42

51 3 0
                                    

8 years have passed…

AFTER a long years in hell ay nakalabas na rin ako. Masaya at excited ako na umuwi sa bahay ni daddy,at makita ang anak ko.Sobrang na mi-miss ko na sila.Gusto ko silang yakapin, mahawakan,at makasama.I endured everything sa loob ng kulungan.

Hindi nila alam na makakalaya ma ako ngayon, hindi na rin nila ako dinadalaw pero okay lang baka busy lang talaga sila sa kanilang mga trabaho. Sobrang na miss ko talaga sila.

Pag ka-labas ko ng kulungan y agad akong sumakay ng taxi pauwi sa bahay ni daddy.Gusto ko siyang e surprise na nakalaya na ako.Sigurado ako na matutuwa yun kapag nakita ako. Pagdating ko sa Villa ay natanaw ko na agad ang mansyon. Tumakbo ako samay gate at pinressed and bell.Bumukas ang gate at tumambad sa akin ang mukha ng guard.

“Kuya,nandyan ba s daddy?’’ tanong ko sa guard.Kunot-noo naman ito na tiningnan ako.

“Daddy,sino?” Takang tanong nito. I faintly smile.

"Si Mr.Frowline po, Mr. Guard." saad ko naman sa kanya. Bigla siyang tumawa at bumuhakhak pa. Kunot-noo ko naman itong tiningnan.

“May nakakatawa po ba?" Tanong ko sa kanya.

“Meron! Ikaw po!" Saad nito at tumawa ulit.

“Why? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Galit kong salita.

“Oo, Miss.Walang dugyot na anak si Mr. Frowline, at sina ma'am Atacia, Mickey, at sir Clifford lang kilala ko na anak ni sir. Kaya umalis na po kayo, Miss." saad ng guard. Bigla akong nalungkot sa sinabi ng guard.

Agad kong tiningnan ang sarili ko at ang dumi nga ng suot ko, at mabaho na rin ako. Wala akong matinong damit nung nasa loob pa lamang ako. Alam ko na pumayat rin ako dahil kitang kita ko na ang buto ko na parang lalabas na sa balat ko.

“Please po, Kuyang guard. Kahit tawagin niyo po sir niyo,gusto ko lang siyang makausap." Determinado talaga ako na makita si daddy. Matutuwa yun kapag na kita ako.

“Asa ka pa!" Tinawanan lang ako ng guard at sinarado ang gate.

“Please po, kuya. Kahit sabihin niyo po. Caroline po name ko, sabihin niyo po s kanya n nandito si Caroline Frowline. Sige na po kuya, pagkatapos ay aalis na rin po ako." Pagmamakaawa ko.

“O, sige. Kapag ako inalis sa trabaho babalikan talaga kita." Pagbabanta ni Kuyang guard sa akin.

“Hindi po, Kuya. Mabait po si dad." wika ko naman agad.

Naghihintay ako sa labas ng gate.Maginaw na at wala akong matinong suot, gusot-gusot pa. Gabi na rin kasi at parang uulan pa.

“Sir, nasa labas po siya ng gate." Narinig kong salita ni Kuyang guard.

Narinig ko ang pag-bukas ng gate kay tumayo ako at hinanda ang sarili. Surprisahin ko sana siya at yakapin, ngunit salubong na kilay ang tumambad sa akin. Lumapit si dad sa akin, akala ko ay yayakapin niya ako ngunit isang malutong na sampal ang binigay niya sa akin.

Hindi agad ako nakakibo, at parang na bingi dahil sa malakas na sampal ni Dad sa akin. Ramdam ko ang pag manhid ng pisngi ko.

Kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko ito inaasahan mula kay dad. For the first time nag buhat kamay siya sa akin. Ang sakit pala talaga. Akala ko malaya na ako pero bakit parang nasa loob pa rin ng kulungan ang ibang parte ng katawan ko.

“D-dad?" Sambit ko.

“Don't call me, dad. Wala akong anak na criminal. Bakit ka ba bumalik, sana nag stay ka na lang doon sa kulungan kasi dun ka naman nababagay." Sigaw ni Dad.

Humahagulgol na ako dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Nasasaktan ako sa mga sinabi ni Dad. I was too excited to see him kasi sobrang na miss ko siya pero ito pala bungad sa akin. Ang sakit sakit.

“Dad, please. Wala naman talaga akong kasalanan eh, hindi ako criminal. At wal kang criminal na anak. Dad naman, maniwala naman kayo sa akin.” Pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi niya ako tiningnan na para bang nandidiri siya sa akin.

"Hindi kita anak. At simula ngayon wala na akong anak n katulad mo. Umalis ka na, dahil hindi ka namin kailangan.”sigaw ni Dad.

"Dad, please. Wag naman ganun. Mahal ko kayo, daddy ko kayo. Bakit ang bilis lang para sa inyo ang itakwil ako. Wala na ba talaga akong halaga sa inyo?Anak mo ako, na saan na yung ama na lagi akong sinusuportahan sa lahat ng bagay?” Salita ko sa pagitan ng aking pag-iyak.

“Simula nung araw na pinatay mo ang asawa mo ay pinagako ko sa sarili ko na hindi na kita anak.” Mariin niyang salita. Mas lalo akong humahagulgol.

Walang wala pala ang naranasan ko sa kulungan kaysa ang marinig ang masakit na salita mula sa iyong ama. Ang taong dapat ay bigyan ka ng tapang at kakayahan na lumaban ay siya palang sisira sa aking katinuan. Lumaban ako kasi gusto kong patunayan s kanila n mali sila. Na hindi ako ang gumawa nun. Naging masama ako sa lahat ng tao, naging kalat na ang mukha ko sa kahit saang platform.

Wala na ng talagang natira sa akin. Ang pamilya mo na sana ang gagabay at tutulong sa akin ay sila para ang magdadala sa akin sa aking huling hantungan.

Bakit napaka selfish? Akala ko may babalikan pa ako?

“Dad, si Raven po? Nandito po ba siya?” Tanong ko kay dad. Biglang nag bago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Gusto ko po siyang makita. Dad, please!” Lumuhod ako sa harapan niya. Gusto ko talaga na makita ng anak ko.

"Wala na siya!”

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now