Chapter 32

20.1K 713 56
                                    

Ava POV

"HAY.. sa wakas nagkaroon rin tayo ng time na magbonding. Halos kalahating taon din tayong di nagkita kita ah. Puro sa social media lang." Sambit ko sa mga kaibigan. Nandito kami sa paborito naming kainan sa loob ng isang mall.

Kumpleto kami ngayon. Si Ivonna kasama ang kambal nya, si Jolene kasama ang dalawa kong pamangkin at si Miriam at Ruby. Naging magkakaibigan kami dahil parehas kaming mga nagtrabaho noon sa resto. Nagpasya kaming magkita kita dahil aalis na ng bansa si Miriam at Ruby para sa ibang bansa magtrabaho. Makikipagsapalaran sila doon. Kung tutuusin pwede naman namin silang tulungan ni Ivonna na bigyan ng magandang trabaho. Pero mas gusto nilang makipag sapalaran for experience na rin. Hindi na kami namilit. Basta kung saan sila masaya susuportahan namin sila.

"Ang bilis lumaki ng mga inaanak namin ah." Sambit ni Miriam at pinisil ang pisngi ni Baby Alina. Ganun din ang ginawa nya sa kambal ni Ivonna.

"Oo nga eh. Ang lalakas na ring kumain." Natatawang sabi ni Jolene at pinunasan ng bimpo ang bibig ni Baby Alina na naglalaro ng laway.

"Masaya kami ni Miriam para sa inyo dahil nahanap nyo na ang mga lalaking para sa inyo at kitang kita naman namin na masayang masaya kayo ngayon sa pamilya nyo." Saad ni Ruby.

"Salamat Ruby. Syempre gusto rin naming mahanap nyo rin ang inyo." Ani Ivonna.

Ngumuso si Mariam na si Jeremiah na ngayon ang pinagdidiskitahan. Ang pamangkin ko naman ay sanay ng pinanggigigilan kaya unbothered sya habang lumalapang ng manok.

"Olats kami dito sa pinas. Puro tagilid na mga lalaki ang nakukuha namin. Tagilid na nga mukha pati ugali tagilid din. Baka sakali sa ibang bansa kami swertehin."

"Bet namin ang afam." Dugtong pa ni Ruby.

"Pero ingat pa rin kayo sa pagpili ng afam. Baka mamaya makatiyempo din kayo ng for good time lang at anakan lang kayo." Paalala ko sa dalawa.

"Alam namin yun Ava. Don't worry. Natuto na kami no." Ani Miriam na ilang beses na ring nabigo sa lalaki dahil puro may mga saltik ang nagiging jowa.

"Basta, kung ayaw nyo na sa ibang bansa umuwi na lang kayo. Tutulungan na lang namin kayong maghanap ng magandang trabaho." Sabi ko pa.

"Oo nga. Huwag kayong mahiyang magsabi sa amin." Segunda pa ni Ivonna.

"Salamat mga mommies. Don't worry mag e-enjoy muna kami sa abroad. Syempre dito pa rin sa bansa natin ang balik namin."

"Oy, di pa ako mommy ha." Nakangusong sabi ko at sinipsip ang straw ng drinks.

Sabay naman silang tumawa na parang may nakakakatawa sa sinabi ko.

"Pero malapit ka na ring maging mommy nafi-feel ko." Nanunuksong sabi ni Ruby.

"Hindi malabong maging mommy ka na rin soon or sooner lalo pa at may gwapo kang jowa na sobrang yummy pa. Alangan namang magtitigan lang kayo kapag magkasama." Dagdag panunukso pa ni Miriam. Nakitukso na rin ang dalawa na may mga inakay na.

Napanguso na lang ako habang nagiinit ang pisngi. Isang beses pa lang naman may nangyari sa amin ni Matias at hindi pa nauulit yun kaya imposibleng may mabuo agad.

Naging maingay pa ang mesa namin dahil na rin sa mga chikiting na madaldal na. Pati nga ang ibang customer na katabi namin ay natutuwa sa mga paslit na parang mga matatanda na nadidiskusyon. Ito ngang si Baby Alina ay may pahampas hampas pa sa mesa habang nakikipag huntahan sa kambal ni Ivonna. Wala naman kaming maintindihan kaya nagtatawanan lang kami.

"Wait lang girls! Mag c-cr lang ako. Naiihi na ako sa kakatawa." Paalam ko sa kanila at tumayo ako. Binitbit ko ang bag.

"Tita sama ako." Ani Jeremiah.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon