Kabanata 48

698K 15.3K 8K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 48 

Hindi ako nailang kay Tobi kahit na sinabi niya na posibleng magkagusto siya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong reaksyon... Siguro kasi hindi ko naman siya gusto. And frankly, I can't see myself liking him.

Para bang hanggang friends lang kami.

May mga lalaki kasi na nagugustuhan, mayroon ding alam mo na hanggang kaibigan lang. Kagaya ni Parker... unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko na na hindi kami pwedeng maging magkaibigan. But he wasn't talking to anyone so I lost hope. Kaya naman nung kinausap niya ako, I felt that was the start of something.

Pero pagdating kay Shiloah, hindi ko talaga alam. It's always weird when it's with him. We can't be platonic. We've tried and it sucks.

"Umayos ka nga," I told him.

"Bakit? Masamang magkagusto sa 'yo?" he asked.

"Bakit sa akin? Ang daming babae dyan."

He crossed his legs and put his hands under his chin.

"Bakit hindi ikaw?"

I arched my brow. "Because."

"Because what?"

"I'm complicated."

"I can do complicated."

Halos mapasabunot ako sa buhok ko. Bakit ba ako ang pinagtitripan nito? Wala na namang magawa sa buhay!

"Tigilan mo nga ako. Maghanap ka ng ibang guguluhin," I told him off. Masakit na nga iyong ulo ko kay Shiloah, ito naman si Tobi at balak pasakitin din ang ulo ko. I really can't take a break with these guys. Palaging may gulo.

He looked amused.

"Ano?" I asked, partly irritated dahil tinititigan niya talaga ako. Ang uncomfortable kasi na may nakatitig sa 'yo. Ayoko naman makipagtitigan sa kanya dahil baka isipin niya na may gusto ako sa kanya. Mukhang feelingero pa naman si Tobi.

"I can now see it."

"Alin?"

He crossed his arms.

"Why all of the guys like you," he said while still looking at me. That's it. Naiilang na talaga ako. Tumayo ako at saka kinuha iyong gamit ko.

"Ewan ko sa 'yo," I said and left him there.

Naglakad ako ng mabilis dahil baka maabutan ako nung bwisit na 'yun. Wala na siyang ibang ginawa sa buhay kung hindi sungitan o bwisitin ako. Mas okay pa sa akin na hindi niya ako pinapansin o kaya binabara niya lahat ng sinasabi ko kaysa ito na parang nilalandi niya ako.

God, it was so awkward! Parang gusto ko siyang saksakin nung chopstick sa harap ko.

"Hey!" sabi niya. Nasa likod ko siya at naglalakad palapit sa akin.

"Tigil-tigilan mo ako, ha. Naiinis na ako."

Bigla naman siyang tumawa ng malakas. Kahit iyong mga nakakasalubong namin ay napapatingin sa amin dahil sa lakas ng tawa ng kasama ko. He was clutching his stomach. Kulang na lang e magpagulong-gulong siya sa kalsada. Ano ba ang nakakatawa?!

"Hahampasin na kita!" I warned him. Ako ba ang pinagtatawanan niya?! "Ano bang nakakatawa?!"

I almost stomped on the ground like a kid because of him. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nakakainis!

After a few seconds, he finally recovered from his fits of laughter. Ngayon ko lang siya nakita na tumawa. Ni hindi ko pa nga siya nakikita na ngumiti, e! Nakakainsulto ang tawa niya.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon