20

63 4 3
                                    

///

Morning sickness is like hell. Suka dito, suka doon. Lahat na lang sinusuka, lahat na lang ay mabaho ang amoy, walang tinatanggap na pagkain ang tiyan ko simula pa last week. Nag ca-crave ng ganun, ganyan pag nandyan na ay ayaw naman kainin kasi hindi ko gusto. Ang hirap pala mag buntis, bilib na bilib talaga ako sa mga kagaya ko. Malalagpasan ko din to.


Lumabas na lang muna ako sa bahay, hindi pa naman ako nakalabas talaga ng gate. Kung lalabas man ako ay dito lang sa bakuran, patingin-tingin sa paligid. Nakakamangha din kasi ang sightseeing dito eh, nakakamangha ang nakakalula ang ganda. Grabi ang kalikasan magbigay ng tunay at natural na yaman, kung hindi lang sinira ng mga tao. Lalo na ang pag putol sa mga puno. 

Lumanghap muna ako ng hangin bago ko naisipan na lumabas ng gate. Sabi naman ni Diego na wag akong lumabas kasi hindi ko pa kilala mga tao dito. Pero gusto ko makita ang labas eh. Sabi niya din may mga mini market daw dito lugar kung saan kami tumira ni Diego. Medyo malayo nga lang sa City. It took one or two hours bago ka makarating sa City mula dito sa bundok kaya minsan si Diego ay hindi na nakakauwi dahil din siguro sa pagud. Pero kinabukasan umuwi naman siya, minsan din kapag masyado ng malalim ang gabi, or hindi kaya sobrang busy niya ayaw na niyang umuwi dahil sa pagod. 


Habang binabagtas ko ang daan, patingin tingin sa mga stall. Actually sobrang tahimik, sarap ng ambiance dito sa new place namin ng asawa ko. Malayo ka sa pollution mula sa Cities. Dito sobrang presko ng hangin, tapos hindi pa makalat ang daan kahit may mga stalls at small business ang nakatayo sa gilid gilid. I love how they care about their surroundings.


“Ma’am,baka want you subukan itong mga tinda ko po,” bungad sa akin ni Nanay na nagtitinda ng kakanin, Mani, at prutas. 


Bigla naman akong natakam. “Nay,pwede po subukan ko muna, baka kasi ayaw tanggapin ng tiyan ko eh,” salita ko kay Nanay.



“Nako, walang problema yan anak, ito oh..” agad niya akong binigyan ng kaunting, hindi ko alam kung ano tawag sa mga binebenta ni Nanay. Mukhang masarap naman.


Para siyang kanina na may nilagay na kulay. Ewan ko ano tawag dito. Kumuha ako ng kaunti at sinubo. Nagulat ako sa lasa niya, matamis na hindi naman gaano, pero masarap siya. Sinubo ko na ang huling laman ng plato, at hindi ako naduduwal. 


“Nay,pahingi pa po ako, please!” request ko pa kay Nanay. I couldn't move on sa lasa. “Ano po ba tawag dito, Nay. Masarap po,” 


“Biko yan, nak. Ngayon ka lang ba nakatikim niyan?” tanong ni Nanay. 


“Opo eh,” sagot ko naman. 


“O’sya,kain ka lang d'yan. Dito, upo ka muna dito at nang makakain ka ng maayos,” saad ni Nanay. Umupo naman ako agad, at dahan-dahan na nilantakan ang biko. Ang sarap sa pakiramdam.


Simula nung nalaman namin na nagdadalang tao ako ay agad naisipan ni Diego na lumipat uli kami. Para daw iwas pollution.Sobrang tuwa rin ng pamilya ko, Tita Andrea congratulate me. Atacia, Mikey, at Cliff my only family are happy to the good news. Ramdam ko din nu ang sincerity nila. It was a relief na okay na kayo ng taong minsan ng kumital sa buhay. I know it sounds hilarious, pero I want us to give chance nakita ko din naman kay Tita, Atacia, na magbabago talaga sila. 


“Anak,ito subukan mo yan masarap yan,” may binigay si Nanay sa akin na isang tasa ng kape, or ano ito. Tinanggap ko naman agad. 


“Ano to nay?” tanong ko.


“Hot Chocolate lang,nak,pang tulak sa biko mo,” nakangiting sagat ni Nanay.


“Thank you, Nay,” nakangiting wika ko.


“O’sya nga pala, ngayon lang ata kita nakita dito sa lugar namin. Saan ka pala nakatira?” tanong ni Nanay habang patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.


“Yung pinaka-unang bahay po nay, yung may malaking gate po,” sagot ko naman agad sa kanya.


“Kayo yung bagong lipat? Ikaw ba yung asawa ni Mr.Solise?” gulat na wika ni Nanay. “Akala ko iba na may-ari ng bahay ni Mr.Solise.”


“Kilala n’yo po asawa ko?” 


“Ay!Oo, naman nak. Sobrang bait ng batang yan,” 


“Matagal na po ba kayo dito nakatira? Matagal n’yo rin kilala si Diego?” tumango si Nanay.


“Limang taon ng nakatayo ang bahay niya, yan lang din ang may pinaka malaking bahay dito sa buong lugar,” 


“Talaga po, malaki po ba ang lugar na ito?” parang curious ako na mas may malaman pa tungkol kay Diego.


“Hindi naman gaano, pero inaakyatan din ng mga turista ang kabundukan na ‘to. Marami kasing magagandang tanawin dito. Minsan pasyal kayo ng asawa mo, para mas maaliw ka rin, at ma enjoy mo dito,” magandang suhestiyon yan Nanay ah. Sabihan ko si Diego mamaya. 


“Sabihin ko yan kay Diego,”  


“Mukhang sarap na sarap talaga diyan sa kinain mo ah,” napansin ata ni Nanay naka tatlo na kasi.


“Now lang nakakain ng maayos, Nay. Lahat kasi ng kinain ko nasusuka ko po eh,” salita ko kahit may laman pa ang bibig.


“Naglilihi ka? Buntis ka?” parang na-excite pa si Nanay. 


“Hindi ko nga alam kung ano kakain po eh, lahat kasi sinusuka ko lang, buti at lumabas ako at nakita ko ang stall dito. Tas tinawag mo pa,” 


“Dahan-dahan ka pa rin sa pag kain niyan, medyo mabigat yan sa tiyan,” paalala ni Nanay.


“Opo,Nay. Pwede po ba pabalot ng limang piraso? Para may kainin din ako mamaya kung sakaling ayaw tanggapin uli ng tiyan ko ang pag-kain na ihain mamaya,” saad ko kay nanay at hinanda na ang aking bayad.


“Pati po prutas nay sali niyo na rin po,” natakam ako sa malalaking apple. Sana matamis at juicy! 


“Sige,nak!” agad naman na kumuha si Nanay ng mga lalagyan. Sinabi ko na rin sa kanya lahat ng bibilhin ko.

“Salamat po, nay!” saad ko bago umalis.


“Sigurado ka ba na hindi na kita tulungan diyan sa dala mo?” nag-aalala na tanong ni nanay. Kaya ko naman.


“Nako nay, wag na po. Malapit lang naman po eh. Sige po, nay. Salamat po!” 


Umalis na din ako agad dahil makulimlim na din. Habang binabagtas ko ang daan pauwi ay may parang familiar na tao sa hindi kalayuan na patakbong na lumapit sa akin. 


“Where have you been?”

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now