32

34 2 0
                                    

FINALLY ay makakauwi na rin ako, hindi ko na kaya pa na mag-stay pa rito ng ilang araw. Para akong mababaliw. Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay tinawagan ko si Dad. Hindi nila alam na lalabas na ako ngayon. Gusto ko sana e surprised sila pero wag na lang, tawagan ko na lang si dad to fetch me up.

“Mrs. Solise,” tawag sa akin ng doctor ko pagpasok niya sa room ko.

“Doc, is there something wrong?” Kinabahan kong salita, baka hindi pa ako palabasin nito.

“Just to remind you, hindi ka pa fully healed. You have to rest. You have to take care of yourself, physically, emotionally, mentally.” My doctor said, I nodded.

“Thank you, doc.I’ll try to do better, I will help myself to be more productive, and sociable, however my heart can't be fixed again. It's already broken. I don't know if there's still a chance, doc, but I am not hoping for it. I just want to have a peaceful life, and enjoy everything.” I said. Doctor held my hands.

“You have a brave soul.Malalampasan mo rin ang lahat, Caroline. Always remember that you and your family were here for you.You haven't told your dad about Diego?” Ayaw ko ng dagdagan pa ang iniisip ni Dad. I told my doctor about what happened to me, he tried to refer me to his best friend who's a psychiatrist. But, I refused.

“I will fight my own battle, Doc. Thank you for your hard work,” I said. My doctor smiled and tapped my shoulder. Tinulungan niya akong dalhin ang ibang gamit ko sa parking lot.

“Mr.Frowline will fetch you?” tanong nito sa akin.

“Yes, doc. I called him earlier. He hasn't picked up but I am sure he knows. I texted him, too.” I answered. He nodded.

“That's good. I better go back inside, I have scheduled pa eh,” He said. Tumango naman ako kaya agad na siyang umalis.

He is a nice doctor.

I waited for fifteen minutes and still, wala pa si dad. Ayaw ko rin na tawagan si Diego dahil masama pa loob ko sa kanya. I want to have peace of mind, muna. Kapag handa na ako na haraoin siya ay kakausapin ko siya ukol sa litrato na senend sa akin, at kung sino ang babae niya.

“B-babe?” Lumingon ako sa tumawag si akin, agad na kumulo ang dugo ko ng makita siya.

“What are you doing here?” galit kong tanong sa kanya.

“Sorry,but the doctor called me earlier to fetch you,” he said at hinihingal pa ‘to. Inirapan ko siya at tinalikuran.

“Where's your car?”

Agad niyang itinuro sa akin kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Siya na rin ang nagbitbit ng mga gamit ko. Nakakainis talaga ang presensya niya. Pinag-buksan niya ako sa front seat, pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

“I want to seat in the back,” pagalit kong salita. Agad naman na sumunod si Diego at pinag-buksan ako sa likuran bahagi ng sasakyan.

“Handa ka na ba?” tanong niya. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan, nagtataka.

“What?” pabagsak kong salita.

“Put on your seatbelt, first,Babe.” He said. Padabog naman akong sumunod sa kanya at nag crossed arms agad. Nag thumbs up siya sa akin, at pinaandar na ang sasakyan.

Habang nasa biyahe kami ay nadatnan nami ang isang fast food. Agad akong nakaramdam ng gutom.

“Stop! Bilhan mo ako ng pagkain,” utos ko sa kanya.

Hindi na nagsalita pa si Diego at pinarada agad ang sasakyan sa labas ng fast food.Naiinip naman akong naghihintay sa kanya kaya binuksan ko na lang ang phone ko. Habang tahimik lang ako sa pag scroll sa feed ko ay may biglang sumulpot na dalawang lalaki sa labas ng sasakyan.

Kinakatok nila ang bintana sa gawin ko, bigla naman akong kinabahan dahi maging agresibo na sila at parang may sinasabi na hindi ko marinig dahil naka sounds proof naman itong sasakyan ni Diego.

Nakita ko si Diego na patakbo na nilapitan ang sasakyan at tinaboy ang mga lalaki. Binuksan niya ang pinto.

“Okay ka lang, Babe?” natataranta na tanong niya. Halata sa boses niya ang nginig.

“I am fine,” I said. And get the food he brought.

Bumiyahe na ulit kami pauwi ng bahay ni Dad, habang kinakain ang binili niyang pagkain kanina.

“Babe, hindi ka pa ba uuwi sa bahay natin? Miss na miss na kita,” bigla akong nakaramdam ng kirot. Alam kong nagtaksil siya sa akin pero nasasaktan pa rin ako.

Miss ko na rin naman siya, but I can't. Hindi ko pa kaya sa ngayon ang harapin siya.

“Hayaan mo muna ako, kapag handa na akong kausapin ka sana ay maging totoo ka sa akin, at aminin sa akin kung sino ang babae mo,” matapang kong salita. Nakita ko naman ang paglaki ng kanyang mga mata.

“Pero matagal na kaming wala. I have no one now. Promise! Ikaw lang ang mahal ko, babe.” He said. Hirap talaga magtiwala uli.

“Panindigan mo yan, Diego.”

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now