33

28 1 0
                                    

DUMERETSO kami sa bahay ni Dad. I thought wala pa si dad, nakauwi na rin pala siya nung tumawag ako. Agad naman akong sinalubong ng mga kapatid ko, si dad, mommy Melissa was in the kitchen when I arrived. Ang saya siguro no, kung umuwi ako pero kasama ko si baby? Pero wala eh, kinuha na siya sa akin. I am still mourning, ang hirap e process na wala na siya. Gusto ko pa siya e-feel at iparamdam sa kanya na sobrang mahal na mahal ko siya.

I couldn't hide my emotions, and immediately wiped my tears away. I don't want to forget my baby. He or she is my angel.

“Welcome back, Ate.” Clifford hugged me with a bouquet, as well as Mickey.

“Thank you for the flowers,” I said.

“Pahinga ka muna, Ate mommy was in the kitchen preparing for dinner.” Atacia said.

I will be staying here for the meantime. Hindi ko pa kaya na umuwi, baka maalala ko lang ang masamang nangyari. The place was too far from the city, siguro kung hindi lang ako dinugo ng sobrang rami baka may chance pa na mabuhay ng baby ko. Pero impossible pa rin kasi maselan ako.

Kung saan man ang baby ko, sana hindi siya magalit sa akin. Mahal na mahal ko siya, higit na nino man.

“B-babe?” I almost forgot that Diego was with me. Umupo siya sa tabi ko, at marahan na hinawakan ang kamay ko.

“Can I stay here with you, too? Ayaw ko na malayo sa ‘yo, gusto kita alagaan,” he said. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

I love this man so much that I am willing to give him my world. But now, it's gone. My only source of hope and happiness was gone. If it weren't for him, kasama ko pa ang baby ko.

“No! Umuwi ka sa bahay mo!” mariin kong salita at binawi ang kamay ko.

“Please! Just this night,” pagmamakaawa nito.

“Okay!” matipid kong sagot at hindi na siya pinansin.

Dumating na ang hapunan at sabay na naman kaming kakain. Ang sarap talaga sa pakiramdam na sabay-sabay kayo na kumain ng pamilya mo no? Gusto ko rin mag build ng family, mga anak, pero sa tuwing iniisip ko kataksilan ng asawa ko parang binabawi ko pangarap na ‘yun.

“Wala ka bang gana kumain,nak?” biglang tanong ni Daddy.

“No, dad. I am good, po. Sadyang may iniisip lang,” tugon ko naman sa kanya. Dad, smiled at hinarap ang pagkain.

“Caroline, don't be shy to talk to mommy ha. Nandito lang ako,” mahinahon na wika ni mommy. Since we become okay ay naging soft na ito sa akin. Mommy na mommy talaga siya sa akin.

“Yes,mom.” sagot ko naman at sumubo na.

Tahimik lang si Diego na kumakain, ayaw ko naman siyang pansinin. “Iho, dito ka na matulog mamaya ha, samahan mo muna asawa mo,” Dad said. Hindi na ako nagulat dahil napag usapan naman na namin.

“Yes,dad.”Matipid niyang sagot.

Nasa kwarto na ako at ready na upang matulog. Hindi pa ako inaantok kaya binuksan ko ang balcony, upang magpahangin. I heard the door shut, so I am expecting Diego.

“Maginaw.” Biglang salita ni mommy. I thought it was Diego.

“Nainitan ako kanina, my. At hindi rin makatulog,” ani ko.

“Nag-aaway ba kayo?” tanong ni mommy. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

“Ayaw ko lang po siya makausap at makita, kasi sunod siya nang sunod.I will talk to him kapag handa na ako,” tugon ko naman.

“Wag mo lang pilitin sarili mo, nak ha. Kung handa ka na, mag usap kayo. Pero sa ngayon sarili mo muna isipin mo at nang tuluyan ka ng gumaling.” Mommy Mel said.

“Sana maging totoo siya, My kapag tinanong ko siya kung sino babae niya. You know that he has someone else, but ayaw ko na malaman ng iba. Parang nakakahiya na ang asawa mo ay may kabit! Baka kung kumalat w damay ako,makakuha pa ako ng negative and positive comments mula sa mga taong wala naman alam s buhay ko,” mahabang wika ko.

Totoo naman kasi. Baka biglang may makaalam, at makakita sa adultery ng asawa ko. Kahit tatahimik lang ako ay madadamay pa rin ako. Alam na natin mga tao ngayon, jina-judge ka kahit hindi ka naman nila kilala.

“He will be punished for what he did!” Saad naman ni Mellisa. “My prutas, kainin mo yan,” dagdag pa niya bago ako tuluyan na iniwan sa balkonahe.

Malamig ang simoy ng hangin pero kapag iniisip ko ang bagay n ito ay napapangiti ako.

“How does it feel to hold you, anak?” I said as my tears flowed down my cheeks.

Gusto ko siyang mahawakan, mayakap, makausap, makita. Pero imposible na.

“Sana Ikaw pa rin, kung bibigyan man uli ako ng baby,” bulong ko sa kawalan.

"Bumalik ka pa rin sa akin, anak ha. Mommy will wait. Mahal na mahal kita,” bulong at kasunod nun ang aking pag hikbi.

Ang sakit pa rin talaga. Nangungulila ako sa anak ko na kahit mag-dalawang buwan pa lang siyang nasa sinapupunan ko ay nami-miss ko na siya. Ang hirap!

"B-babe, what's happening?”

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now