53

18 2 0
                                    

Hindi ko alam kung anong oras na, at kung maaga pa ba o gabi na. Nakatakip ulit ang aking mga mata, at nakagapos pa rin ang aking mga kamay at paa. Hindi ko alam kung may kasama ba ako dito sa loob ng lumang kwarto na ito.At hindi ko rin alam kung nasaan lugar ako dinala ni Stiffany.

Nauuhaw na ako, ngunit hindi ko ramdam ang pagka-gutom. Mas nangingibabaw sa akin ang takot na baka dito na nga ako mawalan ng buhay. Hindi ko pa nakikita ang anak ko. Hindi ko pa nakausap si Dad at maayos ang problema namin. Hindi ko pa nakuha ang hustisya para sa asawa ko.Marami pa akong plano at pangarap na matupad at mangyari. Ngunit paano yun,kung nandito ako sa lugar na hindi ko alam.

"Stiffany?" nahihirapan akong mag,-salita. At masakit pa ang ulo ko.Masikip rin ang dibdib ko,at nahihirapan akong huminga. Nakakasuffocate.

At hindi ko alam kung anong oras na na lumipas, simula ng dalhin ako dito.

She said na aalis na siya, and leave me here alone. Pagkatapos ay bumalik ang isang kasabwat niya at nilagyan ako ng blindfold.

"Please, natatakot ako," humihikbi kong salita. Natahimik ako ng biglang may bumukas ng pintuan.

Is that Stiffany?

"Stiffany? Is that you? Please, I will do everything just let me go, please!" humahagulgol kong salita habang nagmamakaawa.

"Please, gagawin ko ang lahat, tulungan ko kayo na mahanap ang tunay na mag kasalanan. I swear, I really swear na hindi ako ang pumatay sa asawa ko," sigaw ko. Mas lalo akong humahagulgol ng maalala ang nangyari sa akin sa loob ng bilangguan.

Same scenario. I became a punching bag inside that hell, I was violently abused by those criminals. Para akong aso na sunod ng sunod sa kanila, at para lang malinis ang pangalan at record ko ay hinayaan ko silang saktan ako, para hindi hahaba ang sentensya ko sa kulungan.

“So it's true, nandito ka pala,” huminto ako sa kakaiyak ng may mag salita. Pamilyar ang boses nito, pero hindi ko alam kung sino.

“S-sino ka?” natatakot kong salita.

“Do you really need to know, kung sino ako?” he said at parang naglakad papalapit sa akin.

“Please, if you're with Stiffany, please make her stop. Wala akong kasalanan, katulad niyo ay hangad ko rin ang hustisya para sa asawa ko. Hindi ako ang pumatay,” humahagulgol kung sigaw.

Naramdaman ko na may nag-tanggal ng blindfold ko kaya natuwa ako. Pero hindi ko inaasahan ang taong nasa aking harapan ngayon. Kamukha siya ni Diego. Is it??

“Kuya Kieffer?” sambit ko ng maalala ko ang pangalan niya. Pero anong ginagawa niya rito? Kasabwat rin ba siya ni Stiffany?

“Kasabwat ka ba ni Stiffany?” agad kong tanong.

He chuckled.

“She said na may surpresa siya sa akin, So I came here. And yeah, like she said I will be surprised and she really never failed me,” he said while grinning, at dahan-dahan na lumapit sa akin.

Magkalapit ang mga mukha namin, hindi ko alam kung bakit siya ganito sa akin makatitig. Kakaiba at nakakatakot siya. There's something in his eyes na hindi ko mawari kung ano. I can feel his breath on my face.

This disgust me.

“Ano ba lumayo ka nga sa akin?” galit kong salita at nilayo ang ulo ko sa kanya,pero mas lalo niyang inilapit ang mukha sa akin.

I gulped. I can feel my heart beats so fast.

This is so uncomfortable.Kumawala na naman ang luha sa aking mga mata.Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito, natatakot na ako.

Napahiyaw ako sa sakit ng bigla niyang hilahin ang buhok ko,mas lalo akong naiyak. “Your face looks so amazing when you are in pain,” he said like a psychopath. He grin.At pumunta sa likuran ko.

He sniffs my neck like a dog. I wasn’t expecting this kind of behavior. Kieffer Solise,the eldest son of Solise, and a successful businessman is now acting so weird and creepy. “Be my slave, para makabayad ka sa pagpatay mo sa kapatid ko.Isang taon lang,at pagkatapos nun ay malaya ka na ulit,” bulong niya sa akin.

Hindi agad ako nakapag react dahil baka hindi totooa ng sinabi niya, and he is just pranking me. Ayaw kong maging alipin, hahanapin ko pa ang anak ko. HIndi ako pwedeng magpa alipin sa pamilyang ito.

“Deal? Choose,Caroline. Be my slave or you die here?” aniya na puno ng pananakot.

Wala rin naman kwenta ang choices niya eh. Kahit anong piliin ko ay wala pa rin naman akong takas sa kamay nila.

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now