Chapter 41: Bicol Express

1.5K 55 9
                                    

Mahal ko siya.

Mahal ko si Asher.

Jusko, mahal ko na siya.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumingin sa mansyon nila. Mahal ko ang young master nila dito, mahal ko yung taong nagwawala sa loob, mahal ko yung taong umiiyak sa loob at nasasaktan akong makita siya sa ganoong kalagayan. Nasasaktan ako dahil hindi ko na makita yung masiyahin niyang mukha, o di kaya naman kahit pa ang masungit at maangas niyang itsura.

*CRASH!*

Nagsipagtayuan ang mga balahibo ko sa likod nang makarinig nanaman ako ng pagbasag mula sa ikalawang palapag ng mansyon nila Asher.

Kusa akong dinala pabalik ng mga paa ko papasok ng mansyon.

***


Sinipa ko pabukas ang sirang pinto ni Asher. "What are you still doing here, I said- what are you doing?" Bungad niya sa akin habang inaayos ko ang mga pinggan sa may mesa niya dito sa kwarto. Huli kong inilapag ang isang galon ng ice cream na medyo nabitawan ko kaya kumalabog ito ng malakas.

"Hindi ko alam kung anong problema mo, pero tama na, Asher. Awat na."

"Sinabi ko naman sayo di ba? Why would I listen to you?"

Imbes na sagutin ang tinanong niya, binuksan ko yung ice cream at nasimulang maglagay sa isang baso. "So hindi mo ko sasagutin ngayon?"

Sunod kong inayos ang kutsara at tinidor sa may pinggan. "This girl is crazy." Rinig kong kumento niya.

"Ako?" Tanong ko sa kanya, pagkatapos kong ayusin ang lahat. "Ako pa yung crazy ng lagay na to? Bakit? Ako ba yung nagpakalasing? Ako ba yung nagbasag ng lahat ng babasagin sa mansyon na to? Ako ba yung nanuntok sa mga guard sa baba? Ako ba yung nanakit kina Mama Tori at Big Ben? Sa bibig ko ba nanggaling lahat ng maruruming salitang pwedeng sabihin sa isang taong gustong tulungan ako? Ako ba? Ako pa yung crazy ng lagay na yan?"

Tinignan lamang niya ako, kahit pa ang haba ng pinagsasabi ko. "Why are you still here? Couple of hours ago sabi mo ayaw mo na?"

Tumango ako, "Oo, at sa dalawang oras na yun maraming pwedeng magbago. Kaso sa lagay mong yan, mukhang walang nagbago sa dalawang oras na nawala ako."

Humarap akong muli sa ice cream na hiniwalay ko at kinuha ito. Tumungo ako kung nasan si Asher at iniabot ito sa kanya, subalit tinignan lamang niya ang kamay ko. "Kumain ka na, puro alak nasa tiyan mo kaya ka nagkakaganyan eh."

Inialis niya ang pagkakahawa niya sa railing sa veranda niya at iniharap ang buong katawan niya sa akin. Kahit pa madilim, kitang-kita ko kung papaanong nakatingin siya sa akin. Kung papaanong wala sa basong hawak ko ang atensyon niya, kung hindi nasa mukha ko. Humakbang siya paharap, sa gulat ko napahakbang naman ako palikod.

"N-n-napapano ka?" Tanong ko sa kanya.

Isang paghakbang paharap ang kanyang isinagot. "Bakit?" Tanong kong muli, patukoy sa kinikilos niya.

Laking gulat ko nalang nang bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko. "Baliw ka! Hoy Asher anong-"

Para nawala lahat ng laman ng tiyan ko at napalitan ng libu-libong paru-paro. Lahat ng balahibo ko, pakiramdam ko tirik na tirik na nang dahil sa ginawa niya Asher. Gustuhin ko mang gumalaw, hindi ko magawa. Gustuhin ko mang magsalita, wala akong masabi.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now