48

20 1 0
                                    

HINDI agad ako nakapag react sa sinabi niya. At agad ko rin natampal ang sarili ko dahil sa inisip ko na mas maganda ang hubog ng katawan nito kaysa sa asawa ko.Kinumpara ko pa ang katawan nilang dalawa na halata naman na mas bata itong kausap ko.

Inayos ko ang suot kung night gown, wala na kasi akong makita na pang tulog eh. Lahat nasa wardrobe ni Atacia puro night gown lang. Iwan ko kung na saan ba ang mga pajama or T-shirt man lang niya. Hindi ko naman alam na wala pala siyang damit na pang tulog. Halos kasi lahat ay dresses at mga jeans. Mga pang lakad na mga damit, alangan naman yun ang suotin ko.

"Salamat," tugon ko naman sa kanya. I heard him chuckled. He is young, ramdam ko naman.

Mukha lang talaga siyang mature. Pero hindi ko talaga fully nakikita ang mukha niya eh, pero parang familiar lang talaga siya sa akin. Parang nakita ko na somewhere,..before, I don't know. Lalo na ang asul niyang mata.

"Ano ang iniisip mo, mukhang malalim ah." malakas na wika nito. May hawak siyang wine at sinandal ang isang braso niya sa railings.

"Careful, baka mahulog ka." paalala ko sa kanya.

"Okay lang,kung sayo lang rin mahuhulog." banat nito. Bigla akong natawa sa corny jokes niya.

"You're so funny,"I shouted. Medyo malakas kasi ang hangin rito sa taas kaya hindi masyadong klaro ang usapan.

Hindi naman gaano kalayo ang balkonahe namin pero kailangan pa na sumigaw para magka rinigan kami. Plus mahangin pa.

"You're so gorgeous when you smile," he shouted again. "Wanna have a drink?" he invited.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Should I?
"Sige," tugon ko na lang.

Pumasok ako sa loob ng kwarto, at pumasok sa kusina to check if my wine pa ba sa refrigerator. I smiled nung meron pa. Maya-maya pa ay may nag doorbell, kinabahan ako baka yung lalaki na naman kanina. I checked the small hole kung sino ang nasa labas, and smiled na yung lalaki pala kanina.

But more makes me smile widely is the guy outside is so breath taking handsome. Huminga ako ng malalim dahil parang kakapusin na ako ng hininga. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito. He is really handsome. Ang tangkad pa niya. Ang ganda ng katawan. Ngayon klarong-klaro na talaga ang mukha niya. Kumakabog ang dibdib ko.

Agad ko na itong binuksan ng medyo kumalma na ang laman ko. "Ako na lang ang pumunta, baka may makakita pa sayo na ganyan ang suot mo," ani nito ng ngumiti ng nakakaloko at pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan.

Agad naman akong napatingin sa suot ko and goodness gracious. I forgot that I am wearing see through night gown. It's so revealing. Nakakahiya.

Mabilis akong tumakbo sa kwarto para kumuha ng bathrobe. I have nothing na medyo makapal to hide my nakedness. Well, almost.

Bumalik ako sa sala and there he was already preparing the drinks, and he also has a chips on him.I was embarrassed, but there's nothing I can do. Nakita na niya maganda kung katawan na para kay Diego Solise lang sana, kaso wala na siya.

I suddenly felt thirsty ng makita ko ang alak. It's been so long since the last time na uminom ako. Hindi naman ito hard drink pero nakakalasing pa rin naman. Pero matagal naman akong malasing so, no worry. And I don't feel something off about this guy. Mukhang mapagkakatiwalaan naman.
May mangyari man sa amin, at least hindi niya ako papatayin.

And besides kung may mangyari man sa akin ngayong gabi. May mga CCTV naman sa labas. Mahahanap pa rin siya ng mga police. Pero mukhang comfortable naman ako sa kanya.

Umupo na ako sa sofa. Habang siya naman ay nasa lapag lang. He is wearing a black t-shirt which suits him. Plus his big size pajama. Tangkad ba naman niya, mukhang basketball player lang.
Tisoy!

Nakaka-intimadate lang talaga ang mga mata niyang asul. Kapag hindi siya ngingiti or magsasalita ay nakakatakot talaga ng aura niya

"Hmm.. By the way, are you related to the woman who stays here? Kasi this is the first time I have seen you around." curious na tanong nito.

"Yeah. She's my younger sister. And she'll lived abroad with her husband." tugon ko naman sa kanya. Tumango-tango naman siya.

"Oh. I see! So, dito ka na titira?" tanong na naman niya. Akala ko talaga he is the type of a guy na intimidating or cold. Yun kasi ang aura niya.

"For the mean time," I respond.

"Do you have a work near here?" tanong na naman niya. Talkative lang talaga siguro siya no? Hindi talaga halata sa kanya.

"Before, that building over there, yung nasa pinaharap nitong condominium. I worked there before." I said which is my company. My company na ninakaw ng matalik kung kaibigan.

"Really? That's nice. Kilala ko ang may-ari ng company na yan, she was my Tito's wife." he said.

Nagulat ako sa sinabi niya. "Dina? Dina Victoria Texas?The owner of the company?" Sunod-sunod na tanong ko.

Palihim akong napamura sa natuklasan. Mahahanap na kita Dina. Hindi ka makakatakas sa akin.

"Yup. They got married last year. My Tito married her for money. Well, mayaman naman si Tito, however, she still wants to marry a single mom, like Dina." he said. Mukhang hindi ito masaya habang nag kwe-kwento.

"She's a single mom. As far as I remember, Dina is not interested in having a baby and in marriage. Nakakagulat lang na may asawa at anak na pala siya." I said.

This wench. Na buntis ata siya ng lalaking may asawa kaya nag pakasal na lang sa ibang lalaki.
Dina is not the type of woman to settle down. Puro lang siya laro. Kahit sino-sino na ang lalaki na kanyang kinakama, may asawa, nobya.

She's my best friend but I don't want to like her. She's desperate and jealous. Akala ko talaga mabuting tao siya. But, I was wrong.

"Kilala mo ba siya?" tanong niya. Kilalang-kilala.

"Not really, kaunti lang since nag work naman ako sa company niya." Tugon ko na lang.

"Inom ka muna," binigyan niya ako ng alak sa shot glass. Agad ko naman iyong ininom at inubos.

"Dahan-dahan lang, wala tayong kalaban." natatawang salita nito.

"Hmm.. Nga pala, ano pangalan mo ng matawag rin kita sa name mo. Kanina pa tayo nag-uusap tapos hindi natin kilala ang isa't-isa. At least pangalan man lang natin alam natin," wika ko. Ngumiti naman siya.

"I am Raven," he said. Nawala naman ang ngiti sa mukha ko ng marinig ang pangalan niya.

"Caroline," I said.

My son name Raven. Na mi-miss ko na naman siya. Kumusta na kaya anak ko?

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now