Kabanata 23

871K 18.2K 5.6K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 23 

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil mayroong tumatawag sa pangalan ko mula sa labas ng townhouse. I halfheartedly dragged myself out of my bed and welcomed the intruder myself. Medyo maayos na iyong paa ko dahil hindi na masyadong naiistrain dahil palagi naman akong buhat ni Quin sa school.

"What?" I said. Kinusut-kusot ko pa ang mga mata ko dahil inaantok pa talaga ako. Halos alas-dose na ako nakauwi kagabi dahil sa University Week at pagdating ko naman sa townhouse, agad tumawag si Parker para sabihin na ang China ay hindi dapat makialam sa pag-aari ng Pilipinas. Though I didn't have an ounce of clue about what the hell was he talking about, I just humored him. Halos mapanaginipan ko na tuloy ang mga Intsik dahil kay Parker.

"Morning," sagot niya saka pinakita sa akin iyong dalawang cup ng Starbucks na hawak niya. Inabot niya sa akin iyon but I shook my head.

"I don't drink coffee in the morning," I said and then widened the gate for him.

"Oh," sabi niya. "Okay. More for me."

Pumasok ako sa loob and then sat on the sofa. It was just a little past 6 at mamayang 8am pa naman ang klase ko. Isa pa, sinabi ni Tobi na pupunta siya sa booth. Strange as it may seem, I kinda trust the guy. I mean, oo at kaibigan siya nina Carl at Candy pero mukhang ayos naman si Tobi. Minus his smoking habit and his constant judgment of everything I do, okay naman siya.

"What do you want, Quin?" tanong ko sa kanya. Medyo nawala na iyong antok ko dahil sa paglalakad na ginawa ko so might as well ask him kung ano ang problema niya. "Ang aga-aga pa."

He shrugged. "I'm your ride to school, remember?"

"But it's too early! Mamaya pang 8am ang klase ko!"

"But mine will start at 7."

I rolled my eyes. "Magtataxi na lang ako. Gusto ko pang matulog! Alam mo ba na pinuyat ako ni Parker dahil sa Scarborough Shoal na 'yan?!" Napailing na naman ako habang naaalala kung gaano ka-passionate na idiniscuss ni Parker ang issue na iyon. Hindi naman siya Intsik at isa pa, I've never knew he was so politically inclined. "Seriously, bakit hindi na lang kayo ang mag-usap e kayo naman ang interesado roon? Not that I don't care about our country, pero it's really not my interest."

Biglang napangiti si Quin sa akin habang umiiling.

"For a really smart girl, you're kind of stupid."

"Excuse me?" sabi ko habang nakataas ang kilay. Ang aga-aga pa pero naiinsulto na agad ako!

"Wala," sabi niya. He crossed his legs and drank his coffee. "My class would start in 45 minutes so you have half an hour to get dressed."

"Magtataxi na nga lang ako!" I protested.

He rolled his eyes. "Imo, please. You can ride all the taxis you want once your ankle's fully functioning. But since you're still injured, be a good girl and get dressed."

Napailing na lang ako kay Quin at saka tumayo. Good thing sabi ng doctor, maayos na ang paa ko next week. Masyado na kaming palaging magkasama ni Quin. At nakaka-stress na rin na sabihin sa mga tao na hindi ko siya boyfriend. Kung pwede ko lang sabihin na si Parker ang boyfriend ko, gagawin ko. Gods, ang gulo ng setup naming lahat!

I carefully went upstairs at saka naligo. Medyo ayos na ako kaya naman mabilis na akong nakaligo unlike before na halos abutin ako ng isang oras sa CR dahil bawal mabasa iyong part na nilagyan ng braces yata nung doctor.

Pagdating namin sa school, hinatid lang ako ni Quin sa room ko. People kept on throwing us curious glances pero para kay Quin, parang wala lang iyon.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon