Kabanata 41

702K 17.1K 15K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 41 

Nakatingin sa amin lahat ng mga babae na kanina ay nagpapakuha ng litrato kasama si Shiloah. Mas nakatingin sila sa akin—'yung babae na kumuha sa lalaking pinagkakaguluhan nila.

Hindi nagsalita si Shiloah. Nakasunod lang siya sa akin.

Nung nasa labas na kami, hindi ko alam ang gagawin. Ano ba 'yan, Imo. Minsan talaga hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Palagi na lang ganito.

"Uh..." I trailed off. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit inaya ko siya na umalis sa loob. Dahil ba 'to kay Candy? Dahil naiinis ako na niloloko niya si Shiloah? Bakit hindi ko na lang sabihin? "Nasan 'yung gamit mo?" I asked instead nung mapansin ko na wala siyang dala.

Recognition crossed his face.

"Naiwan ko sa loob," sabi niya.

"Baka mawala 'yun!" sagot ko.

"Babalikan ko?" tanong niya sa akin na kinakunot ng noo ko. Hindi ba automatic na kapag naiwan mo ang gamit mo ay dapat mong balikan? "O-okay." Naglakad siya pabalik sa loob pero huminto siya matapos ang ilang hakbang. Tumalikod siya at tinignan ako. "Hindi ka sasama?"

I shook my head. Pero hindi pa rin siya gumalaw.

"Bakit?" I asked.

"Hindi ka aalis?"

"Hindi."

"Okay," sabi niya. "Hintayin mo ako rito, ha?"

"Dito lang ako," sagot ko sa kanya pero mukha hindi pa rin siya kumbinsido. "Bakit ba ayaw mong maniwala?"

Nakatingin siya sa akin. Hinintay ko 'yung sagot niya.

"Ilang beses mo na kasing sinabi na hihintayin mo ako pero sa bandang huli, iniwan mo pa rin ako."

Hindi ko inaasahan 'yung magiging sagot niya. Naka-ilang lunok ako bago ko nahanap iyong boses ko para sagutin siya.

"Wala na naman siya," I croaked. "Wala ng dahilan para iwan kita."

And then I felt the harsh brush of wind against my skin. Na para bang nagpaparamdam siya na 'wag ko siyang ipagpalit kahit na wala na siya. Na wala akong karapatan na maghanap ng iba kahit na mag-isa na lang ako.

Na dapat habang buhay kong pagsisihan iyong pagkawala niya.

Dahil sa sagot ko, nagawa na ni Shiloah na pumasok sa loob. Ako? Nakatayo lang ako sa labas habang pinag-iisipan ang mga dapat kong gawin sa buhay ko. Ilang linggo na lang at matatapos na ang klase pero wala pa akong plano.

Ni wala pa akong lugar kung saan ko gagawin 'yung practicum ko. Pinapagalitan na ako ni Mrs. Ocampo. Pinalagpas niya 'yung ilang araw na hindi ko pagpapakita dahil sa sunog na nangyari pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko gagawing rason iyon para itigil lahat sa buhay ko.

Nakarinig ako ng yabag sa likod ko. Nakita ko si Shiloah na hinihingal pa dahil sa pagtakbo niya.

"Hindi nga ako aalis, bakit ka ba nagmamadali?"

Kahit hinihingal siya, nagawa niya pang sumagot. "Ayoko lang paghintayin ka," sabi niya. Hindi ko na pinansin 'yung sagot niya at nagsimula na lang akong maglakad. Pasado alas-onse na. Buhay na buhay pa ang mga tao sa lugar na 'to.

Sabay kaming naglalakad ni Shiloah. Kinakabahan ako tuwing may sasabihin siya dahil lately, iba na 'yung mga lumalabas sa bibig niya. Palagi na lang pinapalakas 'yung kabog ng dibdib ko.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon