Kabanata 42

712K 15.5K 5.3K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 42 

"Pwedeng magsalita?"

"Teacher ba ako sa paningin mo? Na kada may gagawin ka, kailangan mong magpaalam sa akin?"

Lumuwag 'yung pagkakayakap niya sa akin. Nakahiga kami sa kama ko ngayon—sabay na naghihintay sumikat 'yung araw. Panibagong araw na naman na papasok kami sa school. Lately, parang wala ng sense 'yung mga nangyayari. Para bang pumapasok ka na lang kasi kailangan. Kasi alam mo na kailangan mong makatapos. Wala na 'yung drive.

"Hindi naman..."

Napa-buntong hininga ako. Ayoko ng ganito. Na para bang may gawin lang siyang kaunti, pakiramdam niya magagalit ako sa kanya. I can't have him tiptoeing around me. I wasn't some bomb waiting to explode.

"Pwede bang maging normal ka naman? I mean, treat me like how you used to. Hindi ako vase na mababasag magkamali ka lang ng hawak, okay?" sabi ko sa kanya. Hinatak ko 'yung kumot kaya nawalan ng nakatakip sa katawan niya. Inabot ko rin 'yung cellphone ko at nakita ko na malapit na palang mag ala-sais. Panibagong araw na naman.

Tumayo ako at saka nagsimulang maglakad papunta sa CR.

"Maligo ka na rin. May pasok pa tayo," sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang napabuntong-hininga bago tumayo at saka nagsimulang isuot 'yung pajama niya. Ang cute lang. Pajama pala ang sinusuot niya kapag natutulog siya.

"Okay," sagot niya. "Sa baba ba tayo kakain ng breakfast o gusto mo na ipadala ko na lang dito sa kwarto mo?"

"Hindi ko 'to kwarto."

"Okay," he conceded na para bang ayaw niya ng makipagtalo pa sa akin. "Pero saan mo gustong kumain?"

Kumunot ang noo ko. Heto na naman siya sa pagiging weirdo niya.

"Sa baba? Bakit? Ayaw mo ba 'dun?"

Umiling siya. "Baka lang kasi ayaw mo..."

"Bakit?"

"Baka kasi napagod ka kagabi kasi... basta."

Napailing ako sa kanya. Para talagang bata. Ang inosente kahit hindi na naman na. Minsan nakakalimutan ko na kahit matangkad siya at medyo malaki na ang katawan, 'yung utak nga pala ni Shiloah pambata pa rin.

"Sa baba." Iyon lang ang sinabi ko at dumiretso na ako sa CR para maligo. Tinagalan ko ang pagligo. Nakatayo lang ako sa harap ng shower at nag-iisip kung ano ang gagawin ko sa araw na 'to. Gusto kong makita si Mari. Ilang araw ko na rin kasing hindi nasasagot iyong mga tawag at texts niya...

Iyon lang. Wala naman akong kaibigan maliban sa kanya—si Tobi. Hindi ko rin kasi alam kung magkaibigan kami... Pati sina Quinn... kaibigan ko ba sila kahit wala na si Parker?

Mabilis lang akong nagbihis. Naninibago pa rin ako sa mga damit ko dahil puro branded. Hindi ko nga alam kung saan 'to nanggaling. Basta isang araw pag-uwi ko, may mga gamit na ako rito sa kwarto.

Pagbaba ko, nandun si Shiloah.

"Pwede po padala ng gatas?" sabi niya sa nag-iisa niyang butler. Sobrang tahimik talaga sa bahay na 'to dahil ang tao lang ay si Manong Roger, iyong butler niya, at si Shiloah. Kaya hindi na ako nagtataka na tahimik si Shiloah dahil wala rin naman pala talaga siyang makakausap dito sa bahay na 'to.

Nung dumating 'yung gatas, nilagay niya sa harap ko 'yun. Automatic na kumunot ang noo ko pero dahil wala pa ako sa mood na makipagtalo sa kanya, hindi ko na pinansin. Tahimik lang akong kumuha ng bacon at itlog at nilagay ko sa plato ko. Akmang susubo na sana ako nung mapansin ko na nakatingin sa akin si Shiloah. Nailang talaga ako.

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now