52

24 2 0
                                    

HINDI ko alam kung nasaan ako.Ang dilim ng paligid ko at wala akong naririnig na kahit anong ingay mula sa kung saan. Ang tanging lakas ng kabog sa aking dibdib lang ang naririnig ko. Kinakabahan, natatakot, halo halong emosyon ang aking nararamdaman. Nanginginig na rin ang buo kong katawan.

Hindi ko rin maalala kung paano ako na punta rito. Kanina lang ay may lumapit na lalaki sa akin at tinanong ako, ngunit may nilagay siya sa bibig ko, dahilan upang mawala ako sa sarili. Pagkatapos nun ay wala na akong matandaan.

At ngayon ay magigising ako sa isang madilim na lugar.

Nasaan ba ako? Nakakatakot rito. Para akong nasa kulungan. Pakiramdam na para bang patay ka na. Pero baka,... baka patay na ako at tinapon ako sa kung saan.

Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko, pati ang kamay at paa ko. Ang hapdi! Ngayon ko lang naramdaman ang sakit at hapdi sa aking katawan, nakagapos pala ang mga kamay ko sa likuran, pati na rin ang mga paa ko.

Sino ang may gawa nito sa akin?

"Look at you!" I paused. Sino ang nagsasalita?

"Sino ka?” sigaw ko.

She laughed evilly."It's been so long since the last time I saw you, Dear.” she said.

Pamilyar ang boses niya. “Stiffany?” sambit ko.

“Bilis mo makahula ah…Kumusta ka na ba?” alam ko at kilala ko ang may-ari ng boses na ito.

"Stiffany?" sambit ko ang pangalan niya na may nginig sa aking tinig.

"You're shaking,” she said. "Boys, take off her blind folds.” utos niya sa kasamahan niya. Ito siguro ang lalaki na nag-kidnapped sa akin.

Ramdam ko ang paglapit ng lalaki at agad na tinanggal ang blind fold. Nasilaw pa ako dahil sa ilaw. Gulat akong palinga-linga sa paligid, dahi hindi ito pamilyar sa akin at mukhang luma na ang kwarto na ito.

"Miss me?" aniya ay nakapamaywang pa habang nakataas ang kilay.

"Why are you doing this to me? Let me go,” mangiyak-ngiyak kong salita.

Lumapit siya sa akin. "Why? Why I am doing this to you? Ha?" napahiyaw ako sa sakit ng bigla niyang hilahin ang buhok ko.

Napahiyaw ako sa sobrang sakit dahil parang matatanggal na ang anit ko. "Please, masakit, let me go," sigaw ko sa kanya.

"Hindi pa kita binitawan hanggat hindi dumudugo ang ulo mo. 8 years in prison is not enough for me, para pag bayaran mo ang pag patay mo sa Kuya ko. Noon paman ay hindi na kita gusto kay Kuya, you're a bitch."galit niyang sigaw at mas hinila pa ang buhok ko.

Hindi ko mapigilan ang sumigaw dahil sa sakit. She's torturing me. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Is she going to kill me?

"Hindi k-ko pinatay ang k-kuya m-mo, please.. mahal ko si Diego, hindi ko kayang patayin siya." umiiyak kong sigaw. Ang sakit at ang sikip na ng dibdib ko dahil sa sakit. Natatakot ako.

Parang bumalik ako sa torture room noong nasakulongan pa ako. "Hindi? Until now, you're still denying and keep defending yourself from the crime you have committed." sigaw niya mismo sa mukha ko.

Stiffany's eyes is full of hatred and anger. She may look innocent but she's the opposite. There's an evil living inside her.

"Kahit mamatay pa ako ngayon, I swear hindi ko siya pinatay. Nakita ko lang siyang duguan at nakahandusay na sa sahig, please Stiffany. Gusto ko rin naman makuha ang hustisya para sa kanya. Mahal ko si Diego, mahal na mahal ko siya," kahit ilang ulit akong magpaliwanag sa kanya o sa kanila ay hindi pa rin naman nila ako pakinggan.

"Stop fooling me, hindi pa kita papatayin. I will make you suffer." she said, habang nanlilisik ang mga mata.

She's so scary. She's a real definition of demon.

"Please, stop this Stiffany. Please!" pagmamakaawa ko sa kanya.

Bigla siyang tumawa ng malakas. "Hindi ako titigil hanggat hindi ako nasasatisfy sa pananakit ko sayo. Pinatay mo si Diego.” sigaw niya. Para na akong mabingi sa kakasigaw niya.

God! Paano na ako makakaalis sa impernong to. Akala ko tapos na ako sa punishment ko, hindi pa pala. Trial pa lang pala yung nasa kulungan ako.

"Please, give me a chance to prove myself to you. That I am innocent."

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now