54

48 2 0
                                    

[ THIRD PERSON’S POV ]

Isang linggo na ang makalipas simula ng mawala si Caroline.Kahit pa ilang beses nilang cheneck ang cctv sa condominium kung saan siya pansamantalang nag-e-stay ay wala pa rin silang makuhang impormasyon kung nasaan ito dinala ng lalaking kumidnapped sa kanya.

Hindi na rin sina sa publiko ng pamilya Frowline kung ano ang nangyari kay Caroline.Kahit paman nakulong ito ng walong taon ay hindi naman agad-agad namamatay ang isyu tungkol sa pag-patay nito sa asawa na si Diego Solise.

Caroline Frowline Solise is a famous businesswoman. Knowing at her independency,at husay sa larangan ng negosyo na namana sa kanyang ama.Ngunit simula nung kumalat ang tungkol sa pag-patay kay Diego ay dahan-dahan din namamatay ang negosyo ng pamilya Frowline,dahilan upang isisi ng ama ni Caroline ang kamalasan na nangyari sa pamilya.

Galit ang ama ni Caroline sa kanya dahil sa pag-patay nito sa asawa.

Malaki ang pamilya Solise, mas makapangyarihan ang mga ito kumpara sa pamilya Frowline.Walang laban ang mga Frowline sa mga Solise, pero kahit ganun paman ay hindi naman mahaba ang taon ng pagkakulong ni Caroline dahil wala naang sapat na ebidensya ang pamilya nga siya nga pumatay.

“What if something happened toAte? Sana ay nasa maayos lang siya na kalagayan,” nag-aalala na wika ni Mikey ang bunsong kapatid.

“I hope so,bunso.Hindi ko pa siya nakikita simula nung makalaya siya.Si dad kasi,” ani naman ni Clifford na para bang sinisisi ang ama sa pagkawala ng Ate Caroline nila.

“Sinisisi mo ba ako?Hindi naman tayo tumigil sa paghahanap,diba? Ginawa naman natin makakaya natin.Kung alam ko lang na may mangyayari na ganun sa ate niyo,edi hindi ko na pinalayas pa,” malungkot na wika ni Mr.Frowline, na para bang sinalo na niya lahat ng sisi.

“Hindi ka naman namin sinisisi dad, it just that kakalaya lang ni Ate pero pinaalis mo na agad.Hindi ka man lang naawa, nawala na siya pamangkin namin, tapos ganun pa nangyari sa kanya.And you even harsh words to her,” ani Clifford.

“Yes,true.” pagsang-ayon naman ni Mikey sa kuya Clifford niya.

“Hays, basta wag din kayo hihinto ah, baka may mga kakilala kayo na kilala ate niyo,ask them for help too,” desperado na wika ng ama nila.

“What if post na lang natin sa social media,” suhestiyon ni MIke.Umiling naman agad si Clifford.

“We can’t.Alam naman natin sa social media, bashing is everywhere,” agad naman na salita ni Clifford.

“We have no choice,Kuya. Ate needs us,” malungkot na wika ni MIkey.

Katulad nila ay labis din itong nag-alala sa ate niya. Nasa wastong edad na rin naman ang mga ito kaya marami na silang alam sa mga bagay.

“Masisira din tayo sa work niyan,Mik.” pabulong nitong wika.

Nagtatrabaho na kasi ang dalawa.May sarili na ang mga itong branch, kahit aliit,mabenta naman dahil sa quality ng kanilang produkto. They even hide their identity to the public.

Wala nang nagawa si Mikey,kundi ang manahimik na lang.

“Agahan niyo pag-gising bukas,aalis tayo habang hindi pa lumalabas ang araw.” tumango naman ang dalawa.

Aalis na muna ang pamilya sa subdivision na pagaari nila at titira na muna pansamantala sa isang isla.Kung saan dun ay tahimik at malayo sa gulo.Nag-leave din ang dalawa sa work nila,at ipag-patuloy na lang kapag nakabalik na sila sa syudad.

Ang Isla na iyun ay pag-aari ng isang mayaman na binata na nasa abroad.Hindi naman ito kilala ng pamilya pero pinapayagan naman sila na tumira sa lugar na iyun kahit malayo sa syudad.

Kahit isla ang lugar na iyon ay malaki naman at maraming magagandang tanawin na hindi mo lubos maisip na para bang nasa paraiso ka.

Ang ISLA WOODSMAN.

…..

// CAROLINE //

NAGISING NA LANG AKO dahil sa malamig na tubig na binuhos sa katawan ko.Napasinghap pa ako dahil sa gulat.

“Good morning,Darling!”

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum