Chapter 3: Sir Brent

2.3K 83 3
                                    

"Lia nasa ibabaw na ng cabinet mo yung mga pina-photocopy ko! Nasa loob nung brown na silyo." Sigaw ni Papa mula sa kusina habang nagluluto siya ng umagahan namin.

Tumingin ako sa cabinet, at tulad nga ng sabi niya, nandoon na nga ang mga documents na kakailanganin ko sa lakad ko ngayon. Ngayon kasi ako pupunta sa opisina ni Gov. Ngayon ko na ibibigay sa kanya ang mga kakailanganin para sa enrollment ko sa Western Heights.

Kinuha ko mula sa sabitan ng likod ng pintuan sa kwarto ko ang natatangi kong body bag. Tribal ang design niya at medyo may kalakihan. Knitted, binili ko sa mga aeta sa bundok nung namasyal kami doon. Paborito ko itong bag na ito, dahil regalo ito sa akin ni Mama at dahil sobrang praktikal ng dating niya.

Inilapag ko muna sa kama ko yung bag upang kunin mula sa ibabaw ng cabinet yung envelope na sinasabi ni Papa. Pero bago pa ako makalayo sa kama ko, may narinig akong nahulog sa ibaba nito. Dumungaw ako sa ibaba ng kama upang silipin kung ano ito. Laking gulat ko na lamang ng makitang isang shades ito. Tumayo ako at umupo muna sa kama ko at pinagmasdan yung salamin habang sinusubukang alalahanin kung saan ko ito galing at kung papaano napunta ito sa bag ko.

"Anak nakita mo ba yung silyo? Kumpleto naman mga dokumentong pinaphotocopy ko diba?" Narinig kong pasigaw na tanong ni Papa mula sa kusina.

Dokumento?

Scholarship...

Habulan Ng Baboy

Piyesta

Boy Putik..

"Si Boy Putik!" Napatango nalang ako habang nakabusangot ng maalala kung kanino itong mga salamin na ito. Lalo pa sigurong lumalim ang busangot ko nang maalala ko ang mga pangyayari noong araw na iyon. Yung maarteng lalaki sa piyesta, sakanya to. Iniikot ikot ko yung shades. Hindi ko kasi naaalalang nalagay ko pala sa bag ko ito at naiuwi ko pa sa bahay. "Nagka-souvenir pa talaga ako galing sa kayabangan nung lalaking yon e no?"

Bumuntong hininga na lamang ako at inilagay sa cabinet ko yung shades. Kahit pahindi ko na ulit makikita yung mayabang na yun, sayang naman kung itatapon ko to.

"Anak, Lia! Bilisan mo na dyan at kumain ka na dito. Sumabay ka nalang kina Julio at may kukunin din daw sila sa may Capitol."

"Andyan na po, Pa!"

Tinignan ko yung salamin ng huling beses, "Sana lang talaga hindi na kita makita.", at sinara na ng tuluyan ang cabinet.

***

Kasalukuyan na akong nasa harapan ng pintuan papasok sa office ni Gov. Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako. Siguro dahil ngayon ko lang narealize kung gaano karespetadong tao si Gov. Na nung pumasok ako sa Capitol, doon ko lang ulit naalala na namumuno sa bayan namin ang pupuntahan at kakausapin ko.

Palibhasa noon kasing kausap ko siya sa tent, ang simple lang ng suot niya. Pero sa kinatatayuan ko ngayon, tanaw ko sa bintana niya na nakasuot siya ng barong.

Huminga ako ng malalim, at kumatok.

"Come in." Narinig kong utos ni Gov.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip muna. Nang makita ako ni Gov, ngumiti siya at sinensyasan ako na pumasok at umupo sa harap ng mesa niya. "Magandang umaga po." Bati ko kaagad sakanya habang umuupo.

"Good morning to you too." Sabi niya habang tinatanggal yung reading glasses niya. "I trust that you are bringing your documents and you are accepting the scholarship offer?"

Ngumiti ako at tumango, "Opo. Pinayagan po ako ng Papa ko."

"What about your Mom?"

Bahagya akong natahimik at dahan-dahang umiling. Nanlaki ang mga mata ni Gov, "Oh, dear. I am so sorry."

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now