44

19 2 0
                                    

Matapos kung kumain ay nagbihis ako ng maayos na damit. Plain t-shirt at pants lang ang suot ko. May iba pa namang nga damit kaso ito lang ang gusto kong suotin. Hindi ko rin alam kung saan ako ngayon pupunta.

“Salamat, Atacia ah.. Pasensya ka na talaga sa abala,” nahihiya kong salita.

"Ano ka ba ate, wala yun noh. Masaya ako sa ginawa ko, at walang makakapigil sa akin.” Aniya. She really changed a lot. She's so mature.

"Hindi ko alam paano makakabawi sayo, pero sana in the future makakabawi ako sayo.” I said. Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko.

"Wag mo muna isipin yan, Ate. Bangon ka lang at nandito lang ako. Susuportahan kitang bumangon muli.” Tumulo na naman ang luha ko sa galak.

"Salamat ah. Pag-sisikapin ko na bumangon muli, ngunit wala ng natira sa akin eh. Wala na lahat.” Malungkot kung salita.

“Mababawi mo pa yun, Ate.Laban lang. Wag mong susukuan, ikaw ang may karapatan sa kumpanya mo kaya ipaglaban mo lang." Pinapalakas niya talaga ang loob ko. Nakakataba ng puso na may ganito akong kapatid.

Thanks God na binigay niya sa akin si Atacia. Na kahit hindi maganda ang umpisa namin, ngayon ay siya na ang karamay ko. Siya lang nakakaintindi sa akin.

“May balita ka ba kay Ate Dina mo?" Tanong ko. Agad naman na kumunot ang noo niya sa tanong ko.

“I hate that woman!" Galit niyang salita. Nagulat naman ako kung bakit siya galit kay Dina.

"Why? May ginawa ba siyang hindi maganda?" Tanong ko naman dahil nagtataka rin ako sa reaksyon ni Atacia.

“Ate, she stole my boyfriend. And not just that, she also steals your company. I hated her to the core. She's a pretentious bitch." Galit na salita ni Atacia.

She rolled her eyes and crossed her arms.
Paanong ninakaw ni Dina ang company ko. Hindi ko naman binigay sa kanya, and she knew it.

“Dina didn't tell me about the company the last time we met." Nagtataka kung salita.

"Dina told me that you gave the company to her. And she also showed it to us. She showed us the documents na nagpapatunay na siya na ang may-ari ng company mo.” Nag pantigan ang tenga ko sa narinig.

I didn't sign any document where I gave her the company. “How? Yes, may binigay si Dina sa akin last time. And she said that my signature is needed because it is a document or files that are proven to agree with an investor. Investors' agreement, she said.” Nanlulumo kung salita.

“You signed it?" Hindi makapaniwala na salita ni Atacia.

“Yes!" Matipid kung sagot.

“Oh god, ate. Nadali ka niya. It was already 4 years ago, right? I remember the day na pinakita niya sa amin na siya na ang owner ng company. Dad was so furious, that's the main reason why he got so mad at you,fuck.." I was surprised.

My lips parted and didn't sink in my mind ang mga sinabi ni Atacia. My childhood friend betrayed me. How could my best friend do that?

I trusted her. Bakit niya yun nagawa sa akin? Hindi ako makapag na si Dina, ang nag-iisa kong kaibigan, karamay noon, sandigan sa lahat ay siya pala ang tutuklaw sa akin patalikod.

I am being complacent because I have known her for a decade.

I wasn't expecting it. Why? Why does it happen to me?

Akala ko mas maging matibay at matatag ang pagkakaibigan namin dahil matagal na kaming magkakilala. Kasama sa lahat ng bagay. Pinagkatiwalaan ko sa lahat. Pero siya lang pala ang sisira at tutuklaw sa akin kapag ako’y nakatalikod.

I silently wipe my tears. Nasasaktan ako sobra. Wala na nga talagang naiwan sa akin. Hindi ko alam kung pinaparusahan ako, o ano ba talaga? God only knows!

“Don't worry, Ate. Makukuha rin natin ang kumpanya. For now, lay low ka muna. Ihanda ang sarili at maging mautak na. Tutulungan kita, and I will tell Dad about it. Kapag nalaman niya ito, I am sure he will accept you again. Trust me, Ate.” Wala na akong masabi kay Atacia, kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

"Babawi talaga ako sayo," bulong ko sa kanya.

"Aasahan ko yan, Ate. For now, sarili mo muna ayusin mo.” Aniya.

“Hindi ko alam paano mag-umpisa, pero susubukan ko ulit. Salamat, Atacia ha. Sobrang salamat sa lahat. Salamat at ikaw p talaga ang sobrang nakakaintindi sa akin. I am so thankful na ikaw ang kapatid ko,” umiiyak kong salita sa kanya.

"Ako rin, Ate.”

"Saan ka ngayon pupunta?” Tanong niya sa akin.

"Hindi ko ng rin alam eh. Tapos maulan pa,” tugon ko naman sa kanya.

“Here Ate. Susi yan sa condo ko, stay ka muna dun for the meantime.” Agad niyang binigay sa akin ang susi ng condo niya. "Take this all, gamitin mo ang mga ito.” dagdag pa niya.

“But, I can't just accept this! Atacia, you have helped me na, tama na ang mga ito." I said preferring the foods and some clothes.

“It's not enough, Ate. Let's go?!" Aniya.

“Ha? Saan?" Nagtataka kong tanong.

“Ihahatid kita sa condo ko. Bukas balikan kita ah, kausapin natin si dad." She said.

Thank you God! Thank you for giving Atacia to me.

She's a blessing in disguise.

Ngayon na alam ko na ang tunay na baho ni Dina ay hindi na ako magtitiwala pa muli. Tatayo ulit ako at ipaglaban ang nararapat sa akin.

“Uhm.. Ate, may isa ka akong hindi na sabi sa iyo." Kalmado ngunit parang kinakabahan na salita ni Atacia.

Nagsisimula na kasi siyang mag maneho. Kunot-noo naman ang aking noo. Dahil parang iba ang kanyang sasabihin. Pati tuloy ako kinabahan.

“Ano yun, Atacia?" I said, medyo kinakabahan.

Sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib, parang lalabas na sa puso ko. Nanginginig na rin ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganito na ako mag react s ng bagay. Dahil siguro sa truma ko sa kulungan.

Imperno ang lugar na yun sa ‘kin.

“Your son is not dead!"

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Onde histórias criam vida. Descubra agora