Chapter 22: The Storm

1.6K 51 0
                                    

"I said leave me alone!"

"Don't you dare turn your back one me young man!"

"F*ck off!"

"I'm you father, wag mo akong minumura!"

"You're not my father. You lost that title the moment you did that."

Tumigil na sila. Natahimik na sila dahil sa sinabi niyang iyon.

Alam kong si Asher yung isang boses, at base sa sigawan nila, mukhang yung tatay niya yung kausap niya. Ilang minuto pa lang ang nakalipas mula nung magising ako. Tatayo na sana ako mula sa sofa kung saan ako nakatulog, nang marinig ko silang dumating at nagsimulang magbangayan.

"Lance, we're not done talking, come back here!"

Isang kalabog ng pinto ang isinagot ng anak niya sa kanya.

At dahil swerte akong nilalang, pintuan ng sala ang napiling ibalibag nitong si Asher.

Napahawak ako ng mahipit sa damit ko dahil sa kaba na mahuling gising ni Asher. Papaano ako magrereact kapag nalaman niyang narinig ko lahat ng pinagsasabi nilang mag ama sa isa't isa? "I know you're awake." 

Kaya naman labis ang ikinagulat ko nang marinig ko siyang magsalita.

Kaagad akong tumayo at pilit na ngumiti, "Nakauwi ka na pala?" Tanong ko. Napakagat nalang ako sa labi ko nang marealize ko kung gaano kakapal ang mukha ko dahil sa itinanong kong iyon. Ako pa talaga yung nagtanong nun, gayong siya yung nakatira sa mansyong ito.

Hindi niya pinansin iyong tanong ko. Bagkus dumiretso siya sa isang couch at umupo doon, tapos ay yumuko. "Leave."

"H-ha?"

"Go home, leave." Sabi niya."

H-ha?" Parang tanga kong tanong ulit. 

Matalim niya ako tinignan, "I said leave!" Galit niyang sigaw.

"Asher... okay ka lang ba?" Tanong ko. Namumula kasi ang mukha niya, at tila magbbreakdown siya.

"As if you care! Don't worry, message me your account number, I'll transfer the money to you so leave. You have no other business here besides my money, right?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Kaagad kong inalis ang kumot na nakabalot sa akin na hindi ko alam kung saang lupalot nanggaling at tumayo. Sinuot ko rin ang mga sapatos kong hindi ko alam kung kailan ko inalis. "Kausapin mo ko kapag di na mainit yung ulo mo. Akala mo ba hindi ako na-ooffend sa mga sinasabi mo?" Gigil kong tanong sa kanya.

"Just leave." Maikling sambit niya. Ni wala ka mang mararamdang pagsisisi sa mga sinabi niya kanina.

Tumungo ako sa pintuan, na nagkokonekta sa living room at dining room. Mabuti nalang pala at nakilala at nakasama ko si Big Ben at Mama Tori magdamag, kaya kahit papaano hindi nasayang ang pagpunta ko dito.

"Where do you think your going?"

"Wala kang paki." Iritable kong sabi. Alam ko na walang sense yung sinasabi ko, lalo pa't bahay niya ito at pakalat-kalat ako.

"This is my house, you have no right to just go anywhere as you wish! Mamaya..." Hindi niya tinuloy ang kanyang susunod na sasabihin. Pero sapat na ang tono ng kanyang pananalita upang malaman ko kung anong nais niyang sabihin at iparating.

Tumigil ako sa paglalakad, "Mamaya ano, Asher?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. "Mamaya magnakaw ako, ganun ba yun? Mamaya kumuha ako ng mamahaling gamit? Kasi nga naman nagttrabaho lang ako sayo para magkapera di ba?"

Narinig ko siyang nagbuntong hininga, "Thalia, that's not what I meant."

"That's exactly what you meant!" Sigaw ko sa kanya, kasabay ng pagharap ko sa kanya. English? Mag-Inglesan kami dito, yun ba ang gusto niya? "Sumosobra ka naman na, Asher. Kung galit ka sa tatay mo, fine. Pero sana wag mo akong idamay, kasi ako yung magdamag na naghintay sayo kasi hindi ka tumupad sa usapan. Alam mo, ayaw naman talaga kitang sumbatan e, kaso may utang na loob ako sayo. Pero sana tandaan mo, tao lang din ako, nasasaktan. Kung galit ka, magalit ka sa taong may ginawang masama sayo. Hindi sa taong sinusubukang intindihin ka."

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now