Chapter 14: Chef Lance

1.7K 60 3
                                    

Wala.

Wala akong mahanap na trabaho. Ang hirap pala, sobrang hirap. Buong araw na akong palipat-lipat ng mga establisyimentong pinapasukan, pero ni isa walang gustong tumanggap sa akin. Lahat na, inapplyan ko pero hindi talaga qualified ang isang underage na tulad ko.

Siguro ay sinwerte lang talaga ako kay Sir Brent, na napakabait niya at tinanggap niya ako kahit pa 17 palang ako. Pero sa labas pala ng Coffee Shop, mahigpit sila, masyado pa raw akong bata at wala pa akong sapat na karanasan.

Umupo kaagad ako sa unang silya na masilayan ko nang makapasok ako sa Coffee Shop.

"You're late."

Kunot noo akong tumingin kay Asher na nakatayo sa harapan ko at nakapamewang pa. "You're here." Sarkastiko kong panggagaya sa tono ng pananalita niya.

"I work here, duh?" Sabi niya. Sabi niya na parang wala lang, na parang hindi kami nag-away sa classroom kailan lang, na para bang wala siyang inalok na kabaliwan sa akin noong nakaraan, na para bang hindi niya ako niligtas dun sa pagseset up sa akin ng mga kaklase ko sa pangongodigo at para bang nakalimutan na niya kung papaano siya kagalit na umalis sa classroom noong araw na iyon.

Hindi ko nalang siya pinansin. Wala ako sa mood para sakyan ang paiba-iba ng ugali ng lalaking to. Ano nang gagawin ko ngayon? Sobrang kulang pa ng kinikita ko dito sa Coffee Shop pati ang pension ni Papa para sa mga gastusin sa ospital. Sinubukan ko nang lumapit sa karamihan sa mga organizations na binigay ni Doc, pero nilista lang nila si Papa at hindi pa siya ang nasa priority nila, marami-rami rin kasi ang lumalapit sa kanila para humingi ng tulong.

Bigla akong tumingin kay Asher.

"What?" Taas kilay niyang tanong sa akin.

Mabilis akong umiling. "Hindi pwede, hindi pwede."Bulong ko sa sarili ko.

"What is it?" Ulit niya pang tanong.

"Wala." Maikli kong sagot.

Biglang hinablot ni Asher ang envelope na inilapag ko sa mesa at binuksan ito. Natataranta akong tumayo at pilit na sinubukang bawiin iyon mula sa kanya, "Asher ano ba-"

"A Resume?" Gulat at nagtataka niyang tanong. "For what? Are you quitting your job here?"

Nang makita kong wala na ang atensyon niya sa papel at sa akin na siya nakatingin, kaagad kong kinuha mula sa pagkakahawak niya ang resume ko. "Wala ka na dun."

"So you were late because you were looking for another job. Does Brent know about this?" Tanong niya.

Oo nga pala, si sir Brent! Hindi ako nakapagpaalam sa kanya, nawala na sa isip ko. Kasi naman, may ilang araw na rin siyang wala. "Hindi ako magqquit dito, okay? Naghahanap lang ako ng isa pang trabaho."

"Why?"

"Kasi mahirap kami." Naiinis at mabilis kong sagot. "Okay na?" Sarkastiko kong tanong, tapos ay patabog akong tumayo at tumungo sa staff room para magbihis.

Pagbukas na pagbukas ko palang ng pinto, isang bigla at napakahigpit na yakap kaagad ang bumungad sa akin. "Cait?" Nagtataka kong tanong, pero gusto ko yung pakiramdam na nadudulot ng ginagawa niya, nakakagaan ng loob kahit papaano.

"Alam kong may problema ka, Lia." Malungkot niyang sambit. Bahagya akong napangiti. Kaya best friend ko to e, hindi ko na kailangang magsalita, kasi alam na niya kaagad kung anong nararamdaman ko.

Habang tumatagal yung yakap niya, unti-unti kong naramdaman ang bugso ng matinding lungkot. Dala narin siguro ito ng pagod sa buong araw kong paglalakad sa ilalim ng tirik na araw. "May cancer si Papa, Cait." Naiiyak kong sabi. Kahit ilang beses ko siyang ulit-ulitin at sabihin, hindi nababawasan yung sakit na nadudulot niya sa tuwing sasabihin ko siya.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now