Chapter 12: Kodigo

1.7K 64 3
                                    

"Ano ba naman yan, friend. Bakit mo hinahayaang ganito lang?" Reklamo sa akin ni Caitlin habang pinupunasan ang buhok ko na punung-puno na ng napakaraming bagay.

"Hayaan mo na. Immature lang talaga mga tao sa school." Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang braso ko.

"Nako, kapag naman talaga hinawakan ka nila, kakalbuhin ko yang mga yan." Banta niya.

Tumawa ako, "Hindi naman siguro sila ganon. Nambabato lang sila ng mga bagay, pero hindi sila namimisikal. Sabi ko naman sayo, childish lang talaga sila. Hayaan mo na."

Napakamot sa ulo si Caitlin sa sinabi ko, "Ano ka ba naman, masyado kang mabait! Di na uso pa-santa ngayon beh, laban kung laban!"

"Cait. Di na ako mag-aaksaya ng panahon para dun no. Napagisip-isip ko na kung ganito lang naman ang ginagawa nila, e ano ba naman ang iilang buwan na pagtitiis diba? G-graduate na rin naman kami. Tsaka masyado akong maraming problema para isama pa sila dun." Paliwanag ko sa kanya.

Napatingin ako sa baba, at napakagat nalang sa labi ko nang alalahanin ko ang inaasta ni Papa kaninang umaga. Malakas ang pakiramdam ko na may tinatago siya sa akin. Kahit pa umaarte siyang normal ang lahat, malakas ang kutob ko na hindi. At dahil kilala ko si Papa, alam kong hindi niya ito sasabihin sa akin kung mag-aalala lang ako.

"Thalia? Hoy, Lia? Nakikinig ka ba?"

Napailing ako, "Ay ha? Ano?"

"Hmp! Bakit ka ba lutang diyan, hoy?" Inis niyang tanong. "Sabi ko, pinapatawag tayo ni Sir Brent sa labas. Kakausapin tayo, may sasabihin ata. Kaya bilisan mo nang mag-ayos diyan." Utos niya habang papunta na at palabas na ng pinto.

Tumango ako, "Sige, saglit lang."


Bumuntong hininga ako at tumayo. Nakakaisang linggo na ako sa Western Heights. Isang linggong puno ng masasakit na salita at mababaho at malalansang mga bagay na naitapon na sa akin. Kung ako ang tatanungin, oo pagod ako. Pero hindi ako nagpapatinag sa pagod. Dalawang taon na akong working student, umabot na ko dito, bakit pa ako aatras?

Tumungo na ako sa labas, nakita ko doon si Sir Brent kasama pa ng ibang kasamahan ko sa trabaho liban kay Asher na dahilan ng pasasalamat ko. Dalawang araw na siyang di pumapasok sa trabaho, at hindi ako nagrereklamo. Umupo ako sa tabi ni Ryan, kaming tatlo nina Caitlin ay nasa harapan ni Sir Brent.

"I have an announcement to make." Panimula ni Brent.

Naramdaman kong bahagyang napaupo ng tuwid itong katabi kong si Ryan, inatake siguro ng matinding curiosity. Habang ako naman ay halos wala nang enerhiya pang makinig sa anunsyong sasabihin ng boss namin. "I will be gone for 3 months."

"HA?!"


Hindi si Caitlin yon, at mas lalong hindi si Ryan. Ako.

Ako na pagod at walang ganang gumalaw ang gulat na gulat na sumigaw. Nang maramdaman ko ang titig nilang tatlo sa akin dahil sa ginawa ko, naramdaman ko narin ang unti-unting pag-init ng mukha ko. "E-este- uhm. Wala." Sabi ko nalang.

"As I was saying.." Pagtutuloy ni Sir Brent ng bahagyang natatawa. "I will gone for three months kasi I'll fly to Thailand for a seminar. Pinatawag ko kayo dito to inform you about it and to tell you that RYan here, will be assigned to take care of this whole shop."

Napangiti ako sa sinabi ni Brent. Kitang-kita kasi kay Ryan na mahal niya ang trabaho niyang ito. Kung tutuusin, kahit hindi kami sabihan o ano, alam na kaagad naming dalawa ni Caitlin na si Ryan ang mamamahala dito sa mga oras na tulad nito na aalis si Brent.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now