35

32 2 0
                                    

:Warning: ⚠️ vi/lent reaction/behavior ⚠️

THIRD PERSON'S POV

CAROLINE ignored him. Hindi na siya nagsalita pa at tumayo na mula sa pagka-higa. Sinundan lang siya ng tingin si Diego na pumasok sa restroom. Kahit disappointed ito ay wala na siyang magagawa dahil deserve niya naman ang cold treatment ng kanyang asawa.

He waited for her na lumabas mula sa restroom ngunit trenta minutos na itong nasa restroom hindi pa rin lumalabas. Gusto niya sanang katukin ito ngunit biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Agad na lumayo si Diego sa pintuan ng makita kung sino ang tumawag. Galit niyang pinatay ang tawag at in-off ang cellphone sa inis.

"Babe?I will be leaving now, please call me kapag gusto mo na umuwi sa atin ha. I love you. Hihintayin kita!" salita nito mula sa labas ng pintuan ng restroom.

Narinig naman iyon ni Caroline hindi niya lang magawa na sagutin ito. Hanggang ngayon ay masamang panaginip talaga sa kanya ang nangyari, hindi na siya makatulog ng maayos. Bigla-bigla na lang siyang nag breakdown. Hindi na nga siya nakatulog kagabi, at nag breakdown pa ng madaling araw. Alas tres na siya nakatulog ngunit nagising na naman dahil sa isang bangungot.

"In my dreams, you died.” wala sa sarili niyang salita. Referring to her husband.

Napailing naman siya dahil sa masamang panaginip na iyon at napa dasal. Kahit pa man may nagawa man ang asawa na isang malaking kasalanan sa kanya bilang asawa ay hindi naman niya pinangarap na may masamang mangyari dito.If Diego is willing to change,she will give him another chance,but expect the chances.It won't be the same anymore.Trust issues will be everywhere.

"Ma'am,umalis na po si sir.l,” katok naman ng matanda sa restroom.Tumayo na si Caroline mula sa cubicle at pinag buksan ang matanda ng pinto.

"Manang, bakit naman kayo nag bigay ng susi kay Diego. Next time, Manang wag na makialam ha.Hayaan mo siya,” kalmado ngunit bakas sa boses niya ang irita, at pag-disgusto sa ginawa ng matanda.

"Opo, ma'am. Akala ko po kasi, okay lang. Binigyan din naman siya ng permission ni Madam Mell, ayaw nga sana pumasok e dahil gusto ka niyang hintayin na gumising. Kaso sinabihan naman siya ni Madam na pasok, kaya pumasok na lang siya," kwento naman ng matanda.

"Manang,ano pa ang ginagawa niyo r'yan? tawag ni Mellisa sa matanda.

"Nag kwento lang po, ma'am.“ saad naman ng matanda at tumakbo na palabas ng kwarto. Madaldal lang talaga ang matanda kaya nawiwili sila dito.

"Sorry for what I did. He actually doesn't want to come in, but I forced him so please don't get mad at him. I think he is regretting it.” Saad ni Mellisa.

"Sana mga po, my.“ Matipid na sagot ni Caroline. Bumalik na siya sa kama at humiga ulit.

"You look restless, are you having trouble sleeping?” tanong ni Melissa.

"Yeah. I have a nightmare. It's scary, and I am scared." Saad naman niya.

Mellisa brushed her hair, habang nakasandal ito sa headboard ng kama. "Ingatan ang sarili nak, I know that you're a tough and independent woman. Embrace yourself from the pain, heartache and heartbreak.Ilabas ang dapat ilabas, don't keep something off. Everything will be okay!” Melissa said.

Alam niyang kinokomport lang siya nito pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang pangamba. She wanted to be happy kasa si Diego, but how could she do that when she can't trust him anymore.Kahit bigyan pa ng chances, pero may trust issues ka sa asawa mo hindi pa rin madali yun.

“Kakausapin ko lang siya bukas, My. I have to let it go, I have to hear him. But expect me, hindi na kami babalik pa sa dati. Marami na ang magbabago sa aming pagsasama.

“Okay lang yan, subukan mo lang. Kapag wala na talaga, set yourself free. Wag kang magpapatali,” sumang-ayon naman siya sa sinabi ni Melissa.

Nakabalik rin siya sa pagtulog. Tuloy-tuloy na ang tulog niya kaya hindi na siya sinubukan pa na gisingin ng lahat.

……

Umuwi si Diego sa kanilang bahay sa bundok at nadatnan niya ang bukas na gate at may nakaparada na sasakyan. Agad siyang pumasok, galit na galit ito. Patakbo na sumalubong sa kanya ng babae at hinalikan siya sa labi, ngunit agad niya itong tinulak.

“Bakit mo ba ako laging ginagalit, Dina. Hindi ba tapos na tayo?” Galit na salita nito.

“Come on, Diego.You can't stay away from me,see what happened to your wife?I told you you will regr—” Dina didn't finish her words when Diego suddenly jumped on her and strangled her.

Pilit itong tinulak ni Din ngunit malakas ito, nahihirapan na din itong huminga. “D-die–”

“You killed my child? You are a criminal! Dahil sayo, ano ginawa mo ha. Sabihin mo?!” galit na sigaw nito at marahas na binitawan si Dina.

Tumayo ito at agresibo na kinuha ang upuan sa kanyang gilid at hinagis sa kung saan. “Hindi ka makakaalis dito sa bahay ko, unless sabihin mo sa akin ang totoo.” pananakot nito.

Nanginginig naman si Dina dahil ito ang kauna-unahang beses na makita si Diego na galit na galit.

“Calm down, Baby.I am sorry, it was not my intention.Please!” takot na salita ni Dina, at nanginginig pa.

“Not your intention? So, ano nga ang ginawa mo?” sigaw nito at nilapitan uli siya upang saktan, ngunit agad naman nakaiwas si Dina.

“I-I sent her o-our p-pictures together while having s-sex! But, I hide my face.” nauutal na salita nito. “But, I regretted it. I wasn't expecting it to happen, sorry!”

“Sorry, won't bring back the life that was gone, Dina.Na saan ang utak mo?! You do it on purpose, you're a liar.Hindi ako maniniwala sayo!” Diego frustratingly shouted.

“Please,uuwi na ako.Hindi na ako manggugulo sa inyo ng asawa mo,” Saad ni Dina at nagmamadali na lumabas ng bahay.Hindi na lang ito sinundan ni Diego. At galit n galit n pinag sisipag ang mga nagkalat na mga bagay sa sahig.

“DON'T YOU EVER COME BACK! AND SHOW YOUR FACE TO ME!” sigaw nito.

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu