Chapter 33: The Boss Is Back

1.9K 67 9
                                    

Kanina pa nag-ring yung bell. Recess na. Mabuti nalang at isang oras ang recess nila dito, kaya naman pwede kong masolo yung room ng isang buong oras. Nakayuko ako at nakapatong ang ulo sa magkapatong na braso ko sa desk ko.

Sobrang nahihilo ako. Yung pakiramdam na parang lalabas yung mga mata ko mula sa ulo ko, ganoon yung pakiramdam. Kanina pa rin ako sumisinghot-singhot dahil sa pilit na pagtulo ng sipon ko. Kaya naman sobrang inaantok ako, at wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang umuwi na at humilata sa kama.

*plok*

Iniangat ko ang ulo ko upang silipin kung ano yung nahulog sa desk ko.

Isang sandwhich.

Tumingala ako, "Eat." Matipid na utos niya.

Umiling ako at ibinalik sa pwesto yung ulo ko kung nasaan siya kanina. Subalit may humarang na isa pang kaay at muling iniangat ito. "Eat." Pag-uulit niya habang hawak-hawak ang noo ko, para hindi na ulit yumuko.

"Wala akong gana." Sabi ko sa kanya.

"Wala akong paki. Kumain ka." Pagmamatigas niya.

Bumusangot ako at hinablot yung sandwhich na dala ni Asher at binuksan ito. Padabog ko itong kinain, kasi nga ayoko naman talagang kumain at wala rin akong malasahan dahil sa sipon ko. Hinila ni Asher paharap sa desk ko yung upuan sa harapan ko at umupo. Tapos ay tinitigan ako. "Bakit?" Iritable kong sabi.

"Tell me what happened."

"Anong nangyari? Wala namang nangyari." Sagot ko.

Tinuro ni Asher yung ilong ko, napasinghot tuloy ako ng di oras. "Sinipon lang ako, e ano?"

"You've been crying." Sabi niya, ni hindi man lang pinansin yung sinagot ko talaga sa tanong niya.

"Hindi no."

Bahagya siyang tumawa, "I've seen you cry for a lot of times now. Alam ko na kung gaano ka kapangit every time na umiiyak ka, and at the moment, ang pangit mo."

"Thank you ah." Sakastiko kong sabi sa kanya.

Tumawa lang siya, "So anong nangyari? May nangyari ba kay Tom-Tom?" Nag-aalala niyang tanong. Napansin kong nang mabanggit niya ang pangalan ng kapatid ko, tila ba bumait yung tono niya. Ibang-iba sa tono kung papaano niya ako tinawag na pangit. "Or was it your Dad?"

Iniwas ko yung tingin ko, "Papa." Matipid kong sagot.

"Was there an emergency?"

Umiling ako. 

"Then what happened?"

Tumingin ako sa kanya, nagsasalubong yung mga kilay niya at mukha nga siyang nag-aalala. Bakit ba siya ganyan? Nakakainis naman oh.  "Si Papa kasi." Panimula ko. "Sinabi ko na sa kanya yung tungkol kay Tom-Tom. Ayun, sobrang nagalit. Tumass yung BP, kinailangan na niyang gumamit ng oxygen. Tapos ayaw niya akong pumasok sa kwarto niya. Galit siya sakin. Kaya kahit na sobrang nag-aalala ako sa kanya, ni hindi ko man lang matignan kung okay ba siya o ano." 

Pinunasan ko yung pisngi ko. "Peste naman oh. Pang-ilang iyak ko na to sa harap mo." Naiinis kong sambit.

"E hindi naman kasi nagagalit si Papa sa akin eh. Ngayon lang." Umiiyak ko pang dagdag. "Sabi ko na kasalanan ko kung bakit nagkaganon si Tom-Tom eh. Kasalanan ko lahat." Sabi ko, tapos ay tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko.

Sobrang naiinis ako sa sarili ko. Sobrang hindi ko na alam yung gagawin ko. Kung papaano ko pa hahatiin yung oras ko sa lahat ng kailangan kong gawin. Sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maayos yung mga priorities ko. Naiinis ako kasi sobrang iresponsable kong anak at ate. 

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now