Chapter 23: It's A Date!

1.7K 57 2
                                    




"So, Papa. Bawal na sayo ang magpagod ha? Wag ka na kasing tatayo mula dyan sa higaan mo."

Tumango-tango siya, "Oo na, oo na. Narinig ko naman yung sinabi ng doktor." Maktol niya. "Pero teka nga lang, Thalia."

Tinigilan ko ang pag-ffill out ng mga dokumento niya at tinignan siya. "Bakit po?"

"Eh bakit ka ba nakajacket e sobrang init ngayon?"

"H-ha? Malamig po kaya yung kwarto ninyo." Pagrarason ko.

"Dito malamig, pero papaano kapag inasikaso mo na yang mga papeles ko? Aba'y tanggalin mo na nga yan, baka mabinat ka pa sa labas." Utos niya.

Umiling ako. "H-hindi Pa! Ano ka ba, style yan pa. Yan na ang uso ngayon, nakahoodie!"

Tinignan ako ng Papa ko na tila ba iniisip niyang nababaliw na ang kanyang panganay. "Ganun ba yon? Style?" Tanong niya. Kaagad akong tumango bilang sagot. "Hay nako, iba na talaga kayong mag-isip na kabataan ano?"

"Wag mo na kaming alalahanin, Pa!" Pabiro kong sabi sa kanya, habang iniipon ang mga papeles at ilagay sa envelope. "Pa, punta muna ako sa office sa baba no? Ayusin ko lang mga to."

"Osya, sya. Mag-ingat ka." Habilin niya.

Tumayo ako at isuninuot ang body bag ko. Lumabas ako, at isinara ng dahan-dahan ang pinto. Paglabas ko, hindi ako kaaagad na tumungo sa elevator, bagkus ay isinandal ko ang sarili ko sa may pader sa harap ng kwarto ni Papa.

Hinawakan ko ang braso ko, na mahapdi parin dahil sa nangyari sa CR sa school kanina. Hindi ito pwedeng makita ni Papa, mamaya tumaas pa ang blood pressure noon at kung anong mangyari kapag nagkataon.

Tumungo muna ako sa nurse station, "Excuse me po."

"Ano po yon?" Tanong ng isang babaeng nurse na mag-isang naroroon.

"M-may first aid kit po ba kayo dyan?"

Naalarma siya kaagad sa tinanong ko, "Bakit po? May nasaktan po ba?"

"Ah.. eh. Minor na injuries lang naman. Pwede ba ako makagamit?" Pagbabasakali ko.

"Ay syempre naman po. Teka lang po." Sabi niya na ikinagalak ko. Lumuhod siya at may kinuha sa ibaba. Pagkakuha niya sa isang box na lalagyan ng first aid, lumabas siya mula sa station niya. "Saan po ba may injury?"

Tinanggal ko yung hoodie ko, at inilahad sa kanya ang braso ko. Nanlaki ang kanyang mga mata, "S-sino po may gawa sainyo niyan? E-este napano po yan?"

Nginitian ko na lamang siya. "Wala lang yan." Pagsisinungaling ko, kahit pa nangingitim na yung braso ko sa bugbog at dumudugo pa yung ibang pinagbaunan ng mahabang kuko nung babae kanina.

Inilabas niya ang betadine at nilagyan ng bulak. Nilinis niya yung mga sugat, at pinahiran ng kung anong ointment yung pasa ko mula sa braso hanggang kaunti sa balikat. "Balutan po natin ng bandage para di mastress yung muscles ninyo ha?"

"Osige po." Pagpayag ko. Tutal, libre naman. Tsaka mas mabilis na paggaling ang kailangan ko. Iniiwasan ko kasing makita ito ni Papa o ni Tom-tom.

"Ayan, tapos na po."

"Ay miss, teka lang. Meron pa pong isa." Pigil ko sa kanya ng magsimula na siyang ibalik iyong mga ginamit niya sa lalagyan. Tinuro ko yung likod ko, "Meron pa kasing pasa sa likod ko. Pwedeng pabahiran narin ng ointment?"

Tumango siya, "Ay opo, syempre po, syempre po. Maliit lang po ba?" Tanong niya.

Umiling ako, "Hindi ko po alam eh." Hindi ko tinignan. Ayaw kong nakakakita ng mga kahit anong injuries, nanghihina ako.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now