Kabanata 26

796K 16.5K 5.4K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 26 

Bawat hakbang, mas lalo kong gustong huminto at tumakbo pabalik kay Parker. Bawat hakbang, naaalala ko iyong mukha niya na nasasaktan dahil sa nangyayari sa aming dalawa. Pareho lang naman kaming nasasaktan, e... Pero hindi na kasi talaga pwede. We're toxic when we're together. We will just hurt each other to the point of devastation... At mas mabuti na tumigil kami habang medyo buo pa kami.

Nung makarating ako sa kinaroroonan ni Shiloah, kahit siya ay nagulat. Buong araw kasi akong tahimik kaya naman hindi ko siya masyadong pinapansin. I didn't want to use him but I needed to.

"Let's just walk," I told him. Ramdam na ramdam ko pa rin ang tingin sa akin ni Parker kahit na nakatalikod ako. Shiloah must have felt my discomfort dahil tumingin din siya sa likuran ko. "Please," I added.

Sabay kaming naglakad. No one was talking.

"I'm fine if you're using me to avoid him," sabi niya bigla kaya naman napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. I was about to utter a protest when he cut me off. "Ayos lang," he said.

Hindi ako makapaniwala na napatingin sa kanya. Why was he like this? Bakit ayos lang sa kanya na ginagamit siya ng mga tao? Wala ba siyang respeto sa sarili niya?

"What?" I repeated dahil baka namali lang ako ng rinig.

He smiled and for some reason, it irked me. "It's alright."

I scoffed. "Shiloah, it is not okay and it will never be okay to be used. You're a person and you deserve every inch of respect like a normal human beings do." I sighed. "Just please, don't demean yourself like that. You deserve so much more."

Hindi ko alam kung para kanino pa ba ang sinasabi ko. Basta ang alam ko, pareho naming karapatan na respetuhin ng mga tao sa paligid namin. I know that respect is earned and I believe that I have earned my share of respect.

He just looked at me. Walang sabi-sabi, nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung sinusundan pa rin kami ni Parker pero sana naman, tumigil na siya. Kung kailan ayaw ko na, at saka siya magsasabi ng totoo. Bakit hindi niya sinabi nung binibigyan ko pa siya ng pagkakataon? Para tuloy nanghinayang lang siya dahil nawala ako... dahil kaya ko pala na iwan siya.

Malapit na kaming makarating sa sasakyan niya. Huminto ako at pasimpleng titingin sana sa likod ko nung makita ko ang reflection ni Parker mula sa salamin ng sasakyan ni Shiloah.

He really wouldn't give up, would he?

"Dinner?" Shiloah asked and I responded with a nod. Pikit-mata akong sumakay sa sasakyan niya. Tinanguan ko iyong driver ni Shiloah. Matagal na rin simula nung huli akong sumakay sa sasakyan na ito. Medyo nakakamiss din pala.

Nung umandar ang sasakyan, pinanood ko hanggang sa hindi ko na makita si Parker. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nung hindi ko na siya matanaw.

My phone vibrated right after.

From: Parker

Still not giving up.

God, just please stop!

I was staring at his message the entire ride. Ni hindi ko nga alam kung saan ako dinala ni Shiloah. I wasn't even in the mood to ask. I was interrupted from my pool of thoughts when I realized that we already pulled over. Napatingin ako sa paligid at nakita ko na nasa parking lot pala kami.

"Nasan tayo?" I asked him.

"Mall," he said. "Name one thing you love?" he asked me and I stared at him with my forehead turned into a full crease.

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now