43

33 2 0
                                    


PARA akong na bingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko sa sinabi ni Dad. Nagsisimula na naman manginig ang buo kong katawan, natatakot. Parang tinakasan ako ng dugo ko sa narinig. Walang emosyon ang mukha ni dad, or tinago niya lang ang totoo niyang expression dahil galit siya sa akin.

“No! You're lying dad.Hindi ba Ikaw ang kumuha s kanya sa hospital nung nanganak ako?” Umiiyak kong salita. Walang kibo si dad at hindi man lang ako tiningnan.

"Please, tell me the truth.Galit sa bata man lang dad, wag niyo na ipagkait sa akin.Gusto ko siyang makita, mahawakan at mayakap. Please, dad tell me!” Sumisigaw kong salita habang patuloy sa pag-iyak.

Dad is just scheming para parusahan ko ng ganito. Galit si dad sa akin that's why he lied.

"Matagal na siyang wala! He didn't survive! Naintindihan mo ba ako?” sigaw ni Dad at marahas na hinawakan ang dalawa kong balikat at niyuyugyug na para bang isa akong bagay.

"Hindi ako naniniwala sayo dad.You are just lying. Galit ka sa akin eh kaya gusto mo akong pahirapan at saktan.”humahagulgol kong salita.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko kaya kung mawawala sa akin ang anak ko. Siya na lang ang tanging naiwan sa akin ni Diego. Siya na lang ang kakampi ko. Siya na lang ang pag-asa ko para bumangon muli.

“Anong nangyayari dito?" Boses ni Tita yun. Agad akong tumayo at nilapitan si Tita.

“O my god. Who is this? Bakit niyo ito pinapapasok dito sa loob?" Biglang sigaw ni Tita.

“Don't you dare come with me! You're filthy. Ang baho mo, lumabas ka na nga!" Sigaw pa rin ni Tita Mell.

Nasasaktan ako sa reaksyon ni Tita.

Tumayo ako ng maayos at tiningnan si dad. Galit sila sa akin at pinandidirihan nila ako. They only see me as a criminal. Wala nga ba talaga ang anak ko?

“I will go ahead, dad!" wika ko at nilagpasan na siya.

I have no hope. I have no home. I have no money. I have nothing.

Lumabas ako ng gate, hindi ko pa rin mapigilan ang luha ko. Hindi mawala sa aking isipan na wala na ang anak ko. Magkasama na kaya sila ng daddy niya? Silang tatlo!

“Diego kung nasaan ka man, send my regards sa mga anak ko ha. Mahal na mahal ko kayo!” bulong ko sa kawalan.

Nakalabas na ako sa village. At nilakad ang kalayuan nito, madilim na rin at uulan na talaga dahil sa malalakas na kidlat. Pero bahala na, maulanan o maarawan man wala pa rin naman magbabago. Wala na ang mga taong mahal ko.

Tinakwil na rin ako ni Dad dahil ayaw niyang may criminal na tumira sa bahay niya. Ang laki ng pinag bago ni Dad. Hindi ko na siya makilala. Hindi niya ako pinaniniwalaaln, hindi rin niya ako pinag laban. Walang kaibigan o pamilya, relatives na bumisita sa akin noon sa kulungan. Hanggang sa nasanay na ako na wala na silang pakialam sa akin dahil sa tingin nila ko ay isang criminal.

*pep pep*

Huminto ako sa gilid ng daan ng may bumusina sa likuran ko. Hindi na ako lumingon at patuloy na naglakad.

"Ate!" napako ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang boses na iyun.

Mabilis akong lumingon at nakita si Atacia. Tumakbo siyang lumapit sa akin at hindi nag dalawang isip na yakapin ako. "Na miss kita, ate." umiiyak niyang salita.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at bumuhos ang mga luha.Mahigpit ko rin siyang niyakap.

"Salamat, Atacia. Sorry ha, hindi ko na nagawang magpakita kanina." Umiiyak kong salita.

"No, ate..Okay lang po, I understand." she said. "I know na hindi ka pa kumakain, may dala akong foods sa kotse. Halika kain ka muna, at mag bihis." Hinila niya ako papasok ng kotse at sakto naman ang pag buhos ng malakas na ulan.

"Timing!" Nakangiting saad ni Atacia.

"Thank you, pero baka magalit si Dad. Hindi ka na sana nag abala pa." Nahihiya kong wika. Ngumiti lang siya sa akin.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na umiyak, akala ko kasi wala nang may pakialam sa akin. Akala ko tuluyan na akong iniwan ng lahat.

"I can't just ignore you na gina-ganun ni Dad. Ate pa rin kita, magalit siya kung gusto niya." Ma-attitude na salita ni Atacia at pina-ikot pa ang mga mata.

Maldita talaga, pero sobra akong natutuwa sa laki ng pinag bago niya. Masaya ako na naging mabait na siya sa akin. Well, she visited me sa kulungan even before. Kahit pinag bawalan siya ni Dad ay binisita niya pa rin ako.

"Here, Ate. Kain ka na muna, mamaya na tayo mag-usap." Agad niyang binigay ang pagkain na dala niya.

Bigla naman akong nagutom, naalala ko wala nga pala akong kain, simula pa kahapon ng gabi. Hindi na ako nag-karoon ng chance, dahil pinag kaisahan na naman ako ng mga kasamahan ko sa loob. Mabuti na lang at nakalaya na ako.

Ayaw ko ng bumalik o pumasok sa imperno na yun. Hindi ko man nakuha ang hustisya para sa asawa ko, alam kong makukuha ko yun ngayon na nakalaya na ako.

"Dahan-dahan ka lang ate, sayo lahat yan. Ito, tubig." Pinag buksan niya ako ng isang bottle ng tubig.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi lumuha. Grabi ang naranasan ko sa loob ng walong taon. Nakakatakot at nakakatruama sa loob.

"Ate, is there something wrong? May masakit po ba sa iyo?" Nag-aalala na tanong niya.

"Hindi. Masaya lang ako. Masaya ako na nakalaya na ako, ngunit nasasaktan rin dahil hindi ko magawa na makuha ang hustisya para sa asawa ko. At wala na rin ang anak ko." Humahagulgol n ako ng iyak ng maalala na naman ang nangyari sa asawa ko.

Parang bangungot ang lahat ng nangyari. Gabi-gabi kong napapanagipan ang asawa ko. Hindi siya galit sa panaginip ko, pero parang hindi niya rin ako kayang lubayan dahil walang gabi na hindi ko siya napapanaginipan.

"Ate, makakamit rin natin ang hustisya. Naniniwala ko sayo na hindi mo kayang pumatay ng tao. Mahal mo si Kuya Diego kaya alam kong hindi mo magagawa ang bagay na iyun."

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now