Kabanata 39

740K 15.3K 9.2K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 39 

I kissed him. Nakapikit ako pero ramdam na ramdam ko iyong pakiramdam ng labi niya na nakalapat sa labi ko. Never have I considered that this would happen. I didn't see him this way. Palagi kong iniisip na kaibigan ko lang siya.

Pero ano pa nga ba? Time changes everything. Walang permanente sa mundo na 'to.

Walang gumagalaw sa amin. Siguro dahil natatakot na malaman kung ano ang mangyayaring kasunod? Dahil takot sa posibleng resulta ng bagay na ginawa namin?

I tried to kiss him—it took me everything. Bawat galaw ng labi ko, naaalala ko siya. Bawat paghinga ko, nakikita ko siya. Sa lahat na lang ng ginagawa ko, siya ang nasa isip ko.

Hindi niya ako papakawalan kagaya ng paghawak ko sa kanya. Patay na siya pero ramdam ko pa rin siya sa buhay ko.

Nung magkahiwalay na ang mga labi namin, nakatingin lang kami sa isa't-isa. Walang gustong magsalita. Bakit? Kahit ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Bakit ko ba siya hinalikan? Nababaliw na ba ako?!

"B-bakit?" tanong niya sa akin. "S-sorry," sabi naman niya.

Unti-unting kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ano?"

Nakatingin siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang itsura niya. Para siyang may nagawang hindi magandang bagay at nandito siya para ipaliwanag ang sarili ko. Mas madalas sa minsan, hindi ko maintindihan si Shiloah. Minsan, ayos siya. May tiwala na sa sarili hindi kagaya nung una ko siyang nakilala... pero minsan, ganito siya. Kapag ako ang kaharap niya, para pa rin siyang 'yung lalaki na nakilala ko dati. Tahimik, mahiyain, parang bata.

Hindi ko alam.

"H-hindi ako magaling humalik."

Siguro kung may iniinom ako ngayon, malamang ay nabulunan na ako. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyong sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy pati ako ay namumula kagaya niya. Sobrang pula ng mukha ni Shiloah—ultimo tenga niya ay namumula rin.

"What?"

"Wala," sabi niya. Akmang tatayo siya pero pinigilan ko. "Sorry," sabi niya ulit. Gusto kong mapangiti dahil sa kanya. First time kong mapangiti simula nung mawala si Parker. Nakakamiss din pala 'yung feeling na natutuwa ka sa mga simpleng bagay.

"Hindi naman 'yun 'yung dahilan," sagot ko.

"Ha?"

I looked at him and gave a small smile just for a second. "Naalala ko lang si Parker kaya... sorry kung distracted ako." Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa ganito. Kanina, pursigido ako na halikan siya at gamitin para makalimutan si Parker... pero eto ako ngayon, nakokonsensya dahil gagamitin ko siya para sa pansarili kong kapakanan. Wasn't I just evil?

Tempting this angel...

What has become of me? Hindi ko na rin kilala 'yung sarili ko.

"Sorry," sabi niya na naman.

"Stop saying sorry. Hindi mo kasalanan lahat ng masamang nangyayari sa mundo."

He looked at me. Nakita ko na naman 'yung malungkot niyang mata. "Alam ko," he said. "Pero sana kaya kitang pasayahin pero hindi. Kaya sorry."

"Okay lang. Hindi mo naman responsibilidad na pasayahin ako."

Akma akong tatayo pero pinigilan niya ako. Nakahawak siya sa kamay ko habang nakatingin dito. Parang pinag-iisipan niya ang susunod niyang gagawin. Ako? Nakatayo lang ako roon dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam. Para bang simula ng nawala si Parker, nawalan ng direksyon 'yung buhay ko. OA, noh? Pero 'yun 'yung nararamdaman ko. Para bang hindi pa ako handang gumalaw. Gusto ko lang huminga. Gusto ko lang manatili dito. Hindi ko pa kayang umandar. Hindi ko pa tanggap.

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now