34

30 2 0
                                    

NANG marinig ko ang boses ni Diego ay tumahan ako, galit akong lumingon sa kanya. I gritted my teeth, gusto ko siyang saktan. Gusto kong maramdaman at maranasan niya ang sakit na naranasan ko. Hinawakan niya ako sa kamay ngunit marahas kong binawi ang aking kamay, at tumayo. Napaluhod kasi ako kanina sa sobrang sakit ng aking dibdib.

“B-babe, please… Alam kong galit na galit ka sa akin,dahil sa kataksilan ko.Pero gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari. Kaya please, sabihin mo sa akin. Please!” pagmamakaawa niya. Lumuhod siya sa harapan ko at parang alam na niya kung bakit.

“Alam mo kung bakit na wala ang baby natin! Bakit mo pa tinanong kung ano nga ang nangyari?!” He lifts his head and stares at me. There's sadness and regrets! But it won't ease the pain that I am feeling.

“Pakiramdam ko kasi na may hindi ka sinasabi sa akin,” pabulong niyang salita at hinalikan ang likuran bahagi ng kamay ko.

“So,ano pakiramdam ng may nililihim, Diego. Masakit ba? Nakaka praning ba? Nakaka truama ba? Ano, sabihin mo!” kalmado ngunit bakas pa rin sa boses ko ang pagpipigil ng galit. Hindi ko na siya magawa pa na tingnan, dahil baka mag breakdown na naman ako.

“Sorry. Sorry, dahil nasaktan kita. Patawarin mo ako, Babe. Ayusin natin ang lahat, please. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Pangako magbabago na ako!” mahabang litanya nito.

“Sa tingin mo ba, ganun-ganun lang kadali na ibalik ang lahat? The damage has been done. Kahit gaano mo pa man yan paghirapan na mabuo ulit ay mananatili pa rin yang may kulang.Ang bagay na tuluyan ng nasira ay hindi maibabalik sa kung ano pa ito dati.” mahaba kong salita.

“Don’t expect me to be the same person again.I treated you right.I have been honest and faithful to you for all those years, but loving you is my greatest mistake.” I said and stood.

I left him on the balcony and went to the other room. The guest room.

THIRD PERSON'S POV

KINABUKASAN ay nauna na gumising si Diego, hindi niya katabi ang asawa dahil sa guest room ito natulog. Wala na rin itong nagawa dahil ayaw naman niya dagdagan pa ang pasanin na nararamdaman ng asawa dahil din naman sa kanya kaya ngayon ay nasasaktan at umiiyak ito.

Kumatok ito sa pintuan ng guestroom kung nasaan ang asawa natutulog.Gusto niya muna mag paalam bago umalis.Naka-ilang katok na siya ngunit wala pa ring nag bukas ng pinto, kaya inisip na lang niya na tulog pa ang asawa. At ayaw niya rin na buksan ang pinto dahil baka magalit na naman ang asawa na pumasok ito ng kwarto without her permission.

“Sir, hindi po ba kayo magkasama ni ma'am natulog? Bakit kayo nasa labas ng guestroom?” biglang sulpot ng isang kasambahay na may katandaan na rin.

“Opo, Manang. Aalis na po ako, gusto ko lang sana na magpaalam bago umalis.” mahinahon nitong salita sa matanda.

“May spare key naman diyan, baka tulog pa si ma'am kaya hindi narinig ang pag katok mo. Sandali lang kukunin ko!” hindi na nakapag salita si Diego dahil agad na umalis ang matanda upang kunin ang spare key ng guestroom.

Nanatili lang si Diego na nakatayo sa harap ng pintuan sa guestroom, nagbabakasakali na magbukas ito, ngunit wala pa rin.

“Ito po sir,” agad na ibinigay ng matanda ang spare key. Nagdadalawang isip naman ito dahil baka magalit pa lalo ang asawa.

“No need, Manang. Hihintayin ko na lang po na magising ang asawa ko po,” he politely said. Ngumuso naman ang matanda at mukhang disappointed.

“Go on, Diego. Buksan mo na!” sulpot ni Mellisa sa kanilang likuran, at kakagising lang nito. Katabi lang din kasi ng kwarto nila ang guestroom.

“I-is it okay, mom?B-baka madistrubo ko pa tulog ni Carol,” mahina nitong salita na tama lang na marinig ng dalawa na kasama niya.

“It's okay!” Kinuha ni Mellisa ang susi at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Pagkatapos ay binuksan ito ng kaunti, at saka sinilip kung tulog pa ba Caroline.

“Pasok na!” She said,and Diego has no choice kaya dahan-dahan na niyang tinulak ang pintuan at tuluyan na nga na pumasok.

Nadatnan niya ang asawa na mahimbing pa na natutulog. Dahan-dahan siyang lumapit dito at maingat na umupo sa kama. She has a peaceful face, mukhang walang problema ito. Maamo ang mukha na di makabasag pinggan.

Napangiti naman si Diego habang tinitigan ang asawa.He regretted for hurting her, betraying her, and lying to her. Alam niya sa sarili niya na mahirap na siyang patawarin at pagkatiwalaan ng asawa.Pero hindi niya susukuan ang asawa hanggang sa mapatawad siya nito. Na kahit hindi na maibalik ang dating saya ng kanilang pagsasama.

“I love you, babe? Sorry ha, ang tanga ko kasi eh. Kung sana hindi ako pumatol sa kahit na sino ay hindi ka mawawalan ng tiwala sa akin, at lalong hindi mawawala ang anak natin.” salita nito sa natutulog na asawa.

He held her hands and softly kissed the back of her palm. “If you're ready to talk to me, I will tell you everything. You don't deserve to be hurt, betrayed and cheated on. I am a fool!” saad nito sa sarili na halata naman ang pagpipigil sa gigil na saktan ang sarili.

Huminga ito ng malalim at tahimik na pinunasan ang mga lumuluhang mga mata.

“Kahit hindi na tayo bumalik sa dati, mapatawad mo lang ako, Babe. Pangako ko na magtitino na ako,” saad pa nito.

“Ka-aga-aga ang drama mo!” galit na bugad ni Caroline sa asawa na si Diego. Kanina pa ito gising hindi lang bumangon.

“Babe,kanina ka pa ba gising?” gulat na tanong nito.

“Yes,and I heard you. You promise to tell me the truth, okay?Bukas uuwi ako kaya,” saad niya sa asawa.

Agad naman na luminaw ang mukha ni Diego. “Pangako ko yan, Babe. Sasabihin ko lahat lahat, please, give me another chance. Magpapakatino ako!” anito.

“We will see, now umalis ka na, ayaw na muna kitang makita.” She said. Agad naman na tumayo si Diego at bago pa siya umalis ay nanghingi muna siya ng permission sa asawa na halikan siya nito sa labi.

“Pwede ba na humalik sa labi, bago ako umalis?”

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now