Kabanata 9

1M 21K 5.8K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 9 

Maaga akong nagising dahil may pasok ako. Tinignan ko si Parker na mahimbing na natutulog sa tabi ko. He looked so peaceful... Sana ganito na lang kami palagi. Sana para na lang kaming walang problema, walang sikreto. Life would have been perfect that way.

Tatayo na sana ako para umalis nung hawakan niya iyong kamay ko. He groaned and then slowly opened his eyes.

"May pasok ako."

But he didn't let go of my hand.

"Let's ditch today," sabi niya gamit 'yung paos niyang boses.

At first, I found the idea absurd. Hindi ako mahilig umabsent dahil ayoko ng nahuhuli ako sa kung anuman ang pinag-aaralan sa school. At isa pa, nahihiya ako kay Papa na pinapadalhan ako ng pera tapos hindi ko naman seseryosohin iyong pag-aaral ko...

But the idea of not caring about anything and just spending the whole day with Parker was so enticing...

So I just found myself saying, "Okay."

Pagkatapos kong sabihin iyon, hinatak ako pabalik ni Parker sa kama. I thought we're going to have sex like we usually do pero simula kagabi, wala siyang ginawa kung hindi ang yakapin ako. Nakakapanibago pero aaminin ko, masaya sa pakiramdam. Ibig sabihin hindi lang katawan ko 'yung habol niya sa akin. Ibig sabihin mahal niya talaga ako.

I hugged him back and then fell asleep once more.

A few hours later, parang may hinahanap ako. My arms were looking for Parker's body but I found none. Unti-unti kong idinilat ang mata ko. Nandito pa rin nga pala ako sa condo ni Parker. Hindi nga pala ako pumasok sa school para makasama siya. I smiled to myself. Today's going to be a good day.

Lumabas ako sa kwarto niya at saka naabutan siya na nagluluto. He was wearing his white shirt and boxers. Kahit nakatalikod, ang gwapo niya pa ring tignan. Ang ganda rin ng katawan niya dahil araw-araw siyang nagtetraining. Most of the time, I hated soccer kasi palagi na lang doon nauubos 'yung oras ni Parker. Araw-araw kailangan ko pang maghintay hanggang 9pm bago ko siya makasama dahil sa practice niya. But whenever I would see him playing, nawawala iyong inis na nararamdaman ko. I learned to love the things that he loves.

Tahimik lang ako na nakatingin sa kanya nung finally, mapansin niya na ang presensya ko.

"Oh, shit!" sabi niya nung tumalsik sa kanya 'yung mantika. Ilang mura pa 'yung nasabi niya at wala akong nagawa kung hindi ang tumawa. "Fúcking eggs!"

Napailing na lang ako at saka lumapit sa kanya. "Ako na nga diyan," I said, kinuha ko sa kamay niya iyong sandok.

"No, babe. I'll be your slave for today. Malapit na ako rito," he said. I smiled at his effort. Ganito naman talaga si Parker. Tuwing pagkatapos naming mag-away, parang prinsesa ang turing niya sa akin. Kaya naman kahit gaano ako nahihirapan sa sitwasyon namin, hindi ko pa rin kayang umalis. He's making everything worth it. He's making every suffering worth it.

"Ako na, promise. Isa pa, puro talsik na 'yang mukha mo. Baka magkasugat ka na niyan," I worriedly said. Namumula na kasi 'yung ibang side ng pisngi niya dahil siguro kanina pa siya natatalsikan ng mantika.

He sighed. "Fine."

Akala ko papanoorin niya lang ako habang tinatapos kong lutuin 'yung itlog. May nakalagay din na bacon sa gilid at saka bagong luto na rice na sa tingin ko ay iffried rice niya pa. Mayroon ding coffee sa coffee maker. Ang dami namang gustong iluto nito e hindi naman siya marunong.

"Excuse me," he said tapos mayroon siyang kinuha sa may lalagyan sa itaas. Kumuha pala siya ng plato. "Thank you," he said at saka hinalikan ako sa pisngi bago siya naglakad pabalik sa lamesa at inayos doon 'yung mga plato at kubyertos.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon