Epilogue

2.2K 69 30
                                    

"Push!" Sigaw nung nurse.

Hinigpitan ni Asher ang hawak niya sa akin. Labis ang pamamawis niya, at halos maiyak na siya sa nakikita niya. "Push!" Natatarantang sigaw din niya.

Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko inakala na ganito pala kasakit ang panganganak. Ang buong akala ko, nagiging eksaherada lang ang mga kwento-kwento tungkol dito. Oo, may mga napapanuod na kami sa school dati, pero ibang-iba pala kapag sayo na nangyari. Mukha kasing hindi naman sobrang nasasaktan yung nanganganak, hindi nga masyadong nagugulo yung buhok niya.

Nagkakamali pala ako.

Kasi sobrang sakit pala niya. Yung maiiyak ka talaga, pero wala kang magagawa kasi andyan na. Hindi na pwede pang pigilan. Bwiset yung video na napanood namin noon, walang katotohanan ang pinakita doon. Kalahati palang ng sakit na nararamdaman namin ngayon ang ipinakita sa video na iyon.

"Push!" Sigaw ulit ni Asher, sabay hawak sa tiyan ko.

"You can do it." Bulong pa niya.

Kaya ngayon, mas minahal ko yung nanay ko. Na nagawa niyang lagpasan yung ganitong sakit, alang-alang sa akin na anak niya, at kay Papa. Na bukod pa sa hirap ng pagdadala sa akin sa sinapupunan niya ng siyam na buwan, kinailangan pa niyang pagdaanan yung ganitong klaseng sakit para lang maisilang ako.

"You're doing great, konti nalang." Bulong ni Asher sa tenga ko.

Umiling ako, at hinayaang punasan ni Asher ang pawis ko sa noo.

"Mommy, konting bwelo ha? Para mas maayos ang paglabas ni baby. One, two, push!" 

Napapikit ako sa sakit, kasabay ng napakalakas na pagsigaw na nabalot sa buong kwarto.

Humigpit ang hawak sa akin ni Asher.

Tinignan ko siya, namumutla siya, at halatang naiiyak na sa pagkataranta.

Minsan talaga, napapatingala na lamang ako at napapatanong sa kung sino man ang nasa ibabaw, kung papaanong nabigay sa akin si Asher? Si Asher na napakataas, yung tipo ng taong alam mo sa sarili mong hindi mo kayang abutin kahit na tignan mo lang siya. Pero eto siya ngayon sa tabi ko, hindi umaalis, andito lang dinadamayan ako parati. Subalit may mga pagkakataon talagang napapasakit niya ang ulo ko, kagaya ngayon.

Itinaas ko ang kamay ko, itinapat sa ulo ni Asher.

At malakas siyang hinampas nga mahimasmasan siya, at mawala ang kabaliwan niya.

Kaagad na napahawak si Asher sa ulo niya at matalim akong tinignan, "What the hell was that for?"

"Si Caitlin yung nanganganak. Hindi ako! Tigilan mo nga yang kaiingay mo." Sita ko sa kalokohang kanina pa niyang ginagawa.

Tumingin siya kay Caitlin, at muling kumunot ang mukha na tila ba'y maging siya ay nasasaktan. "I can't help it! It looks so painful."

"Pero wag mo kasing agawan ng moment yung tatay, di ba?" Sarkastiko kong tanong.

Mabilis na tumingin si Ryan ng may bahagyang pangngiti sa mukha, bago niya ibinalik ang atensyon niya sa mag-ina niya.

Kung hindi ba naman dumadaloy talaga ang dugo ng mga bayani sa kaibigan naming to, hindi ko na alam ang gagawin sa kanya. Gusto raw kasi niya ng natural birth, kaya hindi siya nagpadala sa ospital. Nataon namang may kakilala ang katrabaho ni Ryan sa isa pa niyang trabaho na tumutulong sa ganito. Yung nakababad sa tubig, habang nanganganak. At sa totoo lang, sobrang sakit niyang tignan, na pakiramdam ko ako na yung nanganganak.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now