46

23 1 0
                                    


SANA nga talaga ay ibigay ni Papa God sa mga kapatid ko ang masayang buhay kasama ang mga mahal nila sa buhay. Na hindi sila magaya sa akin na niloko. But, things happened in the past. Na sana mahanap nila ang tunay na kaligayahan, at maranasan nila ang tunay na pag-mamahal mula sa taong bibigyan nila ng kanilang buong puso at pag-mamahal.

Diego was still the man na nakaukit sa puso ko. Hindi ko rin alam kung handa na ba akong pumasok sa pag-ibig na yan. Pakiramdam ko kasi mas prioridad ko ngayon ang mahanap ang anak ko. At kung may ibigay man si Lord sa akin, sana ay yung taong iparamdam sayo ang kahulugan ng pag-mamahal. Yung klase ng tao na takot na mawala ka sa buhay nila. But, who knows God moves in a mysterious ways.

Gusto kong makita si Raven. Kung ano ang itsura niya, nag mana ba siya sa daddy niya. Malaki na ba siya? Ang dami kong katanungan na wala namang kasagutan.

Pero sana,.. sana talaga ay magkita pa kami ng anak ko. I believe that he is alive and well.

Hahanapin ko ang pamilya Solise, and I will make sure they will pay for what they did.

"Ate, Freddy was in the parking lot na. I have to go na,Ate ha. Mag ingat ka lagi, Ate. And call me anytime," Atacia said at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Dahil sa hindi ako mapakali kaya sinundan ko na lang siya.Naabutan ko pa naman siya kaya ako na nagdala sa maleta niya. Pagdating namin sa parking lot ay sumalubong naman sa amin ang isang matangkad na lalaki.

Gwapo ito at Moreno.Hindi ko alam na ganito pala ang klase ng tao ang tipo ng kapatid ko. Honestly, he is the type of guy na mapapalingon ka talaga.

He is Moreno pero napaka-gwapo naman.

"Hon!" tawag ni Atacia.

"Hon, sorry na late ako." The guy said.

"Honey, this is Ate Caroline, and Ate this is Fred my husband." Pagpapakilala ni Atacia sa akin at sa husband niya.

I smiled. Agad ko naman inilahad ang kamay ko for a shake hands."Frederich, Ate Caroline. You still haven't changed,Ate Carol. Still pretty po,” He politely said.

"Oh, kilala mo ako?Maka PO naman," natatawa kong salita. “Thank you, Fred. Pero sorry ah, have we met before?" I ask.

“Hindi na po. I didn't have a chance, masyado kasing ma SIKRETO ang babae na ‘to.” Frederich said, and looked at Atacia. At agad naman siyang inirapan ng asawa.

"At least, magkakilala na tayo.It was nice meeting you, Fred. Please, alagaan mo kapatid ko ha. And the baby,” I said.

Bigla naman akong pinanlakihan ni Atacia ng mata. “B-baby?" Gulat na sambit ni Fred.

Agad naman akong napatakip sa bibig ko. She isn't telling him. “Honey?" Sambit ni Freddy at tiningnan si Atacia.

“Uhm.. surprised!" Nag-aalangan na saad ni Atacia."S-sorry, I didn't t–"

“For real? Buntis ka talaga?" Nagulat naman ang kapatid ko sa reaction nito.

“Hindi ka galit?" Nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko. Bakit magagalit, mag-asawa naman sila.

“No! Hindi, anak ko yan eh.Please, don't ever think na hindi ko gusto magka-anak. Masaya ako, hon." Nagagalak na wika ni Fred at niyakap si Atacia.

"Thank you, hon." nakangiting wika naman ni Atacia. I could see how happy and sincere she's. Hindi ko pa siya nakitang masaya even before, hindi ko alam na may ganitong side pala siya.

Mahilig rin palang magpalambing. Nakakatuwa na may sarili na palang pamilya si Atacia. Ang tagal ko pala talaga sa kulungan hindi ko na alam ang mga nangyayari sa labas.

"Sige, Ate Carol. Kailangan na po namin umalis, bukas maaga kami aalis." saad ni Freddy.

"Ingat kayo sa byahe ha. Ingatan mo mag-ina mo," ani ko. Tumango naman siya at niyakap ako Atacia bago umalis.

Tumalikod na ako upang bumalik sa kwarto ko at mag pahinga.Gusto ko ng matulog dahil nakakapagod ang araw na ito.Pero paano naman ako makakatulog kung ang dami ko ng iniisip.

Sa tuwing iniisip ko anak ko kung nasaan siya, naiiyak na naman ako. Saan ko kaya siya unang hanapin?

Magbabayad talaga ang Stiffany na yan. Lahat sila magbabayad.Hindi ako titigil hanggang sa makuha ko ang anak ko sa kamay ng pamilya Solise na yan.

Handa akong kalabanin ang lahat makuha ko ang anak ko at ang hustisya para sa asawa ko. Ako ang hahanap sa kung sini man ang may kasalanan. Malalaman ko rin kung sino ang may gawa nun sa asawa ko.

Makakarma rin ang pumatay sa asawa ko. Kung malaya ang taong pumatay sa asawa ko sa ngayon , darating din ang araw at sisiguruduhin ko na habang buhay silang mabulok sa kulungan.

Walang sino man ang makakatakas sa batas.

"Mrs. Solise?" agad akong napalingon sa taong tumawag sa last name ko.

Nasa loob na pala ako ng elevator. Mag-isa lang ako kanina, sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na may pumasok na rin pala sa loob ng elevator.

Pero sino ang taong ito? Bakit niya ako tinawag?

"Sino ka?" agad kong tanong. Natatakot ako pero ayaw kung ipahalata iyun sa lalaking nasa likuran ko.

"Sinusundan ka!" tugon naman nito.

Bigla akong nangilabot ng maramdaman ang hininga nito sa parte ng liig ko. Mabuti na lang at may pumasok na isa pang lalaki.

Agad akong umusod papalapit sa lalaki, at dahil sa pagmamadali ko ay nasagi ko pa ang braso niya. Dahilan upang tingnan niya ako.

Agad na nag salubong ang mga namin. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba, hindi ko alam pero malakas ang kabog ng aking dibdib.

He seems familiar. His eyes.

Naka mask rin kasi ito kaya hindi ko kita ang buong mukha.

"Do you need anything?" parang nangilabot ang buo kong katawan ng marinig ang boses ng lalaki.

Malamig kasi ang boses nito at nakaka intimadate talaga, pero familiar talaga siya sa akin. Parang nakita ko na siya.

"N-nothing! Sorry!" kinakabahan kong salita at yumuko na.

Naramdaman ko ang biglang pag sandal nito sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya dahil ang position niya ngayon ay sa akin na nakatingin, habang naka-sandal sa gilid ko.

Ang awkward! Hindi ko na nagawa pa na lingunin ang lalaki kanina. Pumikit na lang ako upang ikalma ang sarili.

"Do you know him?"

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now