08

79 9 0
                                    

///

Gabi na at nandito na ako sa labas nang building. I was waiting for Diego. Kanina pa ako kinakabahan dito, at nanginginig na sa sobrang kilig, gusto kong tumili na parang ewan pero ayaw kong gawin yan dito sa labas nang building, baka ma viral pa ako gawin na katawa-tawa ng mga tao.Sobrang nakakahiya ata nun. Mapagkamalan pa akong gaga kapag ginawa ko yun.

Diego texted me a while ago, that he will fetch me. At hito naman ako na sobrang excited bumaba agad nang building, kahit hindi pa tapos ibang files na kailangan pirmahan ko. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. This night will be our first ever date.


While waiting, patingin tingin ako sa aking paligid, ngayon ko lang napagtanto na may mga maliit na stores, and branch pala dito sa harapan ng building ko. Naalala ko dati may isang Nanay na nag-tayo ng kanyang tindahan dito mismo sa harap ko kung saan ako nakatayo. Ang sarap lang sa feeling, kasi hindi nawala ang pangalan ni Nanay Dona, at malaki na din ang tindahan niya.

Si Nanay Dona kasi ay taga-gawa ng mga basahan. Super hina pa nun ang mga paninda ni Nanay, ngayon ay naging branch na talaga. Hindi ko na din nakita si Nanay Dona, dahil sa busy na rin ako at hindi ko na nagawa pa na puntahan, o dalawin man lang ang branch niya.


“ Kumusta na kaya si Nanay Dona? ” wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa kabilang banda.


Hindi ko namalayan ang oras, almost thirty minutes na pala akong nakatayo dito sa labas, wala pa rin si Diego.

“ Umupo na nga lang muna, ” ani ko sa aking sarili. Agad akong nag hahanap ng bench na maupuan, mabuti na lang at meron naman pala dit sa labas ng building.

May tao na nakaupo, kaya umupo na rin ako. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko..

Diego's Incoming call…

I immediately answered him, “ D-diego? ” unang bungad ko sa kanya.

“ Sorry, baby. Mukhang mala-late ako, I am really sorry hindi agad kita tinawagan. ” anito. Agad akong nakaramdam ng disappointment, pero hindi ko naman masisi dahil busy nga talaga si Diego sa trabaho.


“ No! It's okay, Diego. Take your time, if you can't make it tonight. Let's do it some other time, ” agad kong salita.

“ Babawi ako, promise. ” tugon nito. Hindi ko na magagawa pa na magsalita dahil disappointed talaga ako. Parang may bumabara sa lalamunan ko kaya agad ko ng pinatay ang tawag.


I took a deep breath, composing myself. Para akong maiiyak. Agad kong nilagay ang cellphone sa bag ko, at tumayo. Unexpectedly, I bumped into someone.


“ Oh. I am so sorry, ” agad kong salita.

“ It's okay, ” sagot naman ng lalaki.

Agad akong napatingin sa lalaki na nakabangga ko, he was somewhat familiar.

“ Have we met before? ” I asked without hesitation. Tumaas naman ang isang kilay nito.

“ Yes. Twice! ” he responded. Gulat naman ako sa sinabi nito.

“ Twice? ” I said.

“ Parking lot. Bar. And now, it's the third time, ” he said. Ang lalim ng kanyang boses, at sobrang lamig pa.

“ Really? ” hindi makapaniwala na sambit ko. Tumango lang siya at parang nag-mamadali.

“ I have to go, ” he said and left me.

Ngayon ko lang mas klarong nakita ang kanyang mukha. The first time we bumped into each other was in a parking lot. The second time was at a bar. And the third time is here, outside my building. I don't know why I am feeling weird. Strange?


Hindi ko klaro ang mukha that time, and I was amazed and shook. He is handsome.


Based on his appearance, mukhang bata pa ito. He seems like 19,20? He is just so tall, and masculine. He seems mature in some other ways. Hindi mo talaga mahahalata na nasa ganung edad pa siya. Naalala ko nung sa bar may kasama siyang bodyguard, well.. he needs some company as a teenager.

I took a deep breath again. And just left.

Umuwi ako ng bahay, and it's already 11:24 pm. I am not expecting something on my birthday. No celebrations happened for so many years. Just a simple gathering with my employees, or kami lang ni Dina ang mag celebrate ng birthday ko. Or si Yaya Anne, kami lang dalawa sa bahay, or di kaya ipapasyal niya ako.

How disappointing!  Excited pa naman ako sa first date namin ni Diego, pero naudlot pa. Hays. Siya lang talaga iniisip ko na pwede akong e-treat sa birthday ko since he invited me for a dinner. Disappointed talaga ako. Gusto kong mag dabog.


I was at the main door when I heard rustling from inside the house. I immediately hid on the side. Suddenly I was nervous and shaking with fear, I felt again what happened to me two years ago. That time, we almost got robbed together with Yaya Anne.

“ What should I do? ” kinakabahan kong kinapa ang bag ko, at kinuha ang cellphone. Nawala ang ingay, at mukhang wala namang nangyayari. Or baka pranning lang ako. Huminga ako nang malalim, at umayos ng tayo.

Tahimik na, at wala na ding mga ingay. Baka nga wala lang talaga yun. Agad kong kinuha ang susi sa bag ko, at agad na binuksan ang pinto. Nang mabuksan ko na ay agad ko na rin sinara ang pintuan ng dahan-dahan.

“ HAPPY BIRTHDAY CAROLINE, ”

Hindi ko alam ang e-re-react ko, I was literally speechless for the whole time.

I want to laugh. Baka prank na naman ito.

“ Baby, ” I almost jumped when someone suddenly whispered in my ears. He immediately grabbed my hands, and wrapped his arms on my waist.

“ Diego? ” gulat kong sambit. He chuckled.

“ Surprised, ” he said, and smiled.

“ W-wait, a-ano.. di’ba busy ka pa? ” Nauutal kong salita, habang hawak-hawak niya pa rin ako.

“ It was just an alibi, ” he said. “ I really wanted to surprise you, baby. ” I was so touch na naiyak ako sa bisig niya.

“ Thank you, ” bulong ko sa kanya.

“ Don't cry, you're so pretty. ” anito, at marahan na hinaplos ang pisngi ko, at pinahiran ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.


“ Sorry, if I made you wait. ” he said, and seriously looked at me. “ Maybe this is too early for this, but I can't wait. ” He added.

My family was still standing in front of us, may tarpaulin sa likuran nila na happy birthday Caroline ang nakalagay. My siblings were there, my parents. Dad seems happy, and step-mom seems not happy. Ano ba aasahan ko sa kanya. She's no good at all.

Nagulat ako sa biglaan pagluhod ni Diego sa harapan ako. I took a step backwards, and shockingly covered my mouth with my hands.

Is this for real? He is proposing to me now?

“ Caroline Patricia Frowline, will you accept this ring as a sign of our engagement? As a sign of our love, a start of our new beginnings, to get to know each other after marriage? ” seryosong saad nito.

“ Will you marry me? ” Is this finally our engagement? He is now my fiance?

“ I will, Diego. I will marry you, ” agad kong sagot.

He immediately put the ring on my ring finger. Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko ngayon, sobrang saya ko. Halo halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon. Pero mas nangingibabaw ang saya.

“ Finally, akin kana. ” bulong niya ng hapitin niya sa bewang, at hagkan.

Hindi na ako pumalag pa, at hinayaan siya na halikan ako. Ang sarap ng kanyang mga labi.

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now