Kabanata 16

914K 17.9K 4K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 16 

Halos malaglag ang panga ko sa mga narinig ko mula sa bibig ni Shiloah. Seryoso ba siya o baka naman napasobra na siya sa kaka-party kaya naman hindi niya na alam kung ano ang pinagsasabi niya?

He'll keep distance but he won't be gone from my life? Ano iyon? He's there but not really? Almost?

Well, hindi na ako tumatanggap ng almost. Lahat na lang sa buhay ko hindi talagang akin. Ang Papa ko, hindi talaga sa akin dahil anak lang naman ako sa labas. Kay Parker, hindi ko masabi na sa akin lang talaga siya dahil ni hindi ko pa nga nakikilala ang pamilya niya... Tapos ngayon kahit kay Shiloah ang gusto niya ganito?

Bakit? Don't I deserve to have someone I can really call mine? Iyon bang walang conditions, walang pretentions. Para kasing lahat na lang sa buhay ko ay masyadong kumplekado... Nahihirapan na ako pero wala naman akong pagpipilian kung hindi ang magpatuloy kasi sino ba naman ang sasalo sa akin kapag sumuko ako?

Ilang segundo rin akong nakatitig kay Shiloah. Hinihintay ko na bigla na lang siyang umalis sa harapan ko o kaya naman sabihin niya sa akin na hindi siya seryoso sa mga sinasabi niya. Masyado ng magulo ang utak ko. Hindi ko na yata kakayanin pa ang isa pang kumplikasyon. Sobra na. Tama na muna.

"Ano?" Iyon lang ang nasabi ko matapos ang ilang segundo kong pananahimik. I couldn't even construct a decent sentence never mind find the perfect retort to his pretentious statement.

Inilagay niyang muli ang mga kamay niya sa loob ng bulsa niya. Akala ko sasagutin niya ako pero isang tumataginting na, "Pasok na tayo sa loob. Magsimula na tayo," ang nakuha ko sa kanya.

I wanted to laugh right then and there. How did he ever think that I'd let him be inside my house after all he did to me? Nababaliw na ba talaga siya?!

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nagsimula. I can't deal with his shits right now. Masyado akong maraming gagawin.

"Alam mo, Shiloah, hindi ko alam kung ano ang trip mo sa buhay mo. Una, ayaw mo akong kausapin dahil sa hindi ko malamang dahilan. E 'di fine, hindi na kita guguluhin. Tapos ngayon pupunta ka dito na parang okay lang ang lahat? Ginagago mo ba ako?"

I was trying to be calm. God knew how hard I tried to control my nerves. Gusto kong maging kalmado kagaya ng dati pero pagdating kay Shiloah, hindi ko magawa. He didn't have to do anything to push my buttons. Alam na alam niya kung ano ang gagawin, alam na alam niya kung ano ang sasabihin para sumabog ako sa sobrang inis.

Nakatingin siya sa akin na para bang tinitimbang niya rin kung ano ang isasagot niya. Mabuti. Mabuti naman dahil pakiramdam ko, isang maling salita lang mula sa kanya ay kakawala na lahat ng emosyon na pilit kong pinipigilan. I was one walking ticking bomb. Lahat ng problema ko sa buhay ay pilit kong hindi pinapansin. Tanga kasi ako na naniniwala na kapag hindi mo pinansin, kusa rin silang mawawala... Pero hindi, e. Nandyan pa rin sila. Nandyan pa rin sila at tahimik na naghihintay kung kailan ka pipitik... Kung kailan ka sasabog kasi sobra na... Kasi hindi mo na talaga kaya...

"Gusto mo talagang lumayo ako sa 'yo?" He asked me.

"What?"

He looked at me with his brown eyes. Gusto kong malunod doon pero alam ko naman na hindi dapat... kasi siya si Shiloah... kasi hindi ko siya maintindihan at pakiramdam ko hindi ko siya maiintindihan kahit kailan.

"You want me gone from your life?" he questioned me. Hindi ko mabasa kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. Hindi ba siya na ang nagsabi na gusto niyang dumistansya? Pinagbigyan ko siya... Kahit mahirap sa akin dahil itinuring ko na siyang kaibigan, pumayag ako... Tapos kung kailan okay na... kung kailan tanggap ko na at saka naman siya babalik dito para guluhin ako.

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now