo rin ba ng bulaklak si Jolene nung nanligaw ka?"

"Hindi. Pero puro jewelries ang binibigay ko sa kanya kaso tinatanggihan lang nya."

Ngumisi si Kuya Matias. "Eh kasi di nya makakain yun. Pero itong mga pagkain makakain ni Ava busog pa sya." Bumaling sya sa akin. "Pero kung gusto mo ng bulaklak bukas magdadala ako. Ano bang gusto mo?" May lambing na nyang tanong.

"A-Ano.. kahit ano na lang." Nauutal na sabi ko. Paano ba naman halos di na ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Ok, ako ng bahala."

"Huwag lang korona ng patay iho." Biglang sabat naman ni mommy na ikinatawa ng mga kaibigan ni Kuya Matias.

Inaya na ni mommy na maupo si Kuya Matias. Sumunod naman sila Kuya Atlas. Parang biglang sumikip ang living area namin. Paano ba naman mga kapre ang magkakaibigan.

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa sala. Si Kuya Matias ay binigyan ng nagbabantang tingin ang mga kaibigan maliban kay Kuya Atlas.

"What pare? Cat got your tounge?" Nang aasar na tanong ni Kuya Kester.

"Eh kung ipakagat kaya kita kay Pochi. Tss! Bakit ba nandito kayo? Kapamilya ba kayo ni Ava?" Inis na sabi ni Kuya Matias.

"Hindi man kami kadugo ni Ava pero para na rin namin syang bunsong kapatid." Sagot ni Kuya Luigi.

Umingos ako. 'Plastik!'

"Tss." Bumaling si Kuya Matias kay mommy. "Tita, pwede bang hiramin muna si Ava? Dyan lang ho kami sa labas."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon